DAHIL walang pasok ng araw na iyon, nakahiga lang si Dolphin sa kama. Kadarating lang niya at ng mga kasama niyang volunteer sa Maynila kaninang madaling-araw. Hindi na siya nagpasundo kay Connor dahil ayaw niyang maistorbo ito. Sinundo naman siya ng driver nila. Binuksan na lang niya ang Twitter account niya. Nagulat siya nang makitang may tweet si Connor sa kanya. Connor Mac Domingo: @DolphinInTheSea, baby sea urchin, let me know kung pauwi na kayo para masundo kita, okay? Napangiti siya. Sinagot niya ang tweet nito. Dolphin Antonette Sylvestre: @HELLOConnor, baby love, nasa bahay na ko. I'm safe and sound naman. :* Mag-a-ala singko pa lang ng madaling-araw kaya hindi na siya umasang gising na si Connor. Nag-log-out na siya sa Twitter account niya at nag-browse uli sa Fancy Souveni

