"I'M FINE, Dolphin. Hindi ka dapat um-absent sa klase mo para lang bantayan ako." Umiling si Dolphin, saka masuyong hinaplos ang pisngi ni Shark. "Okay lang, Kuya. Mas gusto kong bantayan ka." Bumuntong-hininga lang si Shark, saka pumikit. Naroon siya ngayon sa condo ng kapatid niya dahil may lagnat ito. Nag-alala siya kaya nagdesisyon siyang alagaan na lang muna ito ng araw na iyon dahil gaya ng madalas, wala sa bahay ang mga magulang nila. Kauuwi lang no'ng isang linggo ng mga ito kaya malamang ay ilang linggo uli ang lilipas bago nila makasama ang mommy at daddy nila. Si Antenna naman, kasama ni Riley dahil magsasama ang dalawa sa isang exhibit. Binabad niya ang bimpo sa maligamgam na tubig saka niya iyon maingat na pinatong sa noo ng kapatid niya. "Dolphin?" tila hinihingal na sab

