THE REVENGE (SURGERY BEAUTY BOOK 2) CHAPTER 1 Ang pagmamahalan namin ni Jyles na dumaan sa maraming pagsubok ang siyang magiging pundasyon ng panghabambuhay naming pagsasama. Alam kong kahit anong pagsubok pa ang darating, kakayanin na naming dalawa at katulad ng isang gabing madilim, darating din ang isang maaliwalas na umaga para sa muling pagsisimula. At heto nga’t nagsisimula na kami ng bagong buhay bilang mag-asawa. Panibagong pakikibaka para sa aming forever. Walang nagiong problema ang aming kasal. Pati panahon ay nakiayon sa amin. Naging masaya at matagumpay na naidaos ang aming pag-iisang dibdib. Kumpleto ang dumalo, mga kamag-anak, kapamilya at malalapit na mga kaibigan. Hindi magkamayaw ang kanilang maliligayang mga pagbati sa amin. Lahat ay may mga ngiti sa labi. “Masaya k

