CHAPTER 2 “It’s payback time baby! Pinatay ninyo ang kapatid kong si Jc at binalak ninyo akong ipakulong! Ngayon, ipapalasap ko sa inyo kung paano ako maghihiganti!” Hindi ako makapaniwala. Wala sa hinagap kong kapatid ni Ram si Jc. Mga pamilya ng baliw. Naalala ko ang sinabi ni Joan na galit na galit na kapatid ni Jc. Si Ram na pala iyon. Mukhang tinitiktikan na kami ng matagal mula ng aming kasal nang makita ko siya sa simbahan at alam rin niya kung anong oras nagigising ang mga tao sa bahay para magdeliver. Alam na alam niya ang kilos namin. Sinadya niya talagang maghiganti. Una nilang ipinasok si Jansen sa loob ng bahay. Duguan ang mukha nito. May malaking sugat sa kanyang mukha mula sa noon nahiwa hanggang sa ilong nito pisngi at bibig. Wasak na ang mukha ng binatilyo. Alam ko kun

