EPILOGUE JYLES POINT OF VIEW Maayos kong inilagay ang bulaklak sa puntod. Hinawakan ko pa ang nakaukit na pangalan niya sa lapida. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha dahil kung kailan nakalaya na ako sa kasamaan ni Ram ay saka naman siya nawala. Masakit pa rin sa akin ang nangyari. Kahit medyo matagal na naroon pa rin sa puso ko ang pagdadalamhati. Hindi man lang ako nakabawi. Hindi ko man lang naipadama sa kanya ang pag-aalaga at pagmamahal. Alamkong yung sakit ng kanyang pagkawala ay hindi na mapaparam pa. Kung gaano kasakit ito noong una ay ganoon pa rin katindi hanggang ngayon. Ngunit sadyang ganoon talaga ang buhay. Isinakripisyo niya ang buhay niya para matulungan akong makalaya sa kuko ng demonyong si Ram. Habang buhay akong magpapasalamat sa kanya. Hindi sapat ang salita

