FINAL CHAPTER Dumating din ang araw na pinaghahandaan ko. Alam kong hindi madali, may buhay na maibubuwis ngunit para sa ikatatahimik ng mga mahal ko sa buhay lalo na sa ikalalaya ng aking si Jyles sa abusive at obsess na si Ram, gagawin ko ang lahat. Nandito na ‘to. Kahit pa buhay ko ang kapalit. Wala akong hindi susuungin. Wala akong hindi kayang gawin. Sa huling laban na ito, sa huling yugto ng paniningil ko ng pautang, pinili kong maging ako, yung totoong ako, si Khaye. “Sigurado bang kaya mong mag-isa?” tanong ni Dok Bryan sa akin. “Hindi ko maaring isugal ang kaligtasan ninyo. Laban na naming mag-asawa ito. Nadamay kayo sa mga kasamaan ni Ram at hindi siya titigil na maghasik ng lagim hangga’t hindk ko siya mapapatay.” “Pero andaming tauhan ni Ram, paano mo sila matatalo?” ta

