CHAPTER 31 Kung kailan malapit ko nang makamit ang tagumpay ko sa aking paghihiganti, saka naman ako laman na ng balita. Hindi ko na maaring gamitin pa ang mukha ni Khaye sa tuwing lumalabas ako. Markado na ako ng mga pulis. Nasa wanted list na nila ako. Maaring mapapatay ko ang lahat ng mga may atraso sa aming mag-asawa ngunit may batas pa rin ang Pilipinas na nilabag ko. Hindi ko ito maaring ilagay sa aking mga kamay. Sa dami ng aking napatay, isa na nga akong maituturing na pinakamahusay na assassin sa buong Pilipinas. Nagmarka na ako sa buong bansa. Pinag-uusapan ng lahat ng mga estasyon ng TV at radio. Pilit inaalam ang kuwento g buhay ko. May patong ng milyon ang aking ulo at alam kong sa hirap ng buhay, maraming naghahangad na mahuli ako at maipakulong. Hindi pa panahon ng pag

