CHAPTER 30 Bumaba siya at dalawang baril ang itinutok niya sa amin. Mukhang papatayin nga talaga kami ni doktora. “Oh my God Khaye! Anong gagawin natin! Mukhang papatayin nila tayo! Khaye!” Ako man ay hindi ko alam kung ano ba dapat ang aming gagawin. Nagtatalo sa isipan ko kung didiinan ko ang accelerator at bibilis ang aming takbo at sasagasaan ko sila o huminto ako at matapang na harapin sila. Kailangan kong isipin higit lalo ang kapakanan ni Dok Kashmine. Alam ko namang kung hihinto ako, pababain nila ako at dadakipin. Dadalhin kay Ram para ipagyabang ni Peter na siya ang nakahuli sa akin ng buhay. Iyon ang alam kong gustong mangyari ni Ram. Siya ang dapat tatapos sa akin. Alam kong matapang si Peter dahil alam niyang wala akong armas na dala. Kampante siyang kayang-kaya na niya

