CHAPTER 29 “Ano na? Bakit kailangan naka-lock ang pintuan?” bungad agad ni Ram. Galit siya sa ginawa natin dahil sobrang lakas ng kanyang pagsipa sa pintuan. “Tulad ng sinabi ko, ayaw kong may distraction kapag naggagamot ako.” Alam kong hinarang ni Dok si Ram para maayos ko muna ang sarili ko. Mabuti na lamang at mabilis akong nakapangon kanina. Dahil sa sinalubong ni Doksi Ram, nagawa kong tumalikod rin agad. Inapuhap ko agad sa aking bulsa ang aking bigote at balbas. Mabilis kong inayos iyon sa aking mukha. “Nagugutom ako, gusto kong kumain.” narinig ko ring sinabi iyon ni Jyles. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mas lalo kong maiayos ang aking sarili. Alam kong ginawa ni Jyles iyon para sa kanya mapako ang atensiyin ni Ram at hindi sa akin. “Oh himala? Gusto mo nang kumain?”

