HOW DID YOU KNOW

3383 Words

CHAPTER 28 Nang binuksan ni Ram ang kuwarto at nakita ko si Jyles sa kalunos-lunos na kalagayan ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Nauna pang bumagtas iyon kaysa sa aking hakbang papasok. Hindi ko alam kung kaya kong kontrolin ang aking emosyon basta ang alam ko, hindi ko masikmurang tignan ang kalagayan ng aking pinakamamahal na asawa. “Ano ba? Huwag kang magpahalata,” siniko ako ni Dok Kashmine. Nakita niya kasi ang madamdamin kong pagluha. Kung makita iyon ni Ram, paniguradong magtataka. Hindi magiging normal iyon sa isang nurse lang. “Ano ‘yon?” tanong ni Ram. Lumingon sa amin. “May sinasabi ka ba Doktora?” Mabilis akong yumuko para kunwari pulutin ang nahulog kong ID. Daglian kong pinunasan ang aking mga luha bago tumayo. Hindi pwedeng makita ni Ram ang luha sa aking mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD