CHAPTER 27 Kinabukasan sa libing, kahit hindi ako makalapit sa kabaong ni Lolo ay humahagulgol ako. Napakahirap ng kalagayan ko. Kailangan kong itago ang aking pagkakakilanlan. Sana maintindihan ako ni Lolo. Habang inilalagak siya sa kanyang huling hantungan ay bumalik lahat sa akin ang kanyang kabaitan. Ang pagmamahal at suporta niya sa aming mag-asawa. Ang lalong nagpahagugol sa akin ay ang hindi man lang nakita ni Lolo si Jyles sa huling sandali nya sa mundo. Nabigo ko siya. Namatay siyang hindi man lang niya nakita na nagtagumpay kaming dalawa sa aming plano. Napakabigat sa dibdib na ang taong bumihag at nagpahirap sa aming mag-asawa ay ang tao ring pumaslang sa kanya. Wala kaming nagawa. Si Ram pa rin ang nagwagi ngunit hindi pa huli ang lahat. Hindi pa tapos ang laban. Sa puntod ni

