CHAPTER 10 Hindi madali ang aking trainings. Nandiyang nasugatan ako, nabalian, umiyak ng paulit-ulit at muntik nang sumuko. Araw-araw may mga bago akong natutunan ngunit araw-araw ring nalalagay sa alanganin ang aking buhay. “Hindi ko alam kung sinasadya mo akong pagurin, takutin at pahirapan para kusa na akong sumuko. Kulang na lang ay patayin mo na ako!” angal ko nang pinaputukan niya ako at dumaplis sa tainga ko ang bala ng kanyang baril. “Bakit pa kita dadaanin sa gano’n kung pwede ko namang sabihin sa’yo?” “Kahapon lang nang nasugatan mo ako sa kamay. Noong isang linggo, nabalian ako. Hindi ba pwedeng mag-ensayo na hindi nalalagay ang buhay ko sa kapahamakan?” “Pagod ka kaya ka galit. Galit ka dahil hindi mo nakukuha ang gusto mong outcome sa sarili mo. Ibig sabihin dala ng frus

