CHAPTER 11 Sinimulan na niyang tanggalin ang benda sa aking mukha. Dahan-dahan, unti-unti nakita ko ang aking noo, kilay, mga mata, ilong, pisngi, bibig at ang kabuuan. Napanganga ako. Hindi agad ako nakapagsalita. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko alam kung totoo ang aking nakikita. Hindi ko mapigilan ang aking pagluha habang nakatingin sa salamin. Sinalat ko ang aking mukha. Wala na akong maramdamang gaspang roon. Kahit ang lambot nito ay parang kagaya noon nang hindi pa ako nasasabuyan ng asido. Pakiramdam ko, walang nangyari. Sa nakikita ko, walang kahit anong bakas ng nakaraan. Himala mang maituturing ngunit alam kong bumalik yung dating ako. Mas nagiging maganda na lang ng kaunti dahil mas tumangos pa lalo ang aking ilong at mas nagiging buo at parang nililok ang aking mga la

