CHAPTER 7 Huminga ako ng malalim nang matapos kong basahin ang artikulong iyon. Napangiti ako. Alam ko na ang kahinaan ni Julio. Iyon ang gagamitin ko para mapapayag ko ito. Isinara ko ang laptop. Pumasok ako sa kwarto. Pinatay ko ang ilaw. Magdamag akong dilat. Iniisip ko ag lahat ng aking hakbang. Naamoy ko na ang tagumpay. Madaling araw pa lang ay kinontak ko na si Valentin. Nagpahatid ako sa kanya. Hindi muna ako didiretso kay Julio. Mukhang hindi ko muna haharapin siya. Dadaan ako sa matibay na tulay papunta sa kanya. Simple ang bahay na pinaghatiran sa akin ni Valentin ngunit maraming mga gulay at prutas sa paligid nito. Ganitong buhay ang pinagarap ko para sa amin ni Jyles. Parang nakikita ko si Nicole na namimitas ng mga bulaklak ng mga halaman at ako naman ay namimitas n

