CHAPTER 8 May bumabaybay na luha sa aking pisngi, “Humanda ka Ram, babalikan kita, babalikan ko kayo ng mga kasama mo at ipaparamdam ko sa inyo ang walang katumbas na nag-uumapoy kong paghihiganti!” Ipinaalam ko kaagad kay Lolo ang pagpayag ni Sir Julio. Hindi siya makapaniwala kung paanong napapayag kong turuan niya ako. Ngunit masaya siya. Bumalik ang bilib niya sa akin. Muli, lumakas lalo ang tiwala ko sa aking sarili na kaya ko, patutunayan ko sa kanilang oo, babae ako pero hindi lang basta-batsa babaeng kinakaya na lang. Ipinaalam ko na rin sa surgeon ko na hindi na muna ako tutuloy kinabukasan sa usapan namin. Sinabi kong tatawagan ko na lang siya kung handa na akong sumailalim sa surgery at mabilis ko rin naman siyang napakiusapan. Sa ngayon, kailangan ko munang harapin at pa

