CHAPTER 14 Pumapanig sa akin ang pagkakataon. Mukhang madali para sa akin ang paghihiganti. Umuwi na muna ako para makapagpalit. Habang naghihintay ako ng pagtakbo ng oras ay nakabantay ako sa terrace kung saan tanaw ko ang lahat ng nangyayari sa paligid ng palasyo ni Ram. Pinapag-aralan kung paano ko iyon papasukin. Mataas ang bakod. Masyadong marami siyang mga mga guwardiya. Walang pinapapasok sa loob kahit mga delivery. Sa gate na lang kinukuha ang pagkain. Hindi ko alam kung ano ang technique na gagamitin ko para lang makapuslit sa loob. Ngunit alam ko. darating din ang araw na makapupuslit ako sa loob. Kung nasa loob ka Jyles, sana maramdaman mong narito na ako mahal ko. Sana malaman mong buhay ako, para iyon ang magpapalakas sa’yo na huwag bumitaw. Iyon ang gusto kong malaman mo. N

