CHAPTER 15 Kinabukasan, maaga akong nagising. Binuksan ko kaagad ang aking Tv. Habang ako ay nagtitimpla ng aking kape ay nakinig ako sa ulo ng mga balita. Tama ang hinala ko, isa sa mga pumutok na balita sa umagang iyon ang nangyari kay Dino. “Isang SUV ang nahulog at sumabog sa bangin ng Tagaytay City. Ayon sa mga residenteng nakasaksi, nakarinig daw sila ng malakas na pagsabog at nakita na lang nila ang SUV na nilalamon na ng apoy. Sa ngayon kinikilala pa ang pagkakakilanlan ng driver dahil sunog na sunog ang bangkay. Tinataya ng mga pulis na nag-imbestiga na aksidente ang nangyari. Ayon sa kanilang pagtataya, nawalan ng control ang nasabing sasakyan kaya ito nahulog sa bangin. Bumangga sa puno ang naturang SUV at dahil sa malakas na impact at hindi maayos na wiring ng sasakyan kaya

