CHAPTER 16 “Sige, magpanggap ka pero hindi mo ako maloloko. Huwag mo akong kalabanin Khaye. Kung nalusutan mo ang kamatayan noon, hinding-hindi na ngayon. Lubayan mo ang pamilya mo at baka mas maunahan pa kitang mapatay ang pamilya mo kaysa sa pamilya ko.” Tumawa ako. Malutong na tawa. “Sinisindak mo ba ako?” “Alam mong hindi lang ako naninindak. Nakalimutan mo na baa ng lahat ng ginawa namin sa’yo noon?” “Gnawa sa akin? Wala akong matandaan. Gusto mo bang ipaalala kasi? Kasi kanina pa ako nahihiwagaan kung anong nangyayari sa’yo.” “Ang galing mo talaga. Tulad ng sinabi ko, kung kaya mong lokohin ang iba, hindi ako. Basang-basa kita” “Magbigay ka muna sa akin ng patunay na tama ang hinala at paratang mo dahil hangga’t wala kang pinanghahawakan, wala ka ring karapatang panghimasu

