CHAPTER 17 “Daddy!” sigaw iyon ni Dave. “Tulungan mo kami!!!” sigaw naman ni Roxanne at muli mabilis ko na namang inilayo ang cellphone. “Ano, susunduin mo ba ang pamilya mo o papatayin na lang namin ang mga ito!” Sandaling katahimikan. Mukhang umurong na ang kanyang buntot. “Ano bang kailangan mo? Bakit mo ginagawa ito?” “Kailangan? Ikaw lang naman ang kailangan ko e. Nadamay lang sila.” “E di dapat ako ang hinarap mo? Bakit kailangan mong mandamay ng mga ibang wala naman palang atraso sa’yo gunggong!” “Okey ka ah! Hawak ko na ang buhay ng mag-iina mo pero matapang ka pa rin. Sige. Kung walang kwenta ang pamilya mo, tapusin na lang natin ang usapang ito. Kolektahin mo na lang ang bangk

