CHAPTER 18 Huminga ako ng malalim. Nagkangitian kami ni Roxanne na nakauposa kama. KInawayan niya ako. Kumaway rin ako sa kanya. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila na ako ang dahilan kung bakit wala na silang ama at kung bakit maagang nabiyuda si Daisy. Habang minamaneho ko ang kanilang sasakyan, bumalik sa isipan ko ang lahat ng ginawa kong proseso kung bakit ako nagtagumpay sa aking paniningil. Sa unang araw palang na nagkita kami ni Daisy at mga bata, nagawa kong irecord lahat ang kanilang mga sinasabi. Madugong edit ang ginawa ko para lang mabuo at makuha ang mga gusto kong pahayag mula kay Daisy at sa mga bata na gusto kong iparinig kay Claude sa oras na tawagan ko na siya at sabihing hawak ko ang kanyang pamilya. Sinadya ko ring makuha ang mga cellphone nila para may magamit

