bc

FOOTLONG NI, ASHER (SPG)

book_age18+
318
FOLLOW
2.5K
READ
billionaire
forbidden
family
HE
fated
second chance
arrogant
billionairess
heir/heiress
drama
sweet
bxg
office/work place
lies
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Blurb:"Hindi mo ba alam kung saan ka nararapat, babae?" galit na tanong ni ShaSha, ina ni Asher, habang mariing tinitigan si Yuyieh. "Hampas-lupa ka lang! Hindi ka nababagay sa anak namin!""Mrs. Aguilar, hindi ko po gustong makasakit. Mahal ko po si Asher," nanginginig na sagot ni Yuyieh, pilit na nilalabanan ang luha."Mahal?" singhal ni Jhovann, ama ni Asher. "Ang babaeng tulad mo, ginagamit lang ang pagmamahal para makapang-abuso. Isa kang ambisyosa na walang karapatang makapasok sa pamilyang ito!""Lolo, kahit kayo po... pakinggan n’yo naman ako," pagsusumamo ni Yuyieh sa matandang Aguilar, ang tungkod nito’y dumadagundong sa marmol na sahig.Ngunit mahigpit ang tingin ng Lolo ni Asher. "Ang babaeng tulad mo ay walang puwang sa pamilya namin. Gagamitin mo lang ang yaman namin para sa sarili mong kapakanan. Lumayas ka!""Asher, sabihin mo sa kanila! Ipagtanggol mo ako!" hikbi ni Yuyieh, pilit na kinukuha ang kakampi ng puso niya.Ngunit tumalikod si Asher. "Tama sila, Yuyieh. Umalis ka na."Gumuho ang mundo ni Yuyieh. Hindi alam ng Aguilar na ang pinalalayas nila ay nagdadala ng bagong pag-asa—ang anak ni Asher.

chap-preview
Free preview
Empire
CHAPTER 1 Asher’s POV Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng opisina, ngunit mas malamig ang tingin ko sa mga empleyado kong nakatayo sa harapan ko ngayon. Tatlong dosenang pares ng mata ang nakatingin sa akin, lahat naghihintay ng sasabihin ko. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung iniisip nilang halimaw ako. Kung hindi nila magagawa nang tama ang trabaho nila, mas mabuti pang maghanap sila ng ibang kumpanya. Ang Aguilar Empire ay hindi para sa mahihina. "Is this a joke to all of you?" malamig kong tanong habang nakatingin sa report na hawak ko. The numbers were pathetic. Hindi na kailangan ng eksperto para makita kung gaano ka-disastrous ang naging resulta ng sales performance namin nitong buwan. "What part of 'excellence' did you not understand?" Tumayo ako mula sa aking leather chair, idiniin ang report sa glass table, at tinignan sila nang isa-isa. “Mr. Sy,” tawag ko sa team leader ng sales department. Halos mawala ang kulay ng mukha niya nang marinig ang pangalan niya. "Y-Yes, Mr. Aguilar," sagot niya, halatang nanginginig ang boses. "Explain to me why we’re down 15% in sales. Fifteen percent, Mr. Sy! That’s not just a number; that’s millions lost! What happened? Did you forget how to do your job?" “Sir, t-tingin ko po kasi—” “I don’t need excuses, Mr. Sy. I need results. Hindi ako nagbabayad ng limpak-limpak na sahod para marinig ang palusot n’yo. Either you fix this, or you’ll be out of this company faster than you can say 'resignation letter.’ Clear?" Tumango siya nang mabilis, pero nakita ko ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Wala akong pakialam. Hindi ako nagtatag ng imperyong ito para magpakita ng awa. Ang problema sa karamihan ng mga tao ay puro sila dahilan. Puro reklamo. Puro tanong kung bakit ang taas ng standards ko. Simple lang naman ang sagot: I built this company with blood, sweat, and sleepless nights. Hindi ako tumigil kahit ilang beses akong nadapa. At ngayon, hindi ko hahayaang sirain lang ng incompetence nila ang lahat ng pinaghirapan ko. “Marketing team,” sabay lingon ko sa grupo sa kaliwa. Halos hindi sila makatingin nang diretso sa akin. “You were supposed to launch a new campaign last week, pero nasaan? Wala pa rin akong nakikitang bagong ads o initiatives sa kahit anong platform. What’s taking so long? Are you all waiting for a miracle to happen?” “Sir, na-delay po kasi—” “Again with the excuses!” Malakas ang boses kong gumulat sa lahat. Tumayo ako mula sa pagkakasandal sa mesa at naglakad papunta sa kanila. “Ang hinihingi ko lang naman ay trabaho na kaya ninyong gampanan. If you can’t keep up with my expectations, the door is wide open. May mga taong mas deserving sa posisyon n’yo!” Biglang nagtaas ng kamay ang isang babae mula sa marketing. Si Erica. Alam kong bago siya sa team, pero hindi ko rin siya bibigyan ng special treatment. Everyone should know what they signed up for when they joined Aguilar Empire. “Mr. Aguilar,” panimula niya, medyo nanginginig ang boses pero matapang ang ekspresyon sa mukha. “We understand po na hindi acceptable ang performance namin this month, pero may mga factors po kasi beyond our control—” “Factors beyond your control?” Halos mapasigaw ako sa frustration. “Do you even hear yourself right now, Ms. Torres? In this industry, you either adapt or you fail. At kung hindi ninyo kayang mag-adapt, then you don’t belong here. Simple as that.” Nanahimik siya, pero hindi niya binaba ang tingin niya sa akin. I can see the fire in her eyes, but I ignored it. Hindi ako nagpapadala sa emosyon. Kung gusto niyang patunayan ang sarili niya, gawin niya iyon sa gawa, hindi sa salita. Naglakad ako pabalik sa gitna ng conference room at tumingin sa lahat. “Listen carefully. Aguilar Empire became what it is today dahil sa walang tigil na hard work at dedication. Kung iniisip n’yo na makaka-survive kayo dito nang puro excuses, then let me remind you: You’re all replaceable. Ang daming mas magagaling diyan na gustong kunin ang posisyon n’yo. So, if you want to keep your jobs, then prove to me that you deserve to stay. You have one month to turn things around. Kung wala akong makita na progress, hindi na tayo mag-uusap ulit. Clear?” “Yes, Mr. Aguilar,” sabay-sabay nilang sagot. “Good. Now get out of my sight and start fixing this mess.” Isa-isa silang lumabas ng conference room, halatang mga takot at hindi alam ang gagawin. Napabuntong-hininga ako at umupo pabalik sa aking upuan. Hindi madali ang pamumuno ng isang multi-billion-dollar corporation. Ang hirap sa kanila, gusto nila lahat spoon-fed. Hindi nila naiintindihan na sa mundo ng negosyo, ang bilis ng aksyon ang nagpapabuhay sa isang kumpanya. Nag-ring ang intercom sa tabi ng mesa ko. Tumawag ang aking secretary. “Sir, nandito na po si Ms. Rodriguez for your 11 AM meeting.” “Send her in,” sagot ko. Kailangan ko nang mag-focus sa susunod kong agenda. Walang puwang para sa pagkakamali, lalo na ngayong nasa pinakamataas na level ako. Habang naglalakad papasok si Ms. Rodriguez, isang bagong business partner, sinubukan kong itago ang inis ko mula sa nakaraang meeting. Business is business. Walang personalan. At sa mundong ito, hindi mahalaga kung gaano ka kabait—ang mahalaga ay kung gaano ka kagaling. Kailangan kong ipakita sa kanila na ang Aguilar Empire ay hindi ordinaryong kumpanya. This empire is a reflection of who I am—cold, ruthless, and always on top. Nang pumasok si Ms. Rodriguez sa opisina, malinis at pormal ang aura niya—katulad ng inaasahan ko sa isang taong interesado sa partnership sa Aguilar Empire. Sa unang tingin pa lang, alam kong hindi siya basta-basta. Her crisp white blazer and poised demeanor screamed professionalism. Gayunpaman, hindi ako madaling mapabilib. “Mr. Aguilar,” bati niya habang inabot ang kamay niya. Tumayo ako at tinanggap ang handshake niya. “Ms. Rodriguez, thank you for coming. Let’s make this meeting worth both our time.” Agad kaming naupo sa maliit na mesa sa gilid ng opisina ko. Hindi ako mahilig sa small talk, kaya’t dumiretso ako sa punto. “I reviewed the proposal you sent last week, and while it’s ambitious, I see potential. But I need to know—what makes you confident that your team can deliver?” Hindi siya nagdalawang-isip sa sagot. “Because we’ve done it before, Mr. Aguilar. We’ve taken smaller businesses and turned them into multimillion-dollar enterprises within a year. What we’re offering is not just strategy but also execution.” “Bold claims,” sabi ko habang sinisilip ang mga dokumento sa harapan ko. “But Aguilar Empire is not just any company. We’re a billion-dollar empire. One wrong move and the damage will be catastrophic. Can you handle that level of responsibility?” “Without a doubt,” mabilis niyang sagot, na parang matagal na niyang inihanda ang mga salitang iyon. Ang determinasyon sa boses niya ay hindi mapagkakaila, pero hindi ko hinayaang makita niya na medyo impressed ako. Pagkatapos ng halos tatlumpung minutong diskusyon, nagkasundo kami sa ilang puntos. Mahusay siya, pero hindi ibig sabihin nito ay magiging kampante ako. I need results before I trust her fully. “Alright, Ms. Rodriguez. We’ll finalize the partnership documents. My legal team will coordinate with yours. Until then, the ball is in your court.” Tumayo ako, hudyat na tapos na ang usapan namin. Tumayo rin siya at tumango, nagpapakita ng respeto. “Thank you for your time, Mr. Aguilar. You won’t regret this decision,” sagot niya bago lumabas ng opisina ko. Pagkalabas niya, tumawag ako sa secretary ko gamit ang intercom. “Patricia, schedule a conference meeting with all board members in twenty minutes. I want everyone in the main conference room.” “Yes, Mr. Aguilar,” mabilis niyang sagot. Dalawampung minuto ang lumipas, at naroon na ako sa main conference room. Nakaupo ako sa dulo ng mahahabang mesa, hawak ang isang tablet na naglalaman ng lahat ng importanteng data tungkol sa kumpanya. Isa-isa nang dumating ang mga board members, department heads, at iba pang key personnel ng kumpanya. Nakaupo silang lahat, mukhang handang makinig, pero alam kong ang ilan sa kanila ay kabado. Tumayo ako mula sa upuan ko at sinimulan ang meeting. “Ladies and gentlemen,” panimula ko, malamig at diretso, “we are at a critical point. The recent numbers are unacceptable. Kung hindi natin aayusin ang mga pagkukulang, we will lose more than just profits—we will lose our reputation. And that is something I will never allow.” Tumahimik ang buong kwarto. Alam nilang hindi ako nagbibiro. “First order of business: sales performance,” patuloy ko habang tinignan ang isang board member sa kaliwa ko. “Mr. Santos, as the head of sales, I need to know your action plan to address the 15% decline. What steps are you taking to recover the losses?” Tumayo si Mr. Santos, halatang tensyonado pero pilit na pinapanatili ang composure niya. “Mr. Aguilar, we’re planning to implement aggressive sales strategies this quarter. We’re focusing on our top-performing regions and reallocating resources to boost revenue. Additionally, we’re launching new incentive programs to motivate the sales team—” “Motivate?” putol ko sa kanya. “Mr. Santos, motivation is not the issue. Competence is. You can give all the incentives in the world, but if your team cannot deliver, it’s useless. Be specific. How will you ensure results?” Napatingin siya sa notes niya bago sumagot ulit. “We’re conducting additional training sessions, sir, and we’re also hiring new sales personnel to fill the gaps.” “Good. You have two weeks to show progress. If there’s none, I’ll personally oversee your department. And trust me, Mr. Santos, you don’t want that to happen.” Bumalik ako sa upuan ko at tumingin sa susunod na department head. “Marketing team,” tawag ko. “You’ve already heard my feedback earlier. Do you have anything to add?” Tumayo si Erica, ang bagong miyembro ng team. Kahit halata ang kaba niya, may determinasyon pa rin sa boses niya. “Mr. Aguilar, we’re finalizing the campaign that was delayed last week. We’re also working on collaborations with influencers to maximize reach. I assure you, sir, we won’t disappoint this time.” “See to it that you don’t,” sagot ko nang diretso. “The next time I see a delay, hindi na ako magdadalawang-isip na palitan ang buong team ninyo.” Habang nagpapatuloy ang meeting, isa-isa kong kinuwestiyon ang bawat departamento. Hindi ako tumigil hanggang sa masigurado kong may malinaw na plano ang bawat isa para sa susunod na buwan. Sa huli, tumayo ako ulit at tinignan silang lahat. “I built this company with one goal in mind: to be the best. And the best does not settle for mediocrity. Kung hindi kayo handang ibigay ang lahat ng makakaya ninyo, let me remind you—there are thousands of people out there waiting for your seats. Don’t give me a reason to replace you. Understood?” “Yes, Mr. Aguilar,” sabay-sabay nilang sagot. “Good. Meeting adjourned.” Habang palabas ang lahat, nanatili akong nakaupo, tahimik na pinagmamasdan ang walang laman na conference room. Para sa kanila, maaaring ito ay trabaho lang. Pero para sa akin, ito ang buhay ko. Aguilar Empire is not just a company—it’s my legacy. At walang sinuman ang maaaring sirain iyon. Sa isip ko, alam kong mahirap maging ganito ka-strikto, pero sa mundo ng negosyo, ang pagiging malambot ay isang kahinaan. At para sa akin, ang kahinaan ay hindi kailanman magiging bahagi ng equation.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook