CHAPTER 19 YUYIEH’S POV Tahimik lang akong nakatayo sa veranda, hawak ang baso ng juice, habang si Asher ay may hawak namang whiskey. Kanina pa kami nandito, walang imikan, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Cold pa rin siya, gaya ng dati. Pero… hindi ko maintindihan. Bakit parang may bumabagabag sa kanya? Bakit parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa? "Asher…" tawag ko, halos pabulong lang. Biglang tumingin siya sa akin, ang mga mata niya ay seryoso at walang emosyon. Damn it. Bakit ang gwapo niya kahit malamig siya?! Napasinghot ako at saka nilakasan ang loob ko. "Asher… may itatanong ako." Naningkit ang mata niya. "Ano?" malamig niyang sagot. Napahinga ako ng malalim. "Asher… bakit parang hindi mo gusto ang ginagawa natin?" Napansin ko kung paano

