Interested

1722 Words

CHAPTER 10 ENNA POV Pagkaalis ni Asher, sumakay ako sa motor ko at tumingala sa langit. Nakangiti ako habang hinihipan ng malamig na hangin ang mukha ko. Sino nga bang mag-aakala na ang batang iyon, na palaging tahimik at seryoso, ay magiging dahilan kung bakit ako nandito ngayon? Si Asher, ang masungit kong nakababatang kapatid, ang naghubog ng pagmamahal ko sa motor racing. FLASHBACK Bata pa lang kami, kita na ang hilig ni Asher sa mga makina. Labing-anim siya noon, ako naman beinte-uno na. Madalas ko siyang mahuli sa garahe, abala sa pagkalikot ng motor na binili ni Daddy para sa kanya. "Asher, ano na naman 'yang pinagkakaabalahan mo? Ayusin mo 'yan, baka pagalitan ka ni Mommy," sabi ko sa kanya noon. Hindi siya tumingin sa akin. Diretso lang siya sa ginagawa niya habang sumagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD