Nang makapasok sa kwarto ay basta ko na lamang ibinagsak ang sarili sa kama. Parang tangang nakangiti ako habang hawak ang aking dibdib. Pinaghalong saya at hiya ang nararamdaman ko matapos syang halikan sa pisngi. “Amarah?” Gulat akong napabalikwas nang marinig ang pagtawag sa kabilang banda ng silid. Ang tatlong mahinang katok ang syang nag-obliga sa katawan ko para bumangon at pagbuksan ang kung sino mang tao ang naroon. “Manang?” Saad ko nang makita syang nakatayo roon. Nagtatakang tinignan ko sya nang ituro nya sa akin ang dala nyang basket. “Mga damit mo.” Nagmamadaling kinuha ko sa kanya iyon ng may ngiti sa labi. Hindi na rin naman sya nagtagal pa sa tapat ng kwarto ko dahil may gagawin pa daw sya sa baba kaya naman agad rin syang umalis. Basta ko na lamag inilapag iyon sa

