CHAPTER TWELVE

2890 Words

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan roon bago dumating si Kuya Marcus. Tulad ng dati, isinabay namin sila Alexia at Mimi pauwi. Panay ang puri ng mga ito sa kung gaano kaganda ang kotse ni Kuya. Ilang beses naman na silang nakasakay rito pero naroon pa rin ang pamamangha sa kanilang mga mata. Panay tawa naman si Kuya dahil sa kadaldalan ni Alexia. Kasabay non ay kwinento nya iyong bago naming kaklase na si Lucas. Ngayon mas naiintindihan ko na ang sinasabi ni Mimi na may gusto si Alexia sa lalaking iyon. Sa paraan pa lang ng pagkukwento nya ay mahahalata mo na. Unang beses nya pa lang itong nakita pero ang mga ngiti nya habang kinukwento ang nangyari sa pagitan nila ay hindi man lang itinago ng mga pilit na inis nya. "How was your day?" Tanong ni Kuya nang tuluyang makababa ang dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD