"Dito spot namin!" Agad na sigaw nila Jet nang makarating kami sa mismong tabing dagat na pupwestuhan namin. Hindi pa nga namin naibababa ang mga gamit ay naghanap na kaagad sila ng pwesto. Halos malaglag ang panga ko sa pagkakanganga nang makitang may mababaw na hukay doon sa gitna. May tabing ito sa itaas na parang isang hari at reyna ang nakapwesto roon. Nang makalapit ay mas lalo kaming namangha dahil ang hukay na iyon ay napakalaki at mayroong sofa sa loob. Pinalilibutan ito ng mga kandila na nakalagay sa kaunting semento na pumipigil sa mga buhangin para makapasok roon. Ang kulay krema nitong sofa at unan ay talagang masarap sa mga mata. May table rin ito sa gitna na mayroong vase ng bulaklak. "Grabe. Ang ganda ng resort n'yo, Amarah." Puri ni Lance. Nakangiti ko silang tinapuna

