bc

Seiri's Date with Destiny

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
fated
dare to love and hate
comedy
sweet
humorous
lighthearted
friendship
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

“Kailan ka mag-aasawa?”

Nasagot mo na ba ang tanong na iyan?

Kung Oo, edi wow!

De joke lang, sana all talaga! *sobbing*

Kung hindi naman ang sagot mo, lika usap tayo!

Paano paghihiwalayin yung mga may juwa! HAHAHAHA *sobbing*

Hi! I’m Seiriah Trish Asuncion, Seiri ang tawag nila sa’kin, ang unique di’ba? Kasing unique ng lovelife ko! Kainis! Anim na ang dumaan sa buhay ko pero literal na dumaan lang at walang nagstay!

Ouch!

Susuko na sana ko nang biglang magpakilala ang isang napakagandang babae, siya daw si Miss Destiny at tutulungan niya ko na mahanap ang gwapong lalaking para sa’kin. *evil laugh*

Kaso may problema...

Tatlong naggagwapuhang lalaki pa daw kasi ang makikilala ko at kailangan kong pumili ng isa sa kanila. Hirap na hirap na nga kong magmove-on sa anim na ex ko dadagdagan niya pa ng tatlo. Hayyy...

Sana lang tama ang mapipili ko...

Tara, samahan ninyo ko bawasan natin ng isa ang single sa mundo!

chap-preview
Free preview
Seiri
             “6pm sharp! Sa coffee shop na lang tayo magkita ah!” Paalala ko uli sa bestfriend kong si Trist nang makasakay ako sa UV. 20 minute ride ay makakarating ako sa meeting place namin.              “Pwede bang malate?” sagot niya at ramdam kong nagpipigil lang ng tawa sa kabilang linya.              “Hoy Mr. Caballero huwag mo ko pagtripan ngayon, pagod ako alam mu yan. Maghihintay ka talaga sa wala. Subukan mu lang malate.” Sigaw ko sa phone, dahilan para magtinginan sa akin ang mga katabi ko. Eksena naman ang peg ko.              “Biro lang, pero sana hindi traffic.” Tss. Pakiramdam ko talaga magpapahintay na naman ‘to. Gawain niya kasi yun, porket alam niyang mahaba ang pasensiya ko sa kanya.              Binaba ko na lang ang tawag. Friday night ngayon at wala akong pasok bukas kaya nang mag-aya ito magkape ay agad akong pumayag. Minsan na lang din kasi kami magkita, ewan ko ba puro sideline lang naman ‘tong bestfriend ko pero mas busy pa kaysa sa’kin.              5:50 nang makarating ako sa coffee shop na pagkikitaan namin, wala pa siyang text, di bale may 10 minutes pa siya. Naupo lang muna ko sa table na nasa labas.              Hindi pa ko nagtatagal sa pagkakaupo ng may mapansin akong isang lalaki na pamilyar ang mukha sa loob ng coffee shop, di ko gaano maaninag dahil nakaside view lang ito sa akin.              “Babe thank you sa mga ito!” sambit ng babaeng kasama niya pagkalabas nila ng coffee shop, may bitbit itong bouquet of red roses and some takeout coffee siguro. “Hmm konti na lang makakabawi kana!” patuloy pa ng babaeng kasama niya at humalik pa ito sa labi ng lalaking kasama.              They looked like a happy couple.              Pero sa pagdaan nila sa harap ko ay nakilala ko na kung sino ang lalaking iyon. Parang may karayom na unti-unting bumabaon sa puso ko, paunti unting nanginginig at kumuyom ang mga palad ko, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ilang araw na ang lumipas nang bigla na lang itong hindi nagparamdam.              Napatayo ako sa kinauupuan ko, “Ja-red…” sambit ko sapat lang para marinig nila.              Lumingon siya sa gawi ko maging ang babaeng kasama niya at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat na makita ako roon.              Pilit kong pinipigilan ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.              “Babe kilala mo?”  inosenteng tanong ng babae.              “Ah-ah hindi… Baka kamukha ko lang yun o kapangalan. Tara na babe baka gabihin pa tayo.” Pautal utal na sagot nito, may pagtataka sa mukha ng babae pero nang hindi ako makilala ay tumalikod na lang at nagpatuloy sila sa paglalakad.              Wala kong naging lakas para habulin pa sila, nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Pabagsak akong napaupo ng kusang bumigay ang mga binti ko.              Trist asan kana ba, gusto ko ng umuwi at magpahinga. Tanging sambit ko kasabay ng sunod sunod na pag-angat ng mga balikat ko. *****              “Best! Andito nako! Oh sakto 7:00 pm hindi ako late!” Inangat ko ang mukha at nakita ko si Trist, pilit kong itinago ang pamumugto ng mata ko.              “7:01 na late ka pa rin…” Pilit ko siyang nginitian.              “Oh bakit namumula yang mga mata mo? Umiiyak kaba? Bakit?”              Hindi ko sinagot ang tanong niya, “Uwi na tayo, pagod na ko.” sagot ko na lang.              Sandali niya pa kong tinitigan. Ako naman ay hindi makatingin ng deretso sa kanya…              “Um, sige pero hintayin mo ko sandali ah, magpatakeout na lang ako.” Alam kong maiinitindihan niya ko sa hindi ko pagsagot sa tanong niya, pipigilan ko pa sana siya pero mabilis siyang tumayo at dumeretso sa loob ng coffee shop.              Siguro’y hindi niya nakita, mabuti na rin iyon dahil kung nagkataon ay siguradong g**o ang mangyayari sa lugar na ito.              Akala ko ay magtatagal ito, pero wala pang ilang minuto ay lumabas na at may bitbit ng takeout ng kape.              Hindi ko na nagawang magtanong pa, ramdam ko pa rin ang kirot sa kaliwang dibdib ko at ‘di pa nawawala ang panginginig na mga kamay ko, sira na ang gabi ko, gusto ko na lang umuwi at makapagpahinga.              “Best sorry, hindi na naman ako nakinig sayo.” putol ko sa katahimikan. Pauwi na kami sakay ng kotse niya kung saan siya ang nagmamaneho at ako’y nakaupo sa passenger’s seat sa harapan. Nilingon ko siya, ngayon ko lang napansin na medyo magulo at gusot ang gray polo na suot niya.              “Ano bang nangyari?” tanong niya.              Kinwento ko sa kanya ang mga nakita ko kanina, si Jared, boyfriend ko siya, two months palang kami, maayos ang lahat, masaya, ilang buwan niya rin akong niligawan bago ko siya sinagot. Nakita ko na seryoso siya kaya akala ko ay nahanap ko na ang nakatadhana para sa’kin, naging open siya sa’kin kaya alam ko ang tungkol sa ex niya pero matagal na daw silang hiwalay at wala rin akong napansin na kakaiba o tinatago ito sa dalawang buwan na iyon.              Kaya laking pagtataka ko ng ilang araw na ang nakakalipas ay hindi na ito nagparamdam, binalaan na ko ng bestfriend ko na baka nakipagbalikan na ito sa ex niya dahil una palang ay wala na itong tiwala sa kanya at sinasabi nito na rebound lang ako bagay na hindi ko pinaniwalaan, nagalit pa ko sa kanya nun. Pero kanina, nakita mismo ng dalawang mata ko ang katotohan na wala na kong hinihintay pa.              Habang nagkwekwento ako ay wala man lang reaksyon sa mukha nito, nasa harapan lang ang tingin, inaasahan ko na kahit papaano ay makikita ko ang galit sa mukha niya o kahit concern man lang sa nangyari sa’kin pero wala ni bakas niyon.              “Sabi ko naman sayo, hindi mu kailangang magmadali, makikilala mu rin yung tamang lalaki, be patient,” turan niya, deretso pa rin ang tingin. Pakiramdam ko talaga ay gusto niyang maramdaman ko na tama ang kutob niya rito, hindi ako nakinig kaya eto ako ngayon, umiiyak nanaman sa tabi niya. Pang ilang beses na ba ito, pang apat, lima? Hay di ko na alam.              “Huwag ka na ulit iiyak ah?” tumingin siya sa’kin, kaya pala traffic.              “Bakit?” mukhang alam ko na ang kasunod nito, hinawakan ko ng marahan ang headpillow na nasa mga hita ko. Subukan mu lang Trist.              “Ang pangit talaga.” napabuga pa ito kasabay ng malokong pagngisi.              Binato ko sakanya ang headpillow hindi niya iyon inaasahan kaya napaaray siya ng tumama ito sa ulo niya, inirapan ko lang siya, nakakainis talaga ‘to ganyan ba talaga siya magcomfort. Tss…              Hindi ko na siya inimik pa at lumagok na lang sa vanilla flavored coffee na binili niya kanina. Buti pa ito pinapakalma ko. Kape na lang kaya mahalin ko.              Siguro kung maya-maya pa kami umuwi ay hindi na namin maaabutan ang trapik na ito, hay kung kailan gusto mung makauwi ng maaga ganto pa ang aabutan mu sa kalsada. Pagmamaktol ko ng ilang minuto kaming hindi nagalaw dahil sa trapik.              Napalingon ulit ako sa kanya. Nakangiti ito sa gawi ko pero hindi sa akin ang tingin, may naisip na naman sigurong kalokohan.              “Psst…” tawag ko sa atensyon niya, ngumuso siya sa’kin, sa likuran ko? Paglingon ko ay nakita ko ang isang resto na puno ng makukulay na mga disenyo at nagliliwanag na mga pailaw sa labas bagay na kahit sinong makakakita ay kusang gagalaw ang labi para iappreciate ang ganda nito, bago lang ba ito dahil ngayon ko palang ito nakita.              “May date ka ba sa Valentine’s day?”              Napabalik bigla ang tingin ko sa kanya at sandali akong nag-isip habang tinititigan siya. “Alam mo naman yung nangyari kanina di’ba? Hindi ka naman nang-aasar Mr. Caballero?” inirapan ko siya.              Napailing ito, “Sorry na, hindi hindi, naisip ko lang na parang ang sarap ng pagkain dyan, disenyo at pailaw pa lang sa labas parang nakakawala na ng pagod.”              Muli kong binaling ang tingin sa resto na iyon, tama siya iba ang pakiramdam, nakakagaan at nakakawala ng pagod, parang may magical vibe kung pagmamasdan ang resto na ito.              Pagkahatid niya sa’kin ay nagstay pa ito sandali sa bahay, kinamusta ko siya dahil kahit wala itong permanenteng trabahong binabanggit ay napakahirap hagilapin nito.              Muntik ko ng makalimutan ipakilala siya sa inyo, siya nga pala ang bestfriend ko since 2nd year college, his name is Tristan Keith Caballero. Kung paano kaming naging ganito kaclose ay ikwekwento ko sa inyo sa mga susunod naming pagkikita. Moreno, matangkad hanggang balikat niya lang ako kaya pagtrip ako nito isasandal niya ang siko sa balikat ko tapos aaktong may iniisip. Nakakainis kung minsan dahil ang lakas mang-asar pero huwag ka mabait yan, mapagmahal at masipag, gala pero malaki ang kinikita, sana all diba.              Biniro ko pa siya bago umuwi na baka puro babae na lang ang inaatupag niya. Tinawanan lang ako ng loko, sinuntok ko siya sa braso isang malakas para sa pang-aasar niya sa’kin kanina at isang mahina dahil alam kong hindi niya magagawa yun, nahanap na kasi niya ang babaeng para sa kanya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook