Miss Destiny

1781 Words
             “Saan ang lakad mamaya Mam?” usisa ng katabi ko sa office, si Mam Ash.              “Ahh... lalabas lang kami mamaya ng bestfriend ko Mam...” naiilang kong sagot. Baka kasi hindi matuloy... Nagtext kanina si Trist na baka hindi ako masundo kaya malamang ay magcommute ako papunta roon, pinapasama daw kasi siya ng Tita niya sa urgent meeting para kausapin siya sa part time job niya roon at hindi niya alam kung anung oras matatapos iyon, pero nangako siya na gagawa ng paraan para hindi malate sa usapan namin.              “Ash?” tawag pansin ko sakanya, “Alam mu ba yung bagong bukas na resto dun sa west? Destiny’s restaurant?” patuloy ko.              Sandali itong nag-isip at umiling iling lang.              Past 5pm na, hindi muna ako umalis ng office, hinihintay ko pa rin kasi ang message o tawag ni Trist. 7 pa naman yun, at kung tatantyahin ang oras ng biyahe pag nagtaxi ako ay 30 minute ride lang makakarating ako ruon.               6:02 nang magring ang phone ko, si Trist tumatawag.              “Hello? Asan kana? Tuloy ba tayo?” sunod sunod na tanong ko.              “Papunta na ko best, pasensya na hindi na kita masusundo, tyempo si Tita eh.” sagot niya.              “Um sige, mag-aayos na ko ng gamit, magtataxi na lang ako para hindi maipit sa trapik.”              “Sige ingat ka ah, pag nauna ka dun sabihin mu lang yung pinareserve ng gwapong si Tristan Keith Caballero, reserved no. 7, table no. 7, alam na nila yun.” dinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya.              “Baliw! Sige na, ingat ka sa pagdadrive see you!” Inayos ko na ang gamit ko, ewan ko ba, parang bumilis ang kabog sa dibdib ko.              Madalas naman kami kumain ng sabay sa mga coffee shop, sa bahay nila o sa amin, minsan sa mga fastfood, resto pero may kakaibang pakiramdam lang ako ngayon. Nagpaalam na ko sa iilang mga katrabaho ko na anduon pa. Napangiti ako paglabas ng building, akala ko kasi hindi na matutuloy.              Kailangan ko pang iwaze ang lugar na iyon sa cp ko dahil hindi alam nitong si manong driver ng taxi kung saan daw yun. Mabuti na lang at kahit paano may alam ako rito kundi baka maligaw pa kami pareho.               6:45 nang makarating ako sa resto, ito nanaman ang positive vibe ng lugar na ito, kusang gumalaw ang mga labi ko para iappreciate ang ganda ng mga pailaw at disenyo nito sa labas.              “Good evening Mam! Welcome to Destiny’s Restaurant! Reservation number Mam?” tanong sa’kin ng crew. Ang lawak ng ngiti niya at bagay din ang checkard long sleeve na kulay gray na suot nito.              “Ahh... No. 7? Yung kay Tristan Keith Caballero? Andyan na ba siya?” naiilang ako banggitin ang pangalan ng mokong baka kasi pinagtitripan lang ako.              Hinanap nito ang pangalan ni Trist, o yung reservation no. ata. “Table no. 7 Mam, pasok po kayo, welcome po ulit sa Destiny’s restaurant, tanging hiling po namin ay mahanap ninyu ang nakatadhana para sa inyo.”              Napangiti ako ng marinig iyon, same kuya. Same. Sana nga mahanap ko na siya. Matagal ko na siyang hinahanap. sambit ko sa sarili.              Nang makapasok sa loob ay abot tainga ang lawak ng mga ngiti ko. Slow music, beautifully decorated, low lightning, table designs we’re simple yet so elegant looking and an overall romantic themed restaurant. The ambiance was perfect para sa mga nagniningning kong mata.              Table no. 7, naupo ako at patuloy na inaappreciate ang buong paligid. Ilang minuto ata kong nakanganga, muntik ko ng makalimutan hanapin ang bestfriend ko. Wala pa siya, wala pa ring text o tawag pagtingin ko sa phone ko na nakalapag sa table.              Time check 6:55, magpupunta muna ko ng comfort room para makapagretouch sandali, ilang minuto rin ako nagreretouch ng mapansin kong hindi ko mahagilap ang phone ko, agad kong hinanap sa sling bag na dala ko pero wala, oo nga pala nasa table yun, agad akong lumabas ng comfort room at dumiretso sa table ko, natanaw ko naman na andun pa rin ang phone ko. Napabuga ako bago maupo sa table.              Duon ko lang napansin na parang tumigil ang music, inikot ko ang tingin sa paligid, tumigil din ang mabagal na pagpapalit kulay ng mga ilaw, at  ang mga tao biglang naglaho! Wala ng mga nakaupo sa table sa paligid ko. Teka! Napahawak ako sa dibdib ng makaramdam ako ng malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Tama ba itong resto na binalikan ko? Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, kinuha ko ang phone sa table, at nasiguro na akin ito ng maopen ko.              Time check, eksaktong 7pm.              Sinilip ko ang relo ko at ganun din ang oras, nilibot ko ang tingin sa paligid. Tumigil ba talaga ang oras? Paano? Alam ko tama itong table at pwesto kung nasaan ako kanina. Tinignan ko ulit ang relo na suot ko, 7pm  pa rin ang oras, tinitigan ko lang ito hindi gumagalaw ang maliit na kamay nito. Tinapik-tapik ko pa ito pero hindi pa rin umandar. Anu bang nangyayari, napapikit na ko dahil nakaramdam na ko ng takot, hindi kaya napasobra ang pagnganga ko kanina kaya nakatulog ako. Sinampal sampal at kinurot ko pa ng marahan ang pisngi ko pero nakaramdam lang ako ng sakit.              Teka lang... Nakarinig ako ng pagtikhim sa harapan ko. Waaahhh! hindi ko magawang imulat ang mata ko! “Hoy Mr. Caballero kung pakulo mu ito please lang itigil mu na alam mung matatakutin ako!” Pasigaw kong sabi ng hindi pa rin dinidilat ang mata.              Pinakiramdaman ko muna...              Tumikhim ulit ito              Waaaahhhhh!!!              Teka san ba ang pinto dito, pilit kong inaaalala habang nakapikit, tatakbo---              “Are you Seiriah Rose Asuncion?” napalunok ako ng magsalita ito, mahinhin pero may authority ang boses niya, babae siya? Teka paano siyang napunta sa harapan ko...              “Oo yun ang pangalan ko. Sino ka?” matapang kong sagot kahit halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba.              “Anung ginagawa mu dito?”              “Kilala ba kita?”               “Nasaan ako?”               “Bakit parang tumigil ang oras?” sunod-sunod kong tanong.              “I had to. I want to talk to you with no interference.”              “Matatakutin ako! Please! Ibalik mu na ko sa mundo ko!” pagmamakaawa ko, “Okay lang kahit mag-isa basta ibalik mu na ko!” Charot lang! gusto ko pa makita si Mr. Right at makapag-anak ng marami.              “Just open your eyes Seiri. I want to tell you something. You’re the chosen one.”              Nagpintig ang tainga ko, You’re the chosen one? Teka narinig ko na yun ah, Mapupunta ba ko sa ibang dimensyon tapos may makikila akong mga alien na tutulong sa’kin dahil kailangan ko ipagtanggol ang earth laban sa mga monsters at sa mga gustong sumakop dito?              “Mali ka ng iniisip.” Waahhh! Bakit niya alam? Nagtagalog din siya! So pinay siya?              “I am here to tell you something, open your eyes so we can talk about it.” guni-guni ko lang ata yung pagtagalog niya kanina.              “Kailan ka mag-aasawa Seiri?”              Asawa?              Asawa??              Asawa???????????              Nagpinitig pa ng paulit-ulit ang tainga ko, kalian ako mag-aasawa? Nang-aasar ba ‘to? Ni wala nga kong boyfriend at kagagaling ko lang sa isang masakit na cheating relationship tapos ngayon ay eto siya lilitaw sa harapan ko para tanungin ako ng ganuon.              Paunti-unti kong minulat ang kanina pang nakapikit na mga mata. White dress and white as snow skin tone, dark long hair, and an angel in front of me. Magkaiba lang ay wala siyang pakpak o nakatago lang sa likod niya? Napanganga ako ng tuluyang mapagmasdan ang nagniningning na babaeng nakaupo sa harapan ko. Nakaawang ng kaunti ang labi nito, her ambiance, its like the first time we saw this restaurant from the outside, calm but has that positive magical vibes. Kaya pala, dahil may magic nga akong maeexperience dito.              “What’s your answer Seiri?” duon ko lang naitikom ang nakanganga kong bibig, kahit maganda siya naiinis pa rin ako dahil ang dami ng nagtanong sa’kin nun at hanggang ngayon wala akong maisagot.              “Uhm, sino ka muna?” pag-iba ko ng topic, kahit positive vibe ang dala niya, di ko pa rin siya talaga kilala. Malay ko ba kung anong gusto niya sa’kin.              “I’m Destiny and I am here to help you find Mr. Right.”              “Have you found him already?” tanong niya pa.              Si Mr. Right? Sandali akong napaisip, napayuko, “No... Hindi pa...” tipid kong sagot.              “Paano kong malalaman na ikaw talaga si---Destiny?”               Ngumiti ito bago nagsalita, “The night you saw this restaurant is also the same night when you saw you’re supposed to be boyfriend with someone else. Yung una mong minahal na iniyakan mo ng nagkahiwalay kayo ay nakilala mo lang dahil mag kaclanmate kayo, gamit mo pa ang 3310 nokia  ng mag gm ka para icelebrate ang una’t huling weeksary ninyo.”              Teka! Paano niyang nalaman?              “May pangalawa at hanggang panglima pa kung hindi ka pa rin kumbinsido na alam ko ang lahat ng tungkol sa buhay pag-ibig mo.”              “Huwag mo ng sabihin yung iba, naniniwala na ko…”              “Good girl...”              Maka-good girl, aso lang?              “Kung ikaw talaga si Destiny at alam mo kung sino ang lalaking nakatadhana para sa’kin bakit hindi mo na lang sabihin para masimulan na namin yung forever namin?”              “Are you really that desperate to know him?”                               Sakit nito magsalita ah.              “Oo, I’m desperate alam mo naman yung pinagdaanan ko di’ba…”              Failed relationships, heartbreaks, cheating, puppy love na sinersyoso. Lahat yun naranasan ko na…              “Tama na nga!  Huwag mo na pagdiinan, nagmumukha lang akong desperada…”              Kakasabi mo lang…              Ouch!              “Sabihin mo na lang kasi kung sino.” Pagpupumilit ko.              “I know how long you’ve been waiting Seiri…” Sumeryoso ang tono ng boses nito.              “Would you really want to know him because I said so? Or isn’t it more worth it to find it in your own and let your heart and mind decides that he is the one you’ve been waiting for so long?”              Ang sakit talaga, “Hayyy…” napayuko ako, pilit pinipigilan ang luha na nagbabadyang bumagsak, “just help me find him, please… Hindi ko na kakayanin ang isa pang breakup kasi kung mangyari ulit yun, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya hahanapin pa...”              “I’m here to help you Seiri…”              “I’ll give you a glimpse of what was about to happen, be ready. Just always remember that there is a perfect time in everything…”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD