Lumipas na rin ang mga buwan. Medyo ok na ako. Medyo limot ko na ang break up namin ni Peter. Wala naman akong magagawa kung talagang ayaw na niya sa akin. Ang sabi niya, hindi na raw niya ako mahal. Kailangan ko na lang tanggapin ang lahat. Nag-focus na lang ako sa family business namin. Simula rin nang break up namin ni Peter ay naging close na kami ni Rogue. Magkaibigan kami ni Rogue dati pa pero hindi naman kami masyadong close. Siya kasi 'yung tao na isang tanong, isang sagot. Masyadong tahimik si Rogue. He is very careful in his every word. May isang bagay akong na-discover kay Rogue. Sincere pala siyang tao. Maasahan siya sa lahat ng bagay. "Anak... Nakabihis ka ah. May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni mama. "Hmmm... May pupuntahan lang po ako saglit. Babalik naman po ako mama

