"Yuck! Hindi ka masarap humalik, Rogue. Halatang hindi ka marunong," palusot ko. Tinawanan niya ako bigla ng malakas. Lalo tuloy akong nahihiya sa kanya. "You don't have to deny it. I can see it in your eyes. Enjoy na enjoy ka," tumatawa niyang sabi. Napakunot na lang ang noo ko. Parang ewan 'tong si Rogue. Malakas din pala ang topak nito. "Ano naman ngayon sa'yo kung nagustuhan ko?" Inis 'kong tanong. "Kita mo na, inamin mo rin," natatawa niyang sabi. I just rolled my eyes. Hindi ko inakala na kaya pala akong pag-tripan nitong si Rogue. Siya pala 'yung tipo ng tao na tatahi-tahimik lang pero may kabaliwang tinatago. "Hmmm... James, are you hungry?" Tanong niya. "Hindi pa naman bakit?" "Magluluto ako ng meryenda. What do you want?" Nakangiti niyang tanong. Ngayon ko lang napansi

