Naalimpungatan na lang ako at bigla na lang tumunog ang phone ko. "Ang aga pa eh..." Tinignan ko ang phone at si Rogue pala ang tumatawag kaya sinagot ko agad. "Good morning pogi..." Bungad niya. "I know... Bakit napatawag ka?" Tanong ko. "Hmmm... Ok lang ba kung mag-date tayo mamaya?" Grabe... Siniseryoso talaga ni Rogue 'yung pumayag ako na makipag-date sa kanya. "Oh sige... Anong oras?" Tanong ko. "Pupunta na ako diyan. Magsimba muna tayo mamaya. Ako na ang bahala kung saan tayo pupunta," sabi niya. "Ok... Sige na, mag-aayos na ako," sabi ko na lang. "Bye bye pogi..." Sabi niya. Napangiti na lang ako. Binaba ko na ang tawag niya. Ang sweet talaga ni Rogue at masyado siyang sincere. Mabait siya, he's extremely handsome, mayaman at malambing. Hindi na ako magtataka kung magu

