Chapter 25: Break up

1908 Words
Pinaayos ko na ang venue kung saan ako magpo-propose kay Peter. Excited na ako na mag-propose sa kanya. Nakahanda na ang sing-sing na ibibigay ko. Puno ng white roses ang venue. Garden kasi... Alam ko na matutuwa at magagandahan si Peter dito sa venue. Gusto ko na talagang masiguro ang future naming dalawa. "Insan... Dagdagan mo pa ng white roses 'yung daanan," sabi ni Raypaul. "Geh..." Tipid na sabi ni Luther. May mga binayaran na rin ako para mag-decorate pero gusto talagang tumulong ni Raypaul. Mas excited pa siya sa akin. Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko. "Insan... Sure ka na ba talaga dito sa desisyon mo?" Napatingin na lang ako sa gilid ko. Si Luther pala... Seryosong-seryoso ang mukha niya. "Oo naman... Wala akong rason para umatras. I'm so excited," nakangiti 'kong sabi. Ngumiti na lang din sa akin si Luther. Maya-maya ay susunduin ko na si Peter. "Sana maging masaya ka na insan," sabi sa akin ni Luther. "Ngayon pa lang, masaya na ako. Expected ko naman na oo ang isasagot ni Peter kapag nag-propose ako. Sure naman ako na mahal niya rin ako," nakangiti 'kong sabi. "Excited na rin ako. Saan niyo naman balak ikasal?" Tanong ni Raypaul. "Gusto ko sana sa Quebec pero si Peter ang papipiliin ko kung saan niya gusto," nakangiti 'kong sabi. "Naks naman! In love na in love talaga kay Peter," natatawang sabi ni Raypaul. "Oh basta... Kahit anong mangyari, nandito lang kami. Susuportahan ka namin sa magpapasaya sa'yo," nakangiting sabi ni Luther. "Alam ko naman 'yun mga insan. Swerte rin ako sa mga pinsan ko hahahah. Sa susunod, si Luther naman ang ikakasal," sabi ko. "Hmmm... Focus muna ako sa trabaho. Dadating naman 'yan kung talagang may para sa akin," sabi ni Luther. "Of course may para sa'yo. Hintayin mo lang, baka mamaya mabalitaan na lang namin na ikaw pala ang nililigawan at pinag-aagawan," natatawang sabi ni Raypaul kay Luther. "Ako ang liligawan? No way! Top kaya ako hahahah," sabi ni Luther. "Ok... Sabi mo eh," sabi ko na lang. Nagtawanan na lang kami. Masaya ako ngayong araw na ito. Wala na akong mahihiling pa. "Kamusta naman kayo ni Peter? Wala pa bang tampuhan o kung ano?" Tanong ni Raypaul. "Wala pa naman kaming tampuhan," sabi ko. "Nakow... Kilala niyo na ba talaga ang ugali ng isa't-isa?" Tanong niya. "Ano ba namang tanong 'yan? Hahaha syempre kilala ko na si Peter," natatawa 'kong sabi. "I mean, alam mo na ba kung paano siya magalit? Alam mo na ba kung paano siya magtampo?" Tanong ni Raypaul. "I don't care. Kaya ko naman magpasensya eh. Ang mahalaga, mahal ko siya. I know that I can do everything as long as I have him," sabi ko. "Hmmm... Alam mo naman siguro na hindi madali makipagrelasyon. Alam mo rin naman siguro na haharap din kayo sa maraming problema balang araw," sabi ni Luther. "Bago ko pa siya niligawan, pinag-isipan ko na 'yan. Handa ako sa kahit na anong mangyayari and I'm not afraid. Kaya ko ang lahat basta alam 'kong mahal niya ako," nakangiti 'kong sabi. "Mukhang sure na sure ka na nga sa mga desisyon mo. Si Peter, sure na kaya siya?" Seryosong tanong ni Luther. "I know that he loves me. Hindi na kami bata. Matured na kaming dalawa so we know how to deal with any situation. Alam na namin ang mabuti at masama," sabi ko. Huminga ng malalim si Raypaul at hinawakan niya ang balikat ko. "May God bless you insan. Medyo kinakabahan din ako para sa'yo," sabi ni Raypaul. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Hindi ko gets ang ibig niyang sabihin. "At bakit naman?" Tanong ko. Huminga muna ng malalim si Raypaul bago siya magsalita. "Alam mo kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaanan namin ni Kith diba?" Tanong niya. Tumango na lang ako sa kanya ng alanganin. "Medyo mga bata pa kami noon pero marami na kaming pinagdaanan. Kinakabahan ako kasi mas matured na kayo ni Peter. Baka mamaya, mas mahirap ang maranasan niyo," seryoso niyang sabi. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya sa akin. "Oh? Anong nakakatawa?" "Wag mong itulad ang relationship namin sa inyo. Hindi drama ang love story namin ok? Hahahah ano naman ang magiging problema namin? I can't see any..." Natatawa 'kong sabi. "Sa bagay... But still, you can't say so," sabi niya. "Tama na nga 'yung mga ganyang usapan. Change topic na lang," sabi ni Luther. "Ok... By the way, there is something bothering me," sabi ko. "Ano naman 'yun?" Tanong ni Raypaul. Nagdalawang-isip pa ako bago ko sabihin kay Raypaul. "Hmmm... Wala kasi kaming endearment ni Peter," mahina 'kong sabi. Tinawanan na lang niya ako bigla ng malakas. "Hey! Anong nakakatawa?" Inis 'kong tanong. "Para ka kasing bata. Akala ko ba matured na ang relationship niyo ha? It's ok kung wala kayong endearment. Hindi naman 'yun basehan ng pagmamahalan niyo," sabi ni Raypaul. "Yeah... Pwede mo naman siyang tawagin sa kung anong gusto mo. Pwede namang cutie, sexy, etc." sabi ni Luther. "But still, iba pa rin ang may call sign. Mas sweet kasi pakinggan," sabi ko. "Edi mag-isip ka," natatawang sabi ni Raypaul. I just rolled my eyes. Nagpapatulong nga ako eh tapos tatawanan pa ako. Parang ewan din ang mga pinsan ko. "Basta insan... Dapat lagi mo siyang inaalala. 'Wag kang mawawalan ng time sa kanya. Make him always feel kung gaano siya ka-importante sa'yo," sabi ni Raypaul. Ngumiti ka lang ako sa kanya. May mga napupulot din akong aral sa kanya. Thankful ako kasi may mga umiintindi sa akin. Masaya ako kasi may mababait akong pinsan tapos may lovelife pa ako hahahah. Inayos ko na lang ang venue at nag-check ako kung ok na ang lahat. Napangiti na lang ako. Hinawakan ko na ang pulang box. Napangiti na lang ako dahil alam ko na bagay kay Peter ang engagement ring. "Oh insan... Ok na lahat," sabi ni Raypaul. "Sunduin mo na si Peter," sabi ni Luther. Ngumiti na lang ako at sumakay na ako sa kotse ko. Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin ng kotse. Nakasuot ako ng royal blue na coat. Sure ako na gwapo ako ngayon. Binilisan ko na ang pagda-drive papunta sa bahay nila Peter.  Pagdating ko sa bahay nila ay pumasok na kaagad ako. Nakita ko si Peter na nanunuod lang ng movie. Sinenyasan ko ang mama niya na 'wag maingay. Lumapit ako kay Peter at niyakap ko na lang siya tapos hinalikan ko siya sa pisngi ng mabilis. "Good afternoon Peter..." Malambing 'kong sabi. "G-Good afternoon..." Alanganin niyang sabi. "Hmmm... Magbihis ka Peter. May pupuntahan tayo," sabi ko. "Hmmm... Magdi-date ba tayo?" Seryoso niyang tanong. "Secret... Basta magbihis ka," sabi ko. "Bihis na bihis ka ngayon ah. Ang gwapo mo," sabi niya at ngumiti na siya. Medyo seryoso ang mukha ni Peter pero ngumiti naman siya. Naligo naman siya kaagad. "Mama... May problema po ba si Peter? Bakit po parang seryoso?" Tanong ko. "Hmmm... Ewan ko. Wala namang sinasabi 'yan eh. Baka tinotopak lang 'yan. Pagpasensyahan mo na," natatawang sabi ng mama ni Peter. Ngumiti na lang ako sa kanya. Maya-maya ay lumabas na si Peter. Nakasuot siya ng black na long sleeves at tattered pants. "You look so handsome," nakangiti 'kong sabi. "Hmmm... Thanks. Ikaw din naman, ang gwapo mo," nakangiti niyang sabi. He is so weird right now. I don't care. Baka tinotopak lang hahaha. Hindi kasi siya masyadong maligalig ngayon. "Halika na..." Nakangiti 'kong sabi. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Peter at hinalikan ko. Napaiwas pa siya ng tingin at napansin ko na napangiti siya. "Mama... Mauna na po kami," sabi ko. Kinindatan ko pa ang mama ni Peter. Nagpaalam na kasi ako sa kanya na magpo-propose na ako. Payag na payag naman siya. "Ingat kayo mga anak," nakangiti niyang sabi. Sumakay na lang kaming dalawa ni Peter. Nakatingin lang siya sa bintana at parang malalim ang iniisip niya. Nagtataka na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya ganito. "Hmmm... Peter, is there a problem?" Tanong ko. Huminga lang siya ng malalim bago siya nagsalita. "Wala naman..." Walang gana niyang sabi. I'm not convinced. Parang hindi naman siya ok. Malalim ang iniisip niya. "If you have something to tell me, say it now. Makikinig ako..." Sincere 'kong sabi. "Ayos lang ako," seryoso niyang sabi. Nag-focus na lang ako sa pagda-drive. Hindi ko na dapat iniisip ang kung ano-ano. We are getting married. Sana ay maging successful ang proposal ko para sa kanya mamaya. Nakarating na rin kaming dalawa ni Peter sa venue. Halatang nagulat siya nang makita niya na puno ng white roses ang venue. Bumukas na ang makukulay na mga ilaw at halatang nabigla si Peter. "Maganda ba dito?" Tanong ko. Tumango lang siya sa akin at ngumiti na lang ako. Hinawakan ko ang mga kamay ni Peter at hinalikan ko. "Bago pa kita ligawan, seryoso na ako sa'yo. Alam ko sa sarili ko na ikaw lang ang mahal ko. Gusto ko na makasama ka habang buhay. Gusto ko na wala ka nang kawala sa akin," seryoso 'kong sabi. Lumuhod na ako sa harapan niya. Kinuha ko ang pulang kahon sa bulsa ko at binuksan ko sa harap niya. Nakangiti lang ako dahil sobrang saya ko. Nakatitig lang siya sa akin. "Will you marry me, Peter?" Kitang-kita ko na namumuo ang luha sa mga mata niya. Umiling-iling siya... Nabigla tuloy ako. Napawi na lang ang mga ngiti ko dahil sa respond niya. "Peter... I will love you forever. I can offer you everything even my life. Please... Marry me," naluluha 'kong sabi. "I'm sorry James... I don't want to break your heart but I can't marry you," seryoso niyang sabi at napatulo ang mga luha niya. Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ang sakit... Pakiramdam ko ay pinipilas ang dibdib ko. "Why? Am I not enough for you? You know that I love you so much! Why don't you marry me?" Umiiyak 'kong tanong. "You are perfect but I'm not perfect for you... I'm really sorry. Na-realize ko na hindi tayo meant to be. I don't love you..." Pakiramdam ko ay may mga bubog na tumutusok sa dibdib ko. He never love me? Ang sakit! Ito na yata ang pinakamasakit na mga salitang narinig ko. "Please! Stop joking Peter! I know that you love me!" Umiiyak 'kong sigaw. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi ko na mahal kita. I realized that what I feel for you is just an infatuation. I don't love you so we need to stop this; we need to break up," seryoso niyang sabi. Tumutulo rin ang mga luha niya. I can't believe this. Alam ko na mahal niya ako! Bakit ganito siya? Ang sakit! Why is he breaking me? He know how much I love him. Wala akong magawa kung hindi ang humagulgol na lang. Naramdaman ko na kinuha niya ang kamay ko. Binuka niya ang palad ko at nilagay niya ang sing-sing na binigay ko sa kanya dati. "I'm sorry James. I'm really sorry. I'm not the right person for you..." Hindi pwede to! Ayoko ng ganito! Mahal ko siya eh! Niyakap ko na siya bigla ng mahigpit. "I really love you Peter. Please... Don't leave me." Feeling ko ay kaawa-awa na ako sa harapan niya pero wala akong pakelam kasi mahal ko siya. "I'm sorry... I don't want a womanizer like you! Sinaktan mo ako noon diba? Gumaganti lang ako. Hindi ko makita ang future ko na kasama ka! Someday, alam ko na lolokohin mo lang ulit ako at sasaktan!" Napabitiw ako ng yakap dahil sa sinabi niya. All this time akala ko napatawad at tinanggap na niya ako. Naglakad na siya palayo. Ang sakit... Humahagulgol lang ako. Bigla na lang lumapit sa akin si Raypaul at si Luther. "Insan... Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Raypaul. Hindi na ako sumagot. Tumayo ako at tumakbo na lang ako palayo. Hindi ko alam kung saan pupunta. Ang sakit... Pinaasa ako ni Peter. Sinaktan niya ako. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang. Paano niya nagawa sa akin ito? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Ang sakit! Sobrang sakit ng ginawa niya! Minahal ko naman siya; minahal ko siya ng totoo. I don't deserve him? I don't deserve to live either.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD