Nasa coffee shop ako ngayon. Hinihintay ko ang pinsan ko na si Raypaul kasama 'yung asawa niya na si Kith.
May mga gusto kasi akong itanong sa kanilang dalawa.
Matagal na rin pala ang relasyon nila. Saksi ako noon kung paano sila nahirapan.
Sana hindi naman kami masyadong mahirapan ni Peter sa mga haharapin naming pagsubok. Naniniwala pa rin ako na kaya namin ang lahat basta magkasama kami.
Ganun naman talaga ang pagmamahal diba? You should always trust each other. Walang mangyayari kung hindi kayo nagtitiwala sa isa't-isa.
I will do everything I can to become a good partner to Peter. Ang gusto ko lang naman, maging masaya siya.
Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko.
Lumingon ako at si Raypaul na pala. Kasama niya si Kith.
"Hi insan... Hi Kith!" Nakangiti 'kong bati.
Ngumiti lang din sila sa akin at umupo na sila sa harapan ko.
"Bakit mo naman kami naisipang kausapin?" Tanong ni Raypaul.
"Hmmm... I just want to learn something from you," sabi ko.
"Hey! Congrats nga pala. Ikaw ang sinagot ni Peter. Hmmm... Tingin ko naman, makakahanap din si Rogue ng para sa kanya," sabi ni Kith.
"Ay thank you... Siya nga pala, may mga itatanong lang ako," sabi ko.
"Ano naman 'yun?" Tanong ni Raypaul.
I cleared my throat. Dapat talaga ay deretsahan ko nang tanungin sa kanila ang mga gusto 'kong malaman.
"Hmmm... How to keep your relationship with your partner?" Tanong ko.
Natawa bigla si Raypaul dahil sa tanong ko.
"Hey insan! Anong nakakatawa?" Tanong ko.
"Matututunan mo rin naman kasi 'yun habang tumatagal ang relasyon niyo. You will learn from all your ups and downs," natatawa niyang sabi.
"Ray naman... Kaya nga nandito si James para magpatulong eh," sabi ni Kith.
"Sorry naman lalabas hahahah."
Tumitingin lang sa akin si Kith ay nakangiti siya.
"Hmmm... Hindi naman laging masaya ang relationship. Ang mahalaga lang, mahal mo 'yung partner mo. Mahal mo naman si Peter diba?" Tanong ni Kith.
"Of course! I will do everything for him!" Mabilis 'kong sagot.
"Lagi mong tandaan na kahit ano ang mangyari, 'wag mo siyang susukuan. Do everything to make him happy even it is breaking you. Ganun naman kasi talaga ang essence ng pagmamahal," sabi ni Kith.
"Di rin maiiwasan na may selosan hahahah. Nasa lahi na natin 'yan insan. Ang mahalaga, dapat lagi kang magpasensya. Kung may mali na nagawa ang partner mo or ayaw mo, confront him. 'Wag kayong magtataasan ng pride," sabi ni Raypaul.
"Yeah! Kahit tama ka, matuto ka ring humingi ng tawad. Dapat laging masinsinan ang usapan. Walang mangyayari kung mag-aaway kayo ng sigawan," sabi ni Kith.
"Oh... Salamat. Marami akong natutunan sa inyo," sabi ko.
"Ikaw naman kasi insan, puro ka chicks noon. Si Peter pa rin pala ang kababagsakan mo eh," natatawang sabi ni Raypaul.
"Hmmm... Matanong ko lang. Paano niyo nalaman na kayo na talaga?" Tanong ko.
"Hahahahha love at first sight?" Natatawang tanong ni Raypaul.
"Yeah... Nangyari ba 'yun sa inyo?" Tanong ko.
"Hahahahah oo! Naalala mo noong high school tayo? Nakatulala ako noon sa hallway kasi nakita ko si Kith," sabi ni Raypaul.
"Ay oo insan! Naalala ko 'yun. Mukha kang tanga na nakatulala sa hallway," natatawa 'kong sabi.
"Well, nabigla kasi ako si pressence ni lalabs. Akala ko may anghel noong nakita ko siya. Parang huminto ang paligid ganun tapos nakatitig ka lang sa kanya," sabi ni Raypaul.
Well, mukha naman talagang anghel si Kith. Swerte rin itong si Raypaul sa asawa niya eh.
'Di ko rin masisi si Peter kung bakit niligawan niya noon si Kith. Well, basted si Peter ahhaha malakas kasi ang alindog ng mga Velasco.
"Ikaw naman Kith, anong nakita mo sa pinsan ko noon bukod sa kamanyakan niya? Hahahaha na love at first sight ka rin ba?" Tanong ko.
"Hahahah oo... Actually, na-gwapuhan talaga ako sa kanya noong una ko siyang nakita. Parang huminto ang paligid ganun tapos rinig ko 'yung t***k ng puso ko hahahah ang corny pakinggan pero totoo," natatawang sabi ni Kith.
Ganun ba 'yun? Mahal ko si Peter pero hindi naman ako na love at first sight sa kanya. Siguro, time goes by at nakilala ko siya kaya minahal ko siya.
"Hmmm... Tingin niyo ba, ok lang na mag-propose na ako kay Peter?" Tanong ko.
"Hmmm... Matagal na usapan 'yang kasal. Kailangan niyo 'yang pag-usapan ng mabuti. Dapat sure na kayo sa isa't-isa," sabi ni Raypaul.
"Oo nga... Nag-away pa kami ni Raypaul kung sino ang gagastos ng kasal namin hahahah. Ayaw kasi akong pagastusin," sabi ni Kith.
"Eh kasi naman lalabs! Lalake ako! Ako ang top kaya dapat ako ang gagastos!" Malakas na sabi ni Raypaul.
Napatitig na lang ang ibang tao sa coffee shop. Natatawa tuloy ako. Si Kith naman, napatakip sa mukha niya.
Tawa lang ako ng tawa. Walang hiya talaga itong pinsan ko hahahah. Ipagsigawan ba naman na siya ang top hahahah.
"Hey! Balik na tayo sa usapan. So paano? Ok lang ba na mag-propose na ako kay Peter? Sure na ako na siya talaga ang mahal at gusto ko," sabi ko.
"Hmmm... Edi mag-propose ka na. Insan naman, hindi na tayo bata. Hindi na tayo high school. May business ang family natin tapos may stable naman na trabaho si Peter. Oh? Ano pang hihintayin? Magpakasal na kayo," sabi ni Raypaul.
"Tama hahahahah. Mukha namang seryoso na sa'yo si Peter eh. Magpakasal na kayo kung wala na kayong doubt sa isa't-isa," sabi ni Kith.
"Paano ako magpo-propose? Ano ang magandang gimick?" Tanong ko.
"Hmmm... Punuin mo ng white roses ang lugar kung saan ka magpo-propose hahahah tapos haranahin mo siya," sabi ni Raypaul.
"Oo nga... Maganda 'yung iniisip mo. Ano kaya ang magandang kanta?" Tanong ko.
"Hmmm... Basta galing sa heart mo," sabi naman ni Kith.
Ngumiti na lang ako sa kanila. Tumingin ako sa labas at medyo madilim na pala ang paligid.
"Ay... Medyo madilim na pala sa labas. Kailangan ko nang sunduin si Peter. Salamat sa time niyo," nakangiti 'kong sabi.
"No worries... Basta nandito kami para magbigay ng advice," sabi ni Raypaul.
"Yeah... 'Wag kang mahina na lumapit sa amin. Lagi naman kaming ready na tumulong," sabi ni Kith.
"Salamat... Sige na... Susunduin ko pa si Peter," nakangiti 'kong sabi.
"Ingat..." Sabay nilang sabi.
Nag-drive na lang ako papunta sa hospital. Pumasok na kaagad ako sa loob.
Lagi ko na kasing sinusundo si Peter kapag uwian niya galing trabaho.
Umuwi na ang ibang nurse. Nagtataka ako at wala pa rin si Peter. Pumunta na kaagad ako sa office ni Luther para tanungin ko siya.
Pagdating ko sa office niya ay nag-aayos lang siya ng gamit.
"Insan... Nasaan si Peter?"
Tumingin siya sa akin. Seryoso lang ang mukha ni Luther.
"Hindi ba siya nag-text sa'yo? Hindi siya pumasok ngayon eh," sabi ko.
"Huh? Absent si Peter?" Tanong ko.
Tumango lang sa akin si Luther. Hindi man lang nag-text sa akin si Peter na absent pala siya ngayong araw.
"Sige insan... Salamat na lang. Pupunta na lang ako sa bahay ni Peter," nakangiti 'kong sabi.
Nagmamadali na akong lumabas ng hospital. Ang weird naman, hindi man lang nag-text sa akin si Peter.
Baka busy lang siya diba? Baka may ginagawa siyang importante sa bahay nila kaya siya nag-absent.
Pero bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin? Wala man lang siyang text sa akin kahit isa.
Sinubukan 'kong tawagan si Peter pero walang sumasagot. Pumasok na lang ako sa kotse ko para mag-drive.
Binilisan ko na at pumunta na kaagad ako sa bahay ni Peter.
Bukas naman ang gate kaya pumasok na ako. Bukas din ang pinto pero kumatok muna ako.
"Oh... James, anak!" Sabi ng mama ni Peter.
"Good evening po mama," nakangiti 'kong sabi.
"Good evening din. Maupo ka muna," sabi niya.
Umupo na lang ako sa sofa. Napansin ko na parang wala yata si Peter dito sa bahay nila kaya nagtataka na ako.
Hindi naman ugali ni Peter na hindi ipaalam sa akin ang mga ginagawa niya. Lagi siyang nagti-text sa akin kapag may gagawin siya eh.
"Nasaan nga po pala si Peter?" Tanong ko kay mama.
"Hmmm... Umalis kanina eh. Hindi pa nga bumabalik hanggang ngayon," sabi niya.
"Saan naman po pumunta?" Tanong ko sa kanya.
"Ay... Hindi ko alam. Wala siyang sinabi. Tawagan mo na kaya," sabi niya.
"Hmmm... Hindi po sumasagot si Peter sa mga tawag ko eh," sabi ko.
"Huh? Baka kung ano na ang nangyari doon. Nag-aalala na ako," sabi ng mama ni Peter.
Nag-alala tuloy ako bigla. Ngayon lang nangyari ito. Hindi naman ugali ni Peter ang bigla na lang nawawala.
Kinabahan na rin ako dahil walang alam ang mama niya.
"Hmmm... Sige po, hahanapin ko na lang si Peter," sabi ko.
Bumalik na ako sa kotse ko. Nag-drive ako sa paligid.
Kinakabahan na ako at nag-aalala. Ano kaya ang nangyari kay Peter? Hindi naman mahilig gumala 'yun eh.
Nag-drive na lang ako. Kailangan ko siyang makita. Nag-aalala na ako.
Habang nagda-drive ay may nakita ako na lalakeng pagewang-gewang ang lakad. Nagulat ako kasi si Peter pala.
Bumaba kaagad ako ng kotse at pinuntahan ko siya.
Muntik pa siyang matumba pero niyakap ko siya bigla.
Amoy ko ang alak sa kanya. Lasing pala si Peter.
"Peter naman... Bakit ka uminom? Sa susunod, isama mo ako," sabi ko.
"Hahahahah ikaw pala James. I love you James," tumatawa niyang sabi.
Lasing na nga siya. Tawa ng tawa si Peter eh.
"I love you too. 'Wag ka namang maglasing kapag wala ako. Sa susunod, kung iinom ka eh 'yung kaya mo lang," sabi ko.
"Hahahahaha mahal kita," tumatawa niyang sabi.
Ang honest naman niya masyado kapag nalalasing siya.
Nagulat ako at bigla na lang siyang umiyak. Humahagulgol si Peter.
"Uy... Bakit ka umiiyak? Stop crying," nag-aalala 'kong sabi.
Niyakap na lang ako bigla ni Peter. Iyak lang siya ng iyak.
"Mahal na mahal kita James. Mahal na mahal kita. Gusto ko na maging masaya ka habambuhay. Gusto ko na palagi kang masaya," umiiyak niyang sabi.
"Ganun din naman ako sa'yo. 'Wag ka nang umiyak. Lasing na lasing ka na," sabi ko.
Bigla na lang siyang nakatulog. Binuhat ko na lang siya at ipinasok ko sa kotse.
Hinatid ko na kaagad siya sa bahay nila at nagulat ang mama niya.
"Jusko! Sobra na ang paglalandi niyan! Bakit binuhat mo James?" Tanong ng mama niya.
"Lasing po eh," sabi ko.
"Huh? Hindi naman 'yan umiinom eh," sabi niya.
Dinala ko na lang si Peter sa kwarto niya at hinubaran ko siya. Pinunasan ko siya ng basang tela.
"Ngayon lang 'yan uminom," sabi ng mama ni Peter.
"Talaga po? Mukha ngang hindi sanay. Bagsak na bagsak eh," sabi ko.
Nakatingin lang ako kay Peter habang natutulog siya. Nabigla ako dahil may tumulong luha sa mga mata niya habang nakapikit.
Bakit kaya siya uminom? Anong nangyayari sa kanya?