James POV
Masayang-masaya ako nitong mga nagdaang araw dahil naging kami na rin ni Peter.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito sa park. Hinihintay ko si Peter.
I know that I did something that hurt him before. Ngayon pa lang ako nakakabawi sa kanya.
I realized that there is nothing wrong with love. Ano ngayon kung parehas kaming lalake? Mga taong makikitid lang mag-isip ang tumututol sa ganitong relationship.
You will never understand something if your heart and mind are both closed.
Hindi alam ng ibang tao ang pakiramdam ng totoong pagmamahal. Walang pinipiling gender para sa akin.
I really love Peter even before. Matagal 'kong pinigilan ang sarili ko na magkagusto sa kanya but I failed and I knew that I was wrong.
Kahit ilang babae ang makasama at makilala ko, hindi magbabago ang nararamdaman ko. Si Peter pa rin ang mahal ko.
Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa babae.
"Hey James!"
Napalingon na lang ako. Si Peter pala. Tumayo na ako at ngumiti ako sa kanya.
Inaabot ko na sa kanya ang bouquet ng white roses na dala ko.
"Para sa'yo nga pala, Peter..."
Nakangiti lang ako sa kanya. Hindi niya tinanggap ang bouquet.
Nagtataka ako at nakatitig lang siya sa bouquet. Seryoso lang ang mukha niya. Hindi ko maintindihan si Peter.
"Hmmm... Is there something wrong?" Nag-aalala 'kong tanong.
Hindi siya sumagot. Tinititigan lang ako ni Peter ng seryoso. Kinakabahan tuloy ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya ganito.
"I'm sorry James..."
Naguluhan lalo ako sa sinasabi sa akin ni Peter. Ano ba ito? Bakit ganito siya?
"Why are you saying sorry?" Naguguluhan 'kong tanong.
"I realized something," seryoso niyang sabi sa akin.
"What is it?" Kabado 'kong tanong.
Huminga muna ng malalim si Peter bago siya nagsalita ulit.
"I realized that I don't love you..."
Nagulat ako sa sinabi niya. Namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Please... Peter, stop joking," naluluha 'kong sabi.
"No... I'm not joking," seryoso niyang sabi sa akin.
Napatulo na ang mga luha ko. Seryoso talaga siya. Anong ibig sabihin nito? Bakit ganito siya? Naguguluhan ako...
"May nagawa ba akong ayaw mo? Please naman Peter, ayusin natin ito. 'Wag mo akong iwan," umiiyak 'kong sabi.
"Why should I? Diba iniwan mo rin ako dati? Ngayon, ako naman ang mang-iiwan at magpapaasa sa'yo!"
Grabe... Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Parang mga kutsilyo na bumabaon sa dibdib ko ang mga salita niya.
"Peter... Diba pinatawad mo na ako? Akala ko ba ok na ang lahat? Ganito ba kalaki ang galit mo sa akin? Seryoso naman ako sa'yo. Ikaw lang ang mahal ko eh. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Please... Let me love you."
Basag na ang boses ko at humahagulgol na ako. Hindi ko expected na ganito pala si Peter. Galit pala siya sa akin.
"Oo... Pinatawad na kita noon. Minahal kita noon! Anong ginawa mo? Ginawa mo akong basura James! Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noon? 'Yung sakit na nararamdman mo ngayon, ganyan na ganyan ang pakiramdam ko noon!"
Napatakip na lang ako sa bibig ko. Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng mga luha ko.
Ang sakit... Pakiramdam ko ay wala akong kwenta. Ganito pala ang pakiramdam noon ni Peter.
"Hindi mo na ba ako kayang mahalin? Hindi mo na ba ako kayang bigyan ng chance?" Umiiyak 'kong tanong.
"Hindi karapat-dapat mahalin ang kagaya mong babaero! Mas gusto ko si Rogue. Gentleman siya at hindi siya kasing manyak mo!"
Napayuko na lang ako. Ang sakit! Parang sibat na bumaon sa dibdib ko ang mga salita niya.
Nakita ko na lang na naglakad na siya palayo. Nabitawan ko na ang bouquet ng white roses.
White rose is a symbol of purity. Kapag binigyan ka ng white roses, ibig sabihin ay malinis ang intensyon sa'yo ng taong nagbibigay.
'Yun ang dahilan kaya white roses ang binibigay ko kay Peter instead of red roses. Malinis ang hangad ko sa kanya.
Ang sakit... Sobrang sakit. Ang tingin niya sa akin, ako pa rin 'yung lalake na niloko siya. Hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin.
Nagbago na ako pero wala na pala akong chance na mapatunayan kay Peter na nagbago na ako.
"Anak! Hey!"
Naramdaman ko na may sumampal ng malakas sa pisngi ko.
"James! Wake up!"
Napadilat ako ng mga mata ko. Naramdaman ko na tumutulo ang mga luha ko.
"Anak... You are crying while sleeping. Ano bang napanaginipan mo? Are you ok, anak?" Tanong ni mama.
"Panaginip lang pala..." Mahina 'kong sabi.
"Anong napanaginipan mo? Are you ok, James?" Nag-aalalang tanong ni mama.
Tumango na lang ako sa kanya. Nananaginip lang pala ako.
"It's just a nightmare," sabi ko.
"Ok... Pumunta ka na lang sa dining area. Eat your breakfast. May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni mama.
"Yeah... I need to see Peter," sabi ko.
"Ok... Eat your breakfast first," nakangiti niyang sabi.
Pumunta na lang ako sa dining area ng bahay para kumain ng breakfast.
Ang sama ng panaginip ko kanina. Mabuti na lang at panaginip lang pala.
But it seems so real. Parang totoo talaga eh. Kinakabahan tuloy ako. Baka mamaya, totoo pala na galit sa akin si Peter.
"James... Ang lalim ng iniisip mo," sabi ni mama.
Napatingin na lang ako sa kanya. Kumakain ng bread si mama.
"Mama... Paano ko po masisigurado na wala nang kawala sa akin si Peter? Ayoko na hiwalayan pa niya ako," seryoso 'kong sabi.
Alam ni mama ang lahat tungkol sa amin ni Peter. Tanggap naman ni mama ang relationship namin ni Peter.
"Marry him..." Simple niyang sagot.
Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi ni mama. Tama siya... Dapat ay magpakasal na kami as soon as possible.
Pagkatapos kumain ng breakfast ay naligo at nagbihis na kaagad ako ng maayos na damit.
Malapit na ang out ni Peter kaya susunduin ko na siya.
Masyado akong kinakabahan sa napanaginipan ko kanina. Paano kung totoo pala na galit sa akin si Peter? Naguguluhan na ako.
Nag-drive na ako papunta sa hospital na pinagta-trabahuan ni Peter.
Pagpasok ko sa hospital ay nakasalubong ko pa si Luther.
"Hey doctor!" Bati ko.
Ngumiti lang sa akin si Luther at lumapit siya.
"Hintayin mo 'yung private nurse mo. Out na niya," natatawang sabi ni Luther.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Maya-maya ay nakita ko na si Peter na naglalakad sa hallway.
Nagmadali na akong lumapit sa kanya at niyakap ko bigla ng mahigpit si Peter. Masyado akong kinakabahan dahil sa panaginip ko.
Sana ay mali 'yung napanaginipan ko. Sanay ay bad dream lang talaga 'yun.
"Oh James... Sabik na sabik lang? Grabe makayakap ah," natatawang sabi ni Peter.
Hinawakan ko na lang ang mga pisngi niya. Nagtataka si Peter.
"I'm just missing you," seryoso 'kong sabi.
Halatang namumula ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Umiwas pa siya ng tingin sa akin.
Nakatitig pala ang ibang nurses sa aming dalawa.
"Peter... Sino 'yang kaibigan mo?" Tanong ng isang nurse.
Sasagot na sana si Peter pero inunahan ko na siya.
"I'm his boyfriend," nakangiti 'kong sabi.
Halatang nabigla ang ibang nurse dahil sa sinabi ko. Ramdam ko naman na nahiya si Peter.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Peter at hinalikan ko.
"Paano? Mauna na kami. Magdi-date pa kasi kami ni Peter," nakangiti 'kong sabi sa kanila.
Hinatak ko na si Peter papunta sa kotse ko. Nag-drive na kaagad ako.
Napansin ko na ang tahimik ni Peter ngayon. Kinakabahan tuloy ulit ako.
"Peter... Bakit ang tahimik mo? Kamusta ang trabaho?" Tanong ko.
"Wala... Natutuwa lang ako kasi ang sweet mo kanina. Ok naman ang trabaho ko. Medyo nakakapagod lang," sabi niya.
Ngumiti na lang ako. He is the same Peter with a cute smile. Siguro nga kabaliktaran ang panaginip ko.
Huminto na kami ni Pete sa tapat ng isang building.
Pumasok na kami sa loob at bumili ako ng dalawang ticket. Pagpasok namin ay tumambad ang malalaking aquarium na puro fishes.
"Wow! Ang ganda naman dito," sabi ni Peter.
May mga stingrays at sharks din sa loob ng malalaking aquarium.
Nakatingin lang si Peter at para siyang bata na natutuwa.
"Ang ganda pala dito, James. Ngayon pa lang ako nakapunta dito," nakangiti niyang sabi.
Nilabas niya ang phone niya at picture lang siya ng picture.
Napangiti na lang ako. I truly love him, malinis ang intensyon ko sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay pasayahin ng ganito si Peter.
"Hmmm... Peter, mag itatanong ako," seryoso 'kong sabi.
Tumingin lang siya sa akin at nagtataka na siya.
"Ano naman 'yun?" Tanong niya.
Himinga muna ako ng malalim. Kailangan 'mong maka-sigurado.
"Do you really love me?" Deretsahan 'kong tanong.
Ngumiti lang siya sa akin at napatawa pa siya ng mahina.
"Of course James! Mahal na mahal kita. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Pipiliin ba kita kung hindi kita mahal? Wala na akong hahanapin sa'yo," nakangiti niyang sabi.
Napangiti na lang din ako dahil sa sagot niya sa akin.
May isa pa pala akong dapat itanong. Kailangan 'kong masiguro na mali ang napanaginipan ko.
"Hmmm... Dati, nasaktan na kita noong high school pa tayo. Peter, napatawad mo na ba ako?" Seryoso 'kong tanong.
Tumawa ng malakas si Peter. Napahawak pa siya sa tiyan niya.
"Anong klaseng tanong naman 'yan? Hahahah of course! Napatawad na kita. Jusme naman James! Ang tagal na nga nun eh. Nakalimutan ko na nga," tumatawa niyang sabi.
Lumapit sa akin si Peter at hinawakan niya ang mga pisngi ko.
"Alam ko na naguguluhan ka pa noon at alam ko na hindi ka pa handa dati. Naiintindihan ko naman. Ang importante, 'yung ngayon. Masaya naman tayo ngayon diba? Ang mahalaga, natanggap mo na sa sarili mo na nabihag ka ng alindog ko," natatawa niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. It's a relief for me. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Akala ko talaga magkaka-totoo ang panaginip ko. Masyado lang yata akong natakot. Masyado lang yata akong kinabahan.
Tama si Peter... Ang importante, 'yung ngayon. Ang importante, masaya na kaming dalawa.
Hindi na dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. Siguro ay masyado lang ako guilty sa nagawa ko kay Peter kaya ganito ako.
Dapat ay mahalin ko na lang siya ng buong-buo at pasayahin palagi.