Habang natutulog ako ay naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.
Naalimpungatan ako at dinilat ko ang mga mata ko.
"Hi Pedro..."
"Ay gwapo!"
Napaayos ako ng higa. Si James pala! Nakayakap siya sa akin. Nyeta! Naka-boxers lang ako eh!
Tinatawanan niya lang ako. Syempre dapat medyo pa-Maria Clara effect muna tayo hahahha.
Tinitigan ko ang mga kamay niya na nakakapit sa akin. Inalis naman niya ang mga kamay niya at parang nahiya tuloy siya. Hahahahah dapat talaga sundin ko ang mga tinuturo ni mama.
"Pwede ba James? 'Wag mo naman ako tawaging Pedro?" Inis 'kong sabi.
"Bakit? Ang cute kaya..." Malambing niyang sabi.
Aba! Napapa-cute pa si James. 'Wag ka naman magpa-cute kasi you are cute enough hahahah.
"Basta! Si mama lang ang pwedeng tumawag ng Pedro sa akin," sabi ko.
"Ok... So what should I call you?"
Nag-isip na lang ako. Rapunzel? Hahahhah erase!
"Peter na lang kasi ang itawag mo sa akin. Ang dami mong alam," natatawa 'kong sabi.
"Eh dapat may endearment din tayo," sabi niya.
Oo nga... Kapag mag-boyfriend, dapat may endearment para sweet pakinggan diba?
"Sabi ni Raypaul, mas maganda raw kapag may endearment. Anong gusto mo Peter?" Sweet niyang tanong.
"Ano ba ang pwede?" Tanong ko.
"Lalabs..." Alanganin niyang sabi.
"Wag kang gaya-gaya kila Raypaul!" Sabi ko sabay tawa.
"Labidabs?" Tanong ulit niya.
"Yuck! Ang jologs pakinggan!" Natatawa 'kong sabi.
"Bebeko? Pwede ba 'yun?"
"Nyek! Hahahha parang pang-high school naman!" Reklamo ko.
"Hmmm... Puddin!" Nakangiti niyang sabi.
"Tawagan 'yun nila Eros at isa pa, ano ka si Joker?" Natatawa 'kong sabi.
"Sige, wait lang... Mag-iisip ako ng mabuting-mabuti," sabi niya.
Tumahimik siya at nakahawak pa siya sa baba niya habang nag-iisip.
Ano ba kasi ang magandang endearment? Wala rin akong maisip.
"Alam ko na!" Sabi niya.
Tinitigan ko na lang siya at tinaasan ko pa siya ng kilay hahahah. Ang lakas maka-kontrabida.
"F*cky? Ang sweet pakinggan," sabi niya.
"Ngek! 'Wag kang malibog hahahah. Bawal 'yan..." Natatawa 'kong sabi.
"Hmmm... Wala akong maisip eh!" Inis niyang sabi.
"Sinabi ko ba na mag-isip ka ha?" Natatawa 'kong tanong.
Yumuko na lang siya. Parang nalungkot tuloy si James.
"Uy... Bakit malungkot ka? May nasabi ba ako na ayaw mo?" Nag-aalala 'kong tanong.
Umiling-iling lang siya sa akin. Grabe naman... Matampuhin pala si James.
"Bakit nalungkot ka?" Tanong ko.
"Wala..."
Tinitigan ko na lang siya ng mabuti. Naka-pout pa ang lips ni James. Parang batang nagtatampo eh pero ang cute tignan ahhaha.
"Uy... Sabihin mo na kasi kung ano man 'yan," seryoso 'kong sabi.
"Gusto ko lang naman na maging sweet na couple tayo kagaya ni Raypaul at Kith; Eros at Cyril," mahina niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni James.
"Hindi natin kailangang gumaya sa kanila. We will make our love story the best of them all. Iba ang love story natin. Iba tayo... Ano ngayon kung wala tayong endearment? Basehan na ba 'yun ng totoong pagmamahal? Bakit si Rapunzel, Snow White at Cinderella? May endearment ba sila sa prince nila?" Nakangiti 'kong sabi.
Ngumiti na lang sa akin si James. Siguro ay na-realize niya ang sinabi ko.
"Sige... Basta love mo ako, kahit wala pa tayong endearment ay ok lang," nakangiti niyang sabi.
Kinurot ko na lang ang ilong ni James ng mahina.
"Peter..."
"Hmmm?"
"Pa-kiss ako..."
Napaiwas ako ng tingin. Enebe! Bakit nagpapaalam ka pa? Halik kung halik! Hahahah.
"Si-sige..." Pabebe 'kong sabi.
Nilapit ni James ang mukha niya sa akin. Naglapat na naman ang mga labi naming dalawa.
Ang sarap... Hahahah ang manyak ko na pakinggan.
Ang init ng pagkakahalik sa akin ni James. Masyado siyang mapusok. Magpapatalo ba ako? Ahhahah laban kung laban!
Nabigla ako at hinawakan ni James ang likod ko at ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng boxers ko.
"Hmmmm..."
Napaungol na ako ng mahina. Ang init ng palad ni James. Parang nakukuryente ako.
Hinalikan naman niya ang leeg ko. Napapikit na lang ako.
Nagulat ako at bigla na lang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Napaayos naman kami ni James ng upo dahil sa sobrang gulat.
"Mga anak... Kung magsi-s*x kayo, doon kayo sa hotel at 'wag niyo akong inggitin. Lumabas na kayo diyan! Lalamig na ang almusal," natatawang sigaw ni mama sa labas ng pinto.
Napanganga na lang ako. Baka naman nagjo-joke lang si mama? Naka-lock naman ang pinto eh.
"Hoy mama! Wala kaming ginagawang milagro dito!" Sigaw ko.
Grabe... Masyado ako kung mag-deny hahahah. Syempre may hiya pa rin naman ako.
"Asus! Rinig ko ang pag-ungol mo Pedro," sabi ni mama sabay tawa.
Napasampal na lang ako sa mukha ko. Grabe talaga ang nanay ko.
Tumingin ako kay James at tinatawanan niya lang ako.
"Wag mo nga akong tawanan! Kumain na lang tayo ng almusal," seryoso 'kong sabi.
Syempre... Pa-seryoso effect dapat ako para hindi masyadong nakakahiya ahhaha. Sa totoo lang, hiyang-hiya na ako.
Umupo na lang kami ni James sa harap ng hapag. Umiinom lang ng kape si mama na parang walang pake.
Pakiramdam ko tuloy ay nilalamon na ako ng upuan.
"Oh... Mga anak, kumain na kayo. Pedro, nagluto ako ng hotdogs and eggs. Baka kasi iba naman ang hotdog and egg na gusto mong kainin," natatawang sabi ni mama.
Tumatawa lang ng mahina si James. Si mama naman ay nag-eenjoy na asarin ako.
Pakiramdam ko tuloy ay naluluha na ako. Grabe kung mam-bully si mama. Nakakahiya tuloy...
"Hmmm... Mama, gusto ko po sana na mag-date kami ni Peter mamaya," nakangiting sabi ni James.
"Ay sige... Gora ako diyan," sabi ni mama.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko kay James.
"Sa hotel..."
Pinangdilatan ko siya ng mga mata at tinatawanan lang ako ni James.
"Basta, 'wag niyo ako kalimutan bilhan ng pasalubong," sabi ni mama.
"Ay sige po... Ano po ba ang gusto niyo?" Nakangiting tanong ni James kay mama.
"Nakakahiya naman..." Pabebeng sabi ni mama.
Nakakaasar... Pabebe 'yung nanay ko! Parang ewan eh!
"Ok lang po... Kahit ano po. 'Wag na po kayong mahiya mama," sabi ni James.
"Hindi naman ako maluho... Hmmm... Ok na 'yung bag basta may brand na L.V. Hahahah!"
Napanganga na lang ako. Pinangdilatan ko si mama ng mga mata ko at natatawa lang siya.
"Joke lang naman! Basta kahit ano, tumatanggap naman ako," natatawang sabi ni mama.
Nakangiti lang si James sa kanya. Napatakip na lang ako sa mukha ko.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis.
Sumakay na kami ni James sa kotse niya. Natahimik tuloy ako. Nahihiya ako sa nangyari kanina.
"Nakakatuwa 'yung mama mo. Sure ako na magkakasundo sila ni mom," sabi ni James.
"Pasensya ka na. Malakas talaga ang ketek ni mama," sabi ko.
"Hahahaha ok lang. Sa kanya ka nga nagmana eh," sabi ni James.
Tinatawanan niya lang ako ng mahina. Sabagay... Nasa dugo na namin ang may ketek sa utak.
"Ang sarap niya siguro maging mama. Hindi boring sa bahay," sabi niya.
"Ay oo... Palagi akong binubully ni mama. Sa school, pinagtatanggol niya ako kapag may nang-bully sa akin noong bata pa ako. Gusto kasi niya na siya ang nang-aapi sa akin," natatawa 'kong sabi.
"Nandito na pala tayo," sabi ni James.
Huminto na ang kotse at bumaba na kami. Nasa simbahan kami.
"Anong ginagawa natin dito. Wala namang misa ngayon ah," sabi ko.
"Magtitirik lang tayo ng kandila," nakangiti niyang sabi.
Pumunta na lang kaming dalawa ni James sa tapat ng candelabra at nagtirik kami ng kandila.
Nagdasal na lang ako. Masaya ako na kasama ko si James. Siya na ang pinakamagandang biyaya na natanggap ko.
Pagkatapos naming magdasal ni James ay naglakad na kami palabas ng simbahan.
"Mga iho..."
Napahinto tuloy kami ni James. Lumingon na lang kami.
Nakita na naman namin 'yung lola na nanghula sa amin noon. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Hi po lola..." Nakangiti 'kong bati.
"Ehem! Mukhang nagkamali po yata ang hula niyo sa akin lola," nakangiting sabi ni James.
Ngumiti lang sa amin si lola. Hinulaan kasi niya kami dati. Mukha nga yatang nagkamali si lola.
"Siguro ay may nabago lang dahil sa desisyon na ginawa niyo. Malaki ang epekto ng mga desisyon sa kapalaran ng mga tao," nakangiting sabi ni lola.
Hinawakan ni James ang kamay ko at pinakita niya pa kay lola.
"Natagpuan ko na po 'yung taong mahal ko at mamahalin ako," nakangiting sabi ni James.
"Siguro nga... Hinihiling ko ang makakabuti para sa inyo mga iho. Sana ay maging handa kayo sa mga magaganap. Desisyon niyo pa rin ang may malaking epekto at magpapa-ikot sa kapalaran niyo. Sinabi ko lang noon kung ano ang nakita ko. Hindi nagkakamali ang mga mata ko," nakangiti niyang sabi.
"Nakakatuwa naman po kung ganoon nga. Ano pong pangalan niyo?" Magalang 'kong tanong.
"Sandra..."
"Sige po Lola Sandra, aalis na po kami," nakangiting sabi ni James.
Tumalikod na kami ni James at nakangiti lang siya.
"Ibang klase si lola. Ang galing naman niya manghula. Hindi ko alam na may ganoon palang tao," nakangiting sabi ni James.
"Hindi ako manghuhula, hindi ako lola at mas lalong hindi ako basta tao."
Napahinto tuloy kami ni James. Lumingon kaming dalawa.
Paglingon namin ay bigla na lang nawala si lola at may umihip na hangin. Wala namang mga tao sa paligid namin.
"Ang creepy..." Sabi ko.
"Don't mind her. Ang mabuti pa, mag-date na lang tayo," nakangiting sabi ni James.
Grabe... Nawala bigla si lola. Kinilabutan tuloy ako. Erase na... Siguro mabilis lang talaga maglakad si lola hahhahah.
Pumunta na lang kaming dalawa ni James sa mall. Kumain kaming dalawa sa isang resto.
Napansin ko na nagdudutdot lang siya sa phone niya. Nagtataka tuloy ako kung ano ang ginagawa niya.
"Hey! May ka-text ka ba?" Inis 'kong tanong.
Ngumiti siya sa akin. Pinakita niya sa akin ang phone niya.
Napanganga na lang ako. Nag-oorder siya ng L.V. na bag through online.
"Tingin mo... Alin dito ang magugustuhan ni mama mo?" Nakangiti niyang tanong.
"Hey! Nagjo-joke lang si mama! 'Wag mong seryosohin!"
"And so? Eh sa gusto ko siyang bigyan ng gift eh. Wala kang pake. Pera ko naman 'yun at para sa mama mo. Si mama nga, mamahalin 'yung mga bags and shoes," sabi ni James.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Grabe naman 'to si James. Alam ko na mayaman siya pero nakakahiya.
Si mama kasi eh... Kaasar... Nahihiya na tuloy ako.
Pagkatapos naming kumain ay nanuod na lang kaming dalawa sa sine.
Pagkatapos naming manuod ay hinawakan niya ang kamay ko.
Naglakad-lakad na rin kami ni James sa mall. Natutuwa ako na kasama ko siya. Ang sweet niya rin.
"Wait si Peter ba 'yun?"
Tumingin ako sa gilid. Mag babae na nakikipag-usap sa katabi niya.
"Oo bes... Siya 'yung model ng Castillo Royalty Casino," sabi nung isa.
"Bes... Ang gwapings niya!"
Ngumiti na lang ako sa kanila. Lumapit sa akin 'yung dalawang babae.
"Hmmm... Pwede po bang magpa-picture?" Nahihiya nilang tanong.
Ngumiti na lang ako at inakbayan ko 'yung dalawang babae at nag-picture kami.
"Thank you po..." Sabi nila.
"Welcome..." Nakangiti 'kong sabi.
Tumingin ako sa paligid. Hala! Nawala bigla si James!
"Uy... Nakita niyo ba 'yung lalake na kasama ko?" Tanong ko.
"Napansin ko po na bumaba sa escalator," sabi niya.
"Sino po ba 'yun? Ang gwapo rin po niya," Tanong ng isang babae.
"Ay hahahah boyfriend ko 'yun!"
Napanganga tuloy silang dalawa dahil sa sinabi ko. Tumakbo na ako papunta sa escalator at nakita ko si James sa baba.
Binilisan ko na lang at niyakap ko bigla si James para huminto.
"Uy... Bakit umalis ka?" Tanong ko.
"Doon ka na muna. Magpa-picture ka doon sa mga chicks mo!" Inis niyang sabi.
Chicks ko? 'Yung dalawang babae? Hahahah parang ewan si James.
"Selos naman kaagad ang boyfriend ko. Tinanong kaya nila kung sino ka," sabi ko sa kanya.
"Oh? Tapos kinahiya mo ako? Sabi mo kaibigan mo lang ako ganon?" Inis niyang sabi.
"Hindi... Ang sabi ko, boyfriend kita!"
Ang lakas ng pagkakasabi ko. Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao. Parang nahiya tuloy si James.
"Ano? Nagseselos ka pa? Ang cute mo mag-selos. Alam mo naman na ikaw lang ang love ko!" Malakas 'kong sabi.
Ang dami ng tao ang nagtitinginan sa amin. Nakayakap kasi ako kay James hahahah ang landi ko.
"Oh... Tama na... Baka pagkaguluhan pa tayo dito," sabi niya.
Hinalikan ko na lang ng mabilis si James sa lips. Ang dami ng tao na nakatingin hahahah. Wala na akong pakealam.
'Yung iba ang sama ng tingin sa aming dalawa. Well, mga inggitera hahaha. Ingat, delikado ang buhok ko; nakakabigti hahahahah.
"Ano? Ok na? Nagseselos ka pa?" Natatawa 'kong tanong.
Ngumiti na lang siya sa akin. Ang sweet din pala kapag seloso.
Naglakad na lang kaming dalawa ni James sa mall. I'm so happy when I'm with him. Hindi na ako nahihiya.
Bakit naman ako mahihiya diba? Wala akong pakealam kung makitid ang utak ng ibang tao.
We love each other. Walang dahilan para itago namin ang relasyon namin.
Bahala silang maiinggit kung PDA kaming dalawa ni James hahahah.
000
Note: Hi guys! Kamusta naman ang story na ito so far? I just want to say na si lolang plot twister ay makikita niyo sa ilalabas 'kong story. Hintay lang hahahah.
She is Sandra, a sorcerer and a seer. Malalaman niyo kung sino siya sa ilalabas 'kong book na 'Darkest Light'. She's one of the leading characters. Hintay-hintay lang. Lovelots!