"Peter... Sabihin mo na kaagad sa mama mo na boyfriend mo na ako," sabi ni James.
"Sure ka talaga?" Paninigurado ko.
"Of course!" Nakangiti niyang sabi.
Nakangiti lang sa akin si James. Tuwang-tuwa siya na official na rin kaming dalawa.
"Peter... Ipagkakalat ko na sa mga friends natin na tayo na. Bawal ka nang lumandi sa iba ah? Bawal na magpaligaw kasi akin ka na," sabi ni James.
"Oo na hahahha. Ang dami mo pang sinasabi," natatawa 'kong sabi.
"Syempre..."
Hinawakan niya ang kamay ko. Tinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya.
"Ikaw lang ang mahal ko Peter. Simula noong na-realize 'kong mahal kita, sumumpa na ako sa sarili ko. No more girls, no more flings. Totoo na ito. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita," sincere niyang sabi.
Ramdam ng palad ko ang t***k ng puso niya. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit na ang mukha ko.
Napangiti na lang ako. Kitang-kita ko kung gaano ka-sincere si James. Seryosong-seryoso na talaga siya.
"So... Ano na ang plano natin?" Tanong ko sa kanya.
"Huh?"
"Ang sabi ko, anong plano mo sa relationship natin?" Tanong ko ulit.
"Ipapaalam ko na sa mama mo na tayo na tapos ikaw naman, dadalhin kita sa bahay para ipakilala sa mommy ko. Don't worry, mabait 'yun at lagi kitang kinukwento sa kanya," nakangiti niyang sabi.
Napangiti na lang ako. Masyadong masaya si James. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko basta alam ko na masayang-masaya rin ako ngayon.
"Hindi na tayo mga bata James," sabi ko sa kanya.
"Alam ko naman 'yun! Why? Gusto mo ba na gumawa na tayo ng bata?" Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Sinuntok ko na lang siya ng mahina sa braso at napatawa ako ng mahina.
"Baliw ka talaga. Walang mabubuo," natatawa 'kong sabi.
"It's ok... Pwede naman tayong mag-ampon. If you want a surrogate mother, I will allow you," nakangiti niyang sabi.
Ooohhhh... Grabe naman. Masyadong mabait si James. Lalo akong napapangiti dahil sa kanya.
"Ano ba ang plano mo para sa future natin?" Tanong ko.
"I want to marry you as soon as possible. Gusto ko na magsama na tayong dalawa. Ano pa ba ang hihintayin natin? We are both independent. May family business naman kami. Kaya na kitang buhayin," nakangiti niyang sabi.
Why so sweet, James? 'Wag mo naman ako masyadong pakiligin. Sige ka... Baka mabigti ka ng buhok ko hahahah.
"Siguro... Mag-propose ka muna sa akin ano? Anong akala mo? Basta na lang akong papayag na pakasalan mo?" Seryoso 'kong sabi.
"Ikaw ang bahala. Basta hindi ako susuko. I will marry you as soon as possible," seryoso niyang sabi.
Syempre dapat pabebe muna diba? Hahahah dapat pa-hard to get.
Sabi ni mama, gusto raw ng mga lalake ang challenge. Dapat ay medyo mahirapan muna para masabi ni James sa sarili niya na worth it ako.
Daming alam ng nanay ko ano? Hahahah ang dami niyang alam talaga.
"James... Tingin ko, dapat kilalanin muna natin ang isa't-isa bago tayo magplano ng kasal. Baka mamaya may ayawan ka sa akin tapos..."
Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na ako ni James.
"Blah blah blah! Mahal kita ok? I will accept everything. Kahit minsan masungit ka, ok lang. Magtitiis ako kasi sigurado akong mahal kita."
"Pero James... Alam mo naman siguro na hindi madali ang pumasok sa isang relationship diba? Marami tayong pagdadaanan. Marami tayong haharapin na pagsubok. Gusto ko munang mapatunayan na matatag tayo at kaya nating harapin ang lahat. Sana ay naiintindihan mo kasi bago pa lang tayo," seryoso 'kong sabi.
"Ok... It's up to you. Ang alam ko lang, mahal kita. Hindi ako natatakot kung ano man ang dadating na pagsubok. As long as we have each other, hinding-hindi ako matatakot. I can do everything for you," seryoso niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. Ramdam na ramdam ko na mahaba ang buhok ko este mahal na mahal niya ako hahaha.
Pero seryoso... Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni James. Swerte na ako sa kanya.
Sigurado akong nagbago na siya. Alam 'kong loyal na siya. Alam ko na magiging faithful na siya sa akin.
• • •
Pumunta na lang kaming dalawa ni James sa bahay.
Sumalubong naman kaagad sa akin ang magaling 'kong nanay.
"Oh... Nandito na pala kayo. Anong ganap?" Pa-inosenteng tanong ni mama.
"Magtatanong ka pa talaga mama? Para namang wala ka talagang alam," sabi ko sa kanya.
"Huh? Anong mayroon?" Maang-maangan niyang tanong.
Aba! Pa-inosente pa itong nanay ko. Galing mag-acting ah! Hahahah.
"Para kang ewan mama. Alam ko na ang lahat. Kasabwat ka nila James. Ikaw ang bumasag ng picture frame naming dalawa," sabi ko.
"Naks! Hahahha ang galing ng acting ko ano? Pang-oscar awards talaga hahahh," sabi ni mama habang tumatawa.
"Grabe ka talaga mama. Alam mo naman siguro na sobra akong natakot," sabi ko.
"Oo alam ko. Hindi naman talaga ako papayag eh kaso..." Putol niyang sabi.
"Kaso ano?" Tanong ko.
"I already received 5k hahahha."
Napanganga na lang ako. Grabe talaga si mama!
"Mama grabe ka naman! Nagpabayad ka talaga?" 'Di makapaniwala 'kong tanong.
"Eh pinilit nila ako ahhaha. Sayang naman! Diba bawal tanggihan ang biyaya? Sayang ang datung!" Sabi ni mama sabay tawa.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Napakalakas talaga ng saltik ng nanay ko. Sa totoo lang, mas malala siya sa akin.
"Peter, 'wag ka nang magalit kay mama," sabi ni James.
"Mama mo?" Bara ko sa kanya.
"Oo! Mama na ako ni James. Congrats mga anak," sabi ni mama.
Binigay na lang ni James ang bouquet ng white roses sa mama ko. Nagpahanda na pala siya kay Luther ng bouquet kanina.
"Para na inyo po pala..." Nakangiting sabi ni James.
Kinuha naman ni mama ang bouquet at inamoy pa niya.
"Salamat anak... 'Yang si Pedro, binibigyan lang ako ng flowers kapag valentines day at mother's day."
"Pedro??? Pedro po ang tawag niyo kay Peter?" Tanong ni James.
Napanganga na lang ako. Gusto ko nang tumalon sa bintana.
"Oo hahhaha! Pedro ang tawag ko diyan kay Peter," sabi ni mama.
"Mama! Grabe ka!" Sigaw ko.
Tinawanan lang ako ni mama at ni James. Grabe... Nagkasundo pa talaga silang dalawa.
"Ehem! Anak... Paano na si Rogue?" Tanong ni mama.
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni James. Oo nga pala... Kailangang malaman ni Rogue.
"Hmmm... I should go to his condo. Sasabihin ko na po sa kanya," sabi ko.
"Huh? Ngayon na talaga?" Tanong ni James.
Tumango na lang ako sa kanya at alanganin akong ngumiti.
"Sasamahan na kita," sabi niya.
"No... Stay here. Alam ko na mas masakit sa kanya kapag sinama pa kita," sabi ko.
"Eh paano kung may gawing kalokohan sa'yo si Rogue?"
"Tungek! Kilala ko 'yung tao. Mabait 'yun James! Ako na ang bahalang magsabi sa kanya."
Tinitigan lang ako ni James na parang naiinis siya. Ngumiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya.
"Everything will be fine. Mag-bonding muna kayo ni mama. I should go," nakangiti 'kong sabi.
Hindi na ako nagpahatid kay James. Hinayaan ko na lang silang makapag-usap ni mama.
Pumunta na kaagad ako sa unit ni Rogue. Huminga muna ako ng malalim. Pinindot ko ang doorbell.
Maya-maya ay bumukas na ang pinto. Tumambad sa akin si Rogue.
Kaasar! Naka-boxers lang siya! Grabe! Galit na galit 'yung abs niya.
Rogue... 'Wag kang mapang-akit! Taken na si Pedro mo!
"Hi..." Alanganin 'kong bati.
Niluwagan niya ang pagkakabukas niya ng pinto at...
"Get inside," sabi niya.
Pumasok na lang ako at umupo na ako sa sofa. Nakatitig lang sa akin si Rogue.
"Kamusta Peter? Bakit napadaan ka?" Tanong niya.
"Hmmm... I just want to tell you something," alanganin 'kong sabi.
"What? 'Yung tungkol sa inyo ni James? I already know it," sabi niya.
"Huh? Talaga? Alam mo na?" Gulat 'kong tanong.
"Yeah... Sinabi ni Raypaul kay Kith so he told me too," sabi niya.
Oo nga pala. Hindi ko naisip kaagad 'yun. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.
"I'm sorry Rogue..." Sabi ko.
"Why?" Seryoso niyang tanong.
"Kasi... Kasi si James ang pinili ko," sabi ko na lang.
"Nabasa mo ba ang letter na pinadala ko sa'yo? I already said na hindi ako galit sa'yo. You chose him because you love him."
Napatitig na lang ako sa kanya. Seryoso lang ang mukha ni Rogue.
"I'm not angry but of course, I feel bad. I already tried courting you. Alam ko naman na siya ang mahal mo, I can't dictate you to love me," sabi niya.
"But... We're still friends right?" Alanganin 'kong tanong.
"Of course we are," sabi niya at ngumiti na siya.
Napangiti na lang din ako. Hindi ako nagkamali kay Rogue. Alam ko na mabait talaga siya.
"If you need my help, don't hesitate to call me. I can accept your relationship with James. I'm happy for you..."
Lumapit na lang ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you very much, Rogue," sabi ko na lang.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at hinihimas pa niya ang likod ko. Ang sweet din talaga niya.
"Be happy, Peter. Lagi mong tandaan na 'wag mong susukuan si James. Alam ko naman na mahal niyo ang isa't-isa. May mga pagsubok na haharapin ang relationship niyo. Face it with love," sabi niya.
Ngumiti na lang ako kay Rogue. Nakangiti lang din siya sa akin.
"Alam ko na malapit mo nang mahanap ang para sa'yo," sabi ko.
"Maybe... I know that fate will do its role for me," sabi niya.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Mabuting tao si Rogue.
Swerte ako kasi hindi naging mahirap ang nangyari. Swerte ako kasi kaya niyang tanggapin ang relasyon naming dalawa ni James.
Someday, may magmamahal din dito kay Rogue. Someone will love him for what he is. Mabuti siyang tao kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya.
I'm so lucky... Swerte na ako sa mga kaibigan ko, sa trabaho, sa nanay ko at may bonus pang lovelife.
Medyo kinakabahan din ako because everything turn out well. Baka mamaya may paparating na malaking problema.
ooo
Note: Hi everyone? Kamusta naman ang story so far? 'Wag muna masyadong ma-stress ang fans ni Rogue kasi marami pa ang mga barahang ilalaglag si author hahahah. Please, vote naman po kayo. Kapag umabot ng 40 votes, mag-update na agad ako. Lovelots!