Chapter 19: Committed

1849 Words
"Anak gising na!" Naalimpungatan na lang ako dahil kay mama. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakaharap na sa akin si mama. "What's with that outfit?" Tanong ko. Nakasuot kasi siya ng leggings tapos sobrang colorful pa ng shirt ng nanay ko. Ano na naman ba ito? "Bumangon ka na kasi!" Sabi niya. "Ang aga pa..." Tinignan ko na lang ang phone ko para makita ang oras. "Oh mama... Tingnan mo alas-sais pa lang ng umaga," sabi ko at pinakita ko kay mama ang phone. "Alam ko... Magzu-zumba ang mama mo eh. Gusto mo sumama?" Natatawa niyang tanong. "Wag na! Ang jologs mo!" Natatawa 'kong sigaw. Naalala ko... Hindi ko nga pala naibigay kay mama ang sweldo ko. Kinuha ko na lang ang pera sa wallet ko at binigay ko kay mama. "Mama oh... 'Yung sweldo ko po," nakangiti 'kong sabi. "Anak naman... Alam mo naman na may negosyo ang mama mo. Hindi mo na dapat ako binibigyan ng pera," seryosong sabi ni mama. May mini business din kasi ang mama ko. Nagtitinda siya ng mga cupcakes. "Pero mama..." Hindi pa ako tapos pero inunahan na niya akong magsalita. "Pero kung pipilitin mo ako, wala naman akong magagawa." Bigla niyang hinablot ang hawak 'kong pera at sinuksok sa bra niya. "Ikaw talaga anak, pinilit mo pa ako hahahah. Salamat sa kwarta ahahah. Ikaw talaga ang pinakagwapo 'kong anak!" "Sus nambola ka pa! Ako lang naman ang anak mo at alam ko naman na gwapo ako," natatawa 'kong sabi. "Oh sige na anak, magzu-zumba na ako. Mag-ingat ka dito sa bahay. Siya nga pala, may nagpadala sa'yo ng something," sabi ni mama. Lumabas na si mama ng pinto at nakita ko na may nakalagay na card sa center table sa sala. May nakapatong na white rose sa ibabaw ng table. Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala kasi wala namang nakasulat kung galing kanino. Pumunta muna ako sa kusina at nagtimpla ako ng kape. Namimiss ko na 'yung gatas ni James... Haaayyy... Lagi kasi niya akong nilulutuan ng breakfast. Naadik na rin ako sa gatas niya ahhahaha. Ang sharap ahhaha. Umupo na muna ako sa sofa habang umiinom ng kape. Inamoy ko muna ang rose na white. Ang bango naman. Binuksan ko na lang ang card. ..... Dear Peter,           I know that we have a little misunderstanding right now. I'm really sorry if I didn't allow you to explain your side. I know, I can see it in your eyes that you love James so much until now. I'm sorry Peter if I'm not brave enough. I know that you will choose him over me. I can read you like a book. Noong nakita ko pa lang na naghalikan kayo, alam ko na wala na akong pag-asa sa'yo. Who am I to ruin your feelings with each other? Salamat kasi naging masaya din naman ako na ligawan ka. I just want you to know that I don't have hard feelings for you. If I love you, I should let you go. Siguro, isusubsob ko na lang muna ang sarili ko sa trabaho. It's my way to cope up with this sadness that I'm bearing. Sanay naman ako na matalo. Hindi ko nakuha si Kith noon, alam ko rin na hindi kita makukuha ngayon. I also believe that someday, someone will love me kahit hindi ko siya ligawan. I should stay patient. I know that someone is meant for me and fate will do its role for me. I have no regrets, Peter. We can still be friends. I am happy to have a friend like you. Keep smiling... You are really dashing when you are smiling. P.S. 'Wag kang bibigay kaagad kay James. Magpakipot ka naman kahit kaunti hahahah. Kita ko na masyado kang kinikilig kapag kasama mo siya. - Rogue Mikazuchi ...... Napangiti na lang ako dahil sa letter sa akin ni Rogue. He's the most sincere person that I know. Sobra akong na-touch sa letter niya. Ipapadala ko 'to kay Ma'am Charo or kay Tita Mel hahahha joke lang! Pero seriously, nakaka-touch ang message niya. Naubos ko na ang kape na iniinom ko at umidlip muna ako saglit. Iba ang epekto sa akin ng kape, imbis na magising ako ay inaantok ako. • • • Nagulat ako at bigla na lang may tumapik sa pisngi ko. "Hey Pedro! Patulog-tulog ka na naman!" Naalimpungatan ako at si mama na naman pala. Nakauwi na pala siya. "Inantok lang po ako ulit," sabi ko. "Anak may sasabihin nga pala ako..." Alanganing sabi ni mama. "Ano naman po 'yun?" Tanong ko. Huminga muna ng malalim si mama bago siya nagsalita. "Kanina kasi, nakita ko na basag ang picture niyo ni James," sabi niya. "Huh? Saan po?" Kabado 'kong tanong. Tinuro lang ni mama ang isa naming cabinet. Tumakbo naman kaagad ako papunta doon. Nanlaki na lang ang mga mata ko. Kinuha ko ang picture namin ni James. Basag ang salamin sa side ni James pero 'yung sa akin, ok naman. "Nalaglag mo ba 'yan anak?" Tanong sa akin ni mama. "Naku! Hindi po ah!" Sabi ko. "Oh... Nagulat nga ako nung makita ko na basag 'yan eh," sabi niya. Kinabahan tuloy ako bigla. Kakaibang kaba ang naramdaman ko. Bakit basag ang picture frame namin ni James? Bakit may crack sa side ni James? Anong ibig sabihin nito. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ganito. "Peter, palitan mo na lang 'yung picture frame," sabi ni mama. Nakatitig lang ako sa picture. Ito ang picture namin ni James noong high school pa lang kami. This picture reminds me of some memories. Naalala ko dati noong unang beses na may nangyari sa amin. Ang landi ano? Hahahah. 'Yun talaga ang naalala ko? Pero seriously, namimiss ko ang sweet memories namin ni James noon kahit nag-iiwasan pa kami. Pa-secret akong humahanga sa kanya kapag naglalaro siya ng basketball tuwing intrams. Dati nag-iiwasan kami. Naglaro pa kami ng tagu-taguan, taguan ng feelings. Buti na lang ngayon, umamin na siya sa akin. "Mararamdaman niyo naman po sa heart niyo kung sino ang mas matimbang. Nahirapan din po akong pumili eh." Tama nga ang sinabi ni Cyril, alam ko kung sino talaga ang nasa puso ko. Mahal ko pa rin si James. Bigla na lang nag-ring ang phone ko. Nagulat ako kaya sinagot ko na lang. Si Luther pala. "Hi doc... Bakit napatawag ka?" Tanong ko agad. Narinig ko na lang na parang humahagulgol si Luther. Kinabahan tuloy ako bigla. "Luther! Anong nangyari? Umiiyak ka ba ha?!" Kabado 'kong tanong. Humihikbi pa siya sa kabilang linya. Nahihirapan yata siyang magsalita. "S-Si James..." Umiiyak niyang sabi. Pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko. Lalo akong natakot. "Anong nangyari kay James?" Hindi ko alam kung bakit pero naluluha na ang mga mata ko. "Pumunta ka dito sa hospital. Iti-text ko ang room number. Dalhin mo raw 'yung sing-sing na niregalo sa'yo ni James. Bilisan mo..." Bigla niyang pinatay ang tawag niya. Kinakabahan na ako. Nagmamadali na akong mag-ayos ng sarili ko. Kinuha ko na kaagad ang niregalo niyang sing-sing sa akin. "Oh anak? Anong nangyayari? Bakit nagmamadali ka?" Tanong ni mama. "Kailangan ko pong pumunta sa hospital," sabi ko. "Huh? Bakit naman anak? Anong nangyayari?" "Tsaka ko na lang po ipapaliwanag. Alis na po ako." Nagmamadali akong pumunta sa hospital. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit. Pagdating ko sa hospital ay sumalubong kaagad sa akin ang mga nurses. "Oh Peter? Off mo ngayon ah? Bakit nandito ka?" Tanong ng isang nurse. Hindi ko na lang pinansin. Binasa ko ang text sa akin ni Luther. Tumakbo ako papunta sa room na sinasabi ni Luther. Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ang kamay ko. Hindi ko magawang ikutin ang doorknob. Ano ba itong nangyayari? Masyado akong kinakabahan. Pinilit 'kong buksan ang doorknob. Tumambad sa akin si Raypaul at Luther. Umiiyak silang dalawa. "Kanina ka pa hinihintay ng pinsan namin," umiiyak na sabi ni Raypaul. Napatingin na lang ako sa kama. Nakahiga si James at may oxygen na nakakabit sa bibig niya. Lumapit na lang ako kay James. Tumulo na ang mga luha ko. Natutulog lang siya. "Anong nangyari?" Umiiyak 'kong tanong. "Na-comatose siya..." Umiiyak na sabi ni Luther. Niyakap ko na lang si James at humagulgol na lang ako ng iyak. "James! Gumising ka na! Diba liligawan mo pa ako? Anong nangyari sa'yo? Gumising ka na please..." Humahagulgol 'kong sabi. Hinawakan ko na lang ang kamay ni James at hinalikan ko. "Mahal na mahal ka ng pinsan namin. Kahit hindi mo siya mahal..." Sabi ni Raypaul. "No! Hindi totoo 'yan! Mahal na mahal ko si James! Noon pa... Mahal na mahal ko na siya!" Sigaw ko. Tumingin ulit ako kay James. Napansin ko na may tumulong luha sa gilid ng mata niya. "Aalagaan kita James! Please... Kapag nagising ka, mamahalin kita ng buong-buo. Please! Gumising ka na!" Umiiyak 'kong sigaw. Basag na ang boses ko kakahagulgol. Bakit kailangan pang mangyari 'to? "Talaga Peter? So ibig sabihin ba niyan, tayo na?" Napatingin na lang ako kay James. Nakangiti siya sa akin. "G-Gising ka na?" Tumango lang siya sa akin. Narinig ko na tumatawa sila Luther at Raypaul. "Teka... Anong ibig sabihin nito? Na-set up lang ako?" Inis 'kong tanong. "Wala nang bawian! Sabi mo mahal mo rin ako! Diba tayo nang dalawa? Hindi mo na pwedeng bawiin!" Humagulgol na lang ako ng iyak. Nakakainis naman! "Ayoko sa inyo! Pinag-tripan niyo ako!" Sigaw ko. Bigla akong niyakap ni James ng mahigpit. Sinusuntok ko na lang siya habang niyayakap niya ako. "I'm sorry Peter..." "Ewan ko sa'yo! Takot na takot ako eh tapos jino-joke mo lang pala ako!" Umiiyak 'kong sigaw. "Oh sige... Mas gusto mo yata 'yung totoo na comatose ako. Sige..." Napatitig na lang ako kay James. Nagtatampo na siya. "Syempre ayoko! Masyado niyo akong tinakot! Ayoko ng ganitong biro!" Umiiyak 'kong sigaw. Niyakap na lang ako ulit ni James ng mahigpit. "Sorry na Peter. Sila Luther ang nakaisip ng ganitong plano. Ito raw ang pinakamabilis na paraan para sagutin mo na ako," sabi ni James. "Oo hahahha. Sorry Peter! Siya nga pala, kasabwat din naman ang mama mo eh. Siya ang bumasag ng picture frame niyo ni James," sabi ni Raypaul sabay tawa. "Sorry na Peter! Mas effective naman ang plano namin eh. Hindi na kasi makapaghintay si insan James," natatawang sabi ni Luther. Kaasar! Nakakainis! Ang lakas din ng saltik ni mama! Pumayag ba naman na makipagsabwatan kila James. "Pakiulit nga muna... Mahal mo ako? Tayo na talaga?" Tanong ni James. "Oo na nga!" Sigaw ko na lang. Niyakap na lang ako ni James. Bigla namang nagpalakpakan ang mga baliw niyang pinsan. "Congrats sa inyo!" Sabi ni Luther. "Congrats! Welcome to our family, Peter," nakangiting sabi ni Raypaul. Inirapan ko na lang silang dalawa. Syempre... Dapat magsungit-sungitan ako diba? Hahahah. "Peter, nadala mo ba ang niregalo 'kong ring sa'yo?" Tanong ni James. Tumango na lang ako at nilabas ko sa bulsa ang sing-sing. "Pinagawa ko talaga ito at sabi ko sa sarili ko, isusuot ko 'to sa iyo kapag naging tayo na. Pwede ko na bang isuot 'to sa'yo?" Tanong niya. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na ako. Sinuot naman 'yun sa akin ni James at nakangiti siya. Hinawakan na niya ang mga pisngi ko. Nilapit niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Napapikit na lang ako. Naramdaman ko na naman ang malambot na mga labi ni James. Totoo pala... Parang mawawala ka sa sarili mo kapag hinalikan ka ng taong mahal mo. Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Sure na ako sa nararamdaman ko. Mahal na mahal ko rin si James. Maya-maya ay kumalas na rin siya sa pagkakahalik niya sa akin. Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko. "I love you Peter... I really love you. You set my heart on fire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD