Chapter 18: Friends

2302 Words
Peter POV "Oh anak... Saan ang punta mo?" Tanong ni mama. "Ay sa gym lang po. Medyo wala na po akong exercise," sabi ko. "Tama 'yan anak... Operation 101," sabi ni mama. "Huh? Ano na naman po 'yang Operation 101 na 'yan?" Tanong ko. "Hahahaha hindi mo alam?" Tinatawanan lang ako ng mama ko. Hindi ko alam kung anong saltik ang mayroon siya. "Operation 101: Balik alindog program! Ganern! Dapat nag-eexercise ka," sabi ni mama sabay tawa. Natawa na lang din ako ng mahina. Ang dami talagang alam ng nanay ko. "Ewan ko sa'yo mama. Ang dami mong alam," tumatawa 'kong sabi. Lumabas na ako ng bahay. Medyo nakakalungkot din. Inaamin ko na miss na miss ko na si Rogue. Hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Hindi na siya nagti-text or tumatawag. Medyo nalulungkot na ako. Ang bilis naman niyang sumuko. Ang bilis naman niyang magdesisyon. Gusto ko pa rin naman na maging kaibigan siya. Nakarating na ako dito sa gym. Nag-warm up muna ako. Maya-maya ay nagbuhat na ako ng barbell. "Hi... Ang lalim yata ng iniisip natin." Napatingin na lang ako sa gilid. Nagulat ako at si Raypaul pala. "Oh! Musta na Raypaul?" Bati ko. "Ok naman... Masaya ako. Ikaw? Kamusta na?" Tanong niya. "Ok naman... Nasaan nga pala si Kith?" Tanong ko. Nagtataka lang ako. Bihira lang kasi silang mapaghiwalay ng asawa niya. "Tamad 'yun mag-exercise hahaha. Ako lang 'yung pumupunta sa gym pero minsan sumasama naman siya," nakangiti niyang sabi. "Oh... Akala ko lagi kayong magkasama," sabi ko at nagbuhat ulit ako ng barbell. "Siya nga pala... Kamusta na kayo ni James?" Tanong niya. Enebe! Hahahahhah. Sabi ko na nga eh! Tulungan na kasi silang mag-pipinsan eh! "Anong kamusta? Hindi pa naman kami," pa-inosente 'kong sabi. Oh diba? Ang arte ko lang hahahha. Pa-inosente effect pa ako hahahah. Cyril mode ako ngayon hahahah kaso mukhang hindi bagay sa akin. "I mean... Is there any progress? Ano nang lugar niya sa heart mo?" Nakangiti niyang tanong. Nakakainis... Talagang tinutulungan nila si James hahahah. Grabe talaga ang mga pinsan ni Jaime. "Hmmm... Ano... Mabait naman si James," sabi ko na lang. "Tumigil ka nga sa pagpa-pabebe mo! Sumagot ka ng maayos!" Sabi niya sabay tawa. Hahaaha nahalata na niya siguro ang pagpapabebe ko. "Una pa lang, may spot naman talaga siya sa puso ko. Alam mo naman na mahal ko na siya noong high school pa lang tayo," seryoso 'kong sabi. "So 'yung pagmamahal ba na 'yun, nawala na?" Tanong niya. Napalunok na lang ako. Ang hirap naman sumagot. Ano 'to? Million dollar question? Hahahah. "Hindi ko alam eh..." Alanganin 'kong sabi. "Sus! Alam mo 'yan sa sarili mo, Peter. Ayaw mo lang aminin," natatawa niyang sabi. Ano ba? Ginugulo mo ang pag-iisip ko! Baka matulad ako niyan kay Alexa haahhah. Baka mabaliw din ako hahahha. "Tutal... ayaw mo namang sagutin ang tanong ko, iibahin ko na lang. Kung sakaling nawala na 'yung pagmamahal mo sa kanya, may chance ba na bumalik?" Tanong niya. "S-Siguro..." Alanganin 'kong sagot. Tinawanan na lang niya ako ng mahina. Nakakaasar... Ang hirap naman sumagot. Hinawakan na lang niya ang balikat ko at tinapik-tapik niya. "Kilala ko ang pinsan ko. Oo, babaero siya dati pero nagbago na siya. Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit naging ganun siya diba?" Tumango na lang ako. Masyado kasi siyang na-broken hearted kay Alexa; 'yung ex niya. Kahit kailan talaga, dakilang impaktita si Alexa hahahha. Malas na lang niya kasi hindi niya kakayanin ang alindog ko kapag nagkataon hahahah. "Alam mo rin na mahirap para sa kanya na amining nagkakagusto na siya sa lalake?" Tanong pa niya. Tumango na lang ako. Ano ba ang gusto mong sabihin ah? Hahahah. "Alam mo naman siguro na ikaw na ang mahal niya ngayon?" Tanong ulit niya. Tumango na lang ako. Ano ba Raypaul? Ano bang ginagawa mo? Hahahah. "Oo alam ko 'yun! Ano ba kasing gusto mong sabihin ah?" Tanong ko. "Yun naman pala eh... May isa pa akong itatanong," sabi niya at ngumiti na siya. "Ano na naman 'yun?" "Hmmm... Kaya mo ba kapag nawala ulit siya sa'yo?" Napatigil na lang ako dahil sa tanong niya. Napalunok ako... Raypaul naman! Ang hirap ng mga tanong mo. "You don't need to answer it. Kitang-kita ko naman ang sagot eh," sabi niya sabay tawa ng mahina. Inakbayan na ako ni Raypaul habang tumatawa siya ng mahina. "Ikaw naman kasi... Alam mo naman sa sarili mo na mahal mo pa rin si James. Alam mo naman sa sarili mo na hindi mo kaya kapag nawala ulit siya sa'yo. Ito na ang pagkakataon. He loves you. Why are you wasting your time? Sagutin mo na siya," nakangiti niyang sabi. "Hindi 'yun ganun kadali. Kailangan ko 'yung pag-isipan ng mabuti," sabi ko. "Pag-isipan ng mabuti? Bakit? Dahil ba kay Rogue? Dahil nililigawan ka rin nung tao?" Tumango na lang ako sa kanya. Ang dami mong alam Raypaul hahahah. "Sabagay... Mahirap nga 'yan. Maybe... Nalilito ang isip mo pero sa puso mo, alam mo kung sino ang laman niya," seryoso niyang sabi. Napatahimik na lang ako. Sino ba ang laman ng puso ko? Sa pagkaka-alam ko, cholesterol at chicharon ang nasa puso ko hahahahha joke! Pero seriously... Naguguluhan na ako. Isa lang ang sigurado ko, Cinderella... Mag-tsinelas ka na hahahah. "Sana nakatulong ang mga sinabi ko. Sige na... Mauna na ako. May pupuntahan pa ako," nakangiti niyang sabi. "Sige bye... Ingat ka Raypaul," sabi ko. Naglakad na siya palayo. Nagulat ako at nadapa siya. "Ano ba? Hahahah mag-ingat ka nga!" Natatawa 'kong sabi. Inalalayan ko na lang siya para makatayo. Ang clumsy eh hahahah. "Natisod kasi sa buhok mo. Ang haba kasi hahahahha!" Kaasar! So sinadya pala niya na madapa? Nakakainis hahahah. Sorry ah! Nakalimutan 'kong i-braid hahahah joke! Oo na! Alam ko naman na mahaba na ang buhok ko. Kahapon lang, nabalitaan 'kong nagpakalbo na si Rapunzel eh hahahah. Nagbuhat na lang ako ng barbell. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Raypaul. Parang ewan naman... Hindi ko alam kung nakatulong ba ang sinabi niya o lalo lang akong naguluhan. Syempre pinsan niya si James kaya doon siya sa side ni James. Paano naman ang side ni Rogue? Sinong mag-eexplain sa akin? Mukhang wala na yatang balak si Rogue na magparamdam sa akin. Mukhang nagtampo talaga siya. Nagulat ako dahil bigla na lang may nagdikit ng malamig sa batok ko. Paglingon ko ay si James pala na may dalang water bottle. "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat?" Inis 'kong tanong. "Hindi... Sa bed lang tayo magpapatayan," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Weh? Sample nga! Hahahhaha. Ang naughty ko talaga hahahah. Umupo na si James sa tabi ko at ininom ko na lang ang dala niya na water bottle. "Nagwo-work out ka rin pala," sabi niya. "Oo naman... Anong akala mo? Ikaw lang?" "Hahahah ang sungit ah. May period ka ba ngayon?" Natatawa niyang tanong. Inirapan ko na lang siya. Ahhahah sabi kasi ni mama, rule no. 3 kailangan magsungit-sungitan minsan. Gusto raw ng mga lalake na may sinusuyo sila hahahaha. "Gusto mo kain na lang tayo ng ice cream? Ililibre kita..." Sweet niyang sabi. "Ice cream? Kakatapos ko lang mag-exercise eh!" Sungit-sungitan 'kong sabi hahahah. "Ok lang 'yan... Unless, ice cream ko ang gusto mong dilaan," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Ice cream mo? Nasaan? Masarap ba 'yan? Patikim nga hahahahah. "Ang manyak mo talaga. Sige na... Bili na lang tayo ng ice cream," sabi ko. Ang hirap magpigil ng tawa hahaha. Nahiya ako sa kanya dahil sa mga sinasabi ko. Pumunta na lang kaming dalawa ni James sa malapit na conveniencce store. Bumili kami ng ice cream sandwich. Lalabas na sana kami pero bigla na lang umulan sa labas. "Hala... Umuulan na. Kailangan ko nang umuwi," sabi ko. "Ay may dala akong payong dito sa bag," sabi niya. Binunot na lang niya ang payong sa bag niya at binuklat na niya. "Nasaan nga pala 'yung kotse mo?" Tanong ko. "Nasa parking lot ng gym. Gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo?" "Ay 'wag na... Malapit lang naman. Mas gusto ko munang maglakad," sabi ko. Naglakad na lang kaming dalawa habang umuulan. Medyo gloomy sa paligid. Ewan ko ba, minsan gusto ko talagang maglakad kapag umuulan. "It's kinda romantic. Masaya pala na maglakad habang umuulan kasama ang taong mahal mo," sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya at nginitian na lang niya ako. Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Peter... I want you to know that I'm true with my feelings. Mahal na kita," seryoso niyang sabi. Nakakaasar... Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis na ang kabog ng dibdib ko ngayon. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Huminto na lang kami sa tapat ng bahay namin. "Oh... Kumain ka na sa loob," sabi ko. "Hindi muna... May date kami ng mama ko. Death anniversary ngayon ng dad ko eh," seryoso niyang sabi. Tinitigan ko na lang ang mga mata ni James. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pareho na kasi kaming walang ama kaya ramdam ko siya. Hinawakan ko ang mga pisngi ni James. Ngayon ko lang siya ulit nakitang malungkot. Ayokong malungkot siya. Gusto ko 'yung masiyahin at pervert na James. Nag-effort pa talaga siya na puntahan ako kahit death anniversary ng dad niya. Sobra 'kong na-appreciate ang effort niya. Hinalikan ko na lang siya ng madiin sa pisngi niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Ayan... 'Wag ka nang malungkot. Gusto ko 'yung masiyahin na James," sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin. Masaya ako at nabawasan ko ang lungkot niya kahit sa simpleng halik sa pisngi. "Malungkot pa rin ako... Mas magiging masaya ako kung sa lips mo ako hahalikan," sabi niya na parang bata. Jusko! Ginagaya mo ba si Cyril? Hahahahah hindi bagay! "Ewan ko sa'yo! Next time na este sabi ko ingat ka hahaah." Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na siya palayo. Ngumiti na lang ako habang tinititigan ko siya na naglalakad palayo. Ang gwapo mo talaga James. Tama na ang landi... Nagugutom na ako hahahhaha. Pumasok na lang ako sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay walang ilaw. Madilim pa naman dahil umuulan. "Mama! I'm home..." Sabi ko. Binuksan ko ang ilaw. Nagulat ako at nakahilata ang nanay ko sa sahig. Kinabahan ako! Sumugod ako kay mama at niyakap ko siya. "Mama ang pansit este gumising ka! Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala 'kong sabi. Hindi kumikibo si mama. Nakahiga lang siya. Tumindi na ang takot ko. "Mama naman! Kapag nahimatay ka, doon ka sa sofa or sa kama. Malamig sa sahig. Gumising ka na!" Naiiyak 'kong sabi. Hindi gumagalaw si mama. Natatakot na ako. Tatakbo na sana ako papunta sa telephone namin pero may lalakeng sumalubong sa akin. Nagulat na lang ako. May mga lalakeng puno ng tattoo ang katawan. Mukha silang hapon. "Sino kayo? Hindi kayo welcome sa house namin!" Sigaw ko. Hindi sila nagsasalita. Napatingin ako sa sofa at may lalakeng nakatalikod. Unti-unting humarap ang lalake. Pagharap niya ay tumambad ang mukha niya na mala-anghel. "Kith! Ano ba? Ano itong ginagawa mo?" Galit 'kong tanong. Bigla na lang siyang humalakhak ng malakas. Napahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa kakatawa. Lumingon ako at bumangon na si mama. Tawa rin ng tawa si mama. "Anak, kinabahan ka ba?" Tumatawang tanong ni mama. Nakakaasar! Pinagtitripan pala ako ng mga tao dito. "Grabe ka naman mama! Pahiga-higa ka pa sa sahig!" Sigaw ko. "Ganun talaga... Best actress ang mama mo. Pang oscar awards hahahah. Nakakatuwa kasi 'yung mga kasama ng kaibigan mo, anak. Sure ako na matatakot ka eh hahahaha." Napakalakas talaga ng saltik ng nanay ko. Siya ang pasaway; hindi ako. Tumingin na lang ako kay Kith. "Sino naman 'yang mga lalakeng kasama mo? Ginawa na nilang sketch book ang katawan nila sa dami ng tattoo," sabi ko kay Kith. "Friends ko sila. Alam mo naman siguro na kasama sa Yakuza ang family ko eh," sabi niya. "Oh sige na... Magluluto na muna ako sa kusina," tumatawang sabi ni mama. Umupo na lang kaming dalawa ni Kith sa sofa. Nakangiti siya sa akin. "Alam mo ba na nag-usap din kami kanina ng asawa mo?" Tanong ko. "Yeah... Tinutulungan niya si James kasi pinsan niya so I'm here to explain Rogue's side. By the way, I love your mom. Nagkakasundo kami," nakangiti niyang sabi. Ah... Kaya naman pala. Grabe naman mang-trip 'tong si Kith. Nagkasundo pa sila ng mama ko. "Hmmm... Ilang araw na walang paramdam sa akin si Rogue," sabi ko. "I can't blame him. Alam ko ang lahat sa kanya. Alam mo naman yata na kapatid ang turingan namin. He saw you kissing James. Kita niya na may feelings ka pa rin para kay James. Ramdam na ramdam 'yun ni Rogue. You already know that he can read you like a book," seryoso niyang sabi. Kaya pala... Naiintindihan ko na kung bakit nilalayuan ako ni Rogue. "He's a loyal lover. He can give you money, power and love. He can give you everything. Wala ka nang hahanapin sa kanya. Magkapareho kami ni Rogue. Alam ko na kung mamahalin mo siya, gagawin niya ang lahat para sa'yo... Lahat..." "But... I don't know if..." Hindi pa ako tapos pero inunahan na niya ako. "You don't know if you love him? It's ok... Kung wala talaga siyang chance sa'yo, 'wag mo na lang paasahin. Matatag si Rogue but his heart is fragile." Napatingin na lang ako kay Kith. Seryosong-seryoso lang ang mukha niya. "Kung sakaling ma-realize mo na si Rogue pala ang gusto mo, puntahan mo kaagad siya sa condo niya. Kung sakali naman na wala ka talagang feelings para sa kanya, hayaan mo na lang siya na umiwas." Tumayo na si Kith at hinawakan niya ang balikat ko. "Sana tandaan mo ang lahat ng sinabi ko sa'yo." Naglakad na siya papunta sa mama ko. "Tita, uuwi na po ako. Salamat po sa time," sabi ni Kith sa mama ko. "Ay sige... Ingat ka," sabi ni mama. Nagulat ako at bigla na lang natalisod si Kith. Inalalayan naman siya nung mga lalake na kasama niya. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. "Sumabit 'yung buhok mo sa paa ko," sabi niya sabay tawa. Kaasar... Parehas sila ng asawa niya. Masaya bang pag-tripan ako? Umalis na lang si Kith. Nakatayo ako at iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Dapat ba na puntahan ko na si Rogue? Siya ba ang mahal ko? Lalo na akong naguguluhan kung sino ang pipiliin ko ngayon. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga sigurado kung sino ang mahal ko sa kanilang dalawa ni James. I really care for both of them pero nahihirapan akong pumili. Sino ba ang tinitibok ng puso ko? Alam ko naman na kahit sino ang piliin ko sa kanila eh hindi ako lugi. Kailangan ko nang pumili sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD