Chapter 17: Villain

1584 Words
"Hey Peter... Anak! Gising na!" Naramdaman ko na tinatapik na ni mama ang pisngi ko. Inaantok pa nga ako eh. "Day off ko..." Malamya 'kong sabi. Hindi tumigil si mama sa pagbulabog sa akin. Nakakaasar... Inaantok pa nga ang Pedro niyo eh. "Hey Rapunzel! Let down your hair!" Nagulat na lang ako at napabangon ako bigla. Napatingin ako sa pinto at nakatayo doon si Jaime. "Jusko naman! Kanina ka pa ginigising ng nanay mo tapos kailangan mo pa talaga tawaging Rapunzel bago ka pa bumangon," natatawang sabi ni James. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nilapag ni James ang breakfast table sa higaan ko at may bouquet pa ng white roses. "Hmmm... James, mag-uusap lang kami ni Peter. Labas ka muna," sabi ni mama. "Ok po..." Lumabas na si James at kaming dalawa na lang ni mama ang naiwan. Grabe... Halos araw-araw na akong nilulutuan ni James ng breakfast lalong-lalo na kapag day off ko. "Ano po ang pag-uusapan natin?" Tanong ko kay mama. "Hmmm.. Matanong ko lang, bakit parang wala na yatang paramdam si Rogue?" Tanong ni mama. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. "Anak... Nagtataka na ako. Dati kasi lagi silang magka-kumpitensya ni James pero bigla na lang siyang nawala," sabi ni mama. Lalo tuloy akong nakonsensya. Ang hirap naman sabihin. "May away ba kayo ni Rogue?" Umiling-iling na lang ako. Nagulat ako at bigla na lang kinurot ni mama ang singit ko. "Mama naman! Ang sakit ah!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi ako manghuhula! Kung kanina mo pa sinabi, hindi kita kukurutin sa singit mong bata ka!" Sigaw niya. "Hindi na po ako bata!" "Tumahimik ka Pedro!" "Mama naman... 'Wag mo ako tawaging Pedro. Baka marinig pa ni James," bulong ko. Tinawanan na lang ako ni mama. Ewan ko ba kasi dito sa nanay ko. Peter ang binigay na pangalan niya sa akin tapos minsan, Pedro ang tawag niya. Si James naman, Jaime ang tagalog ng name niya hahahah. Si Rogue? Anong tagalog ng name niya? Hahahah hirap ah! 'Di ko alam. "Oh ano na? Magku-kwento ka ba sa akin o hindi?" Tanong ni mama. "Hmmm... Ganito po kasi 'yan eh. Noong isang gabi na hinatid ako pauwi ni James, nanghingi siya ng good night kiss," sabi ko. "So french kiss ang binigay mo?" Tanong agad ni mama. "Mama naman! Patapusin mo kaya ako," inis 'kong sabi. Tumahimik lang si mama at tinatawanan na niya ako. Nakakaasar din talaga itong nanay ko eh. "So 'yun... Nag-kiss ako kay James sa cheek dapat pero, bigla siyang humarap. Ayun! Lips to lips tapos hinawakan niya ang batok ko. Hindi ako makagalaw," sabi ko. "Asus! Palusot ka pa! Parang hindi naman hinawakan ang batok mo eh!" Natatawang sabi ni mama. "Mama naman! Promise! Hinawakan niya ang batok ko kaya hindi ako makagalaw. Ayun... Medyo matagal kaming nag-kiss ni James," sabi ko. "Tapos... Enjoy the moment ka naman?" Natatawa niyang tanong. Napakunot na lang ang noo ko. Syempre kunyari galit pero kinikilig naman talaga hahahah. Pero hindi... Dapat ay maging seryoso ako. Wala sa lugar ang kalandian ngayon. "Nakita po kami ni Rogue..." Sabi ko na lang. "Huh? Hinabol mo ba? Nagpaliwanag ka ba sa kanya?" Tanong ni mama. "Opo hinabol ko siya kaya lang ang bilis niya eh tapos bigla siyang nawala. Ninja nga siguro ang loko. Hindi tuloy ako nakapag-paliwanag," sabi ko. "Sabagay... Kung nakita niya na enjoy na enjoy ka sa kissing scene niyo ni James, malamang hindi ka na niya hahayaang magpaliwanag," tumatawang sabi ni mama. "Mama naman! Grabe ka ah..." Tinawanan lang ako ni mama. Maya-maya ay tinitigan na niya ako ng seryoso. "Pero anak... Namimiss mo ba si Rogue?" Tanong niya. Napalunok na lang ako. Best quality of Pedro, I don't fake my feelings hahaha. "Oo naman po... Syempre may sentimental value siya sa akin," sabi ko. "Sentimental value? Gamit ba ang tingin mo kay Rogue?" Natatawa niyang tanong. "Mama naman... Syempre importante na sa akin si Rogue. Hindi ko lang siya manliligaw, magkaibigan din kami. Concerned ako sa nararamdaman niya," seryoso 'kong sabi. "Siguro nga... Give him time. Hayaan mo na mag-isip siya. Malay mo naman nagpapalamig lang ng ulo niya," sabi ni mama. "Tinatawagan ko na nga eh pero pinapatayan ako ng phone," sabi ko. "Ikaw naman kasi! Ang landi-landi mo!" Natatawang sabi ni mama. "Mama hindi ako malan-" Hindi pa ako tapos pero tinakpan na ni mama ang bibig ko. "Hep! Admit it! Malandi ka Pedro! Nagmana ka kaya sa akin!" Natatawa niyang sabi. "Oo na lang po!" Nagtawanan na lang kami ni mama. Alam niyo na kung kanino ako nagmana? Hahahah. "Naalala ko pa noong kabataan ko, mas marami pa akong manliligaw kaysa sa'yo. Maraming nabibihag ang alindog ko kaya-" Hindi pa siya tapos pero inunahan ko na siyang magsalita. "Talaga ba? Nasaan ang ebidensya? Hahahha!" Nagulat ako at bigla na lang akong hinampas ng unan ni mama sa mukha. "Tumahimik kang bata ka! Sinusuportahan ko ang kalandian mo kaya suportahan mo rin ako! Maganda ako noong kabataan ko," natatawa niyang sabi. "Oo na lang..." Sabi ko sabay tawa. "Basta... Kung magpapaturo ka ng tips and tricks on how to seduce hot guys, sa akin ka lalapit," sabi ni mama. "Oh talaga lang mama? Sige nga, magbigay ka ng example," sabi ko. "Rule number one! Kapag bumanat siya sa'yo ng nakakakilig na salita, ngumiti ka lang o 'di kaya mag-kunyari kang naiinis ganun!" "Huh? Pabebe lang ganun?" "Oo... 'Wag mo ipakita na kinikilig ka kasi lalo kang babanatan niyan. Ikaw ang kawawa kasi baka mahalata niya na nahuhulog ka na. Hayaan mo na siya ang maunang mabiktima sa kamandag mo," tumatawang sabi ni mama. "Ewan ko sa'yo mama... Ang dami mong alam," natatawa 'kong sabi. "Ewan ko rin sa'yo Pedro! Ikaw na nga itong tinuturuan eh hahahah. Teka nga... May dala na namang bouquet ng white roses si James. Pwede na nating itinda 'yan. Mahal ang white roses," sabi ni mama sabay tawa. "Mama naman! Grabe ka ah..." Sabagay... Ubos na ang flower vase dito sa bahay. Lagi na lang nagdadala ng bouquet si James pati si Rogue dati. "Kanina ka pa hinihintay ng manliligaw mo uy! Napakadaldal mo talaga Pedro." "Mama... Ikaw kaya ang madaldal," tumatawa 'kong sabi. Lalabas na sana ako sa kwarto peo pinigil ako ni mama. "Oh bakit po?" Tanong ko. "Magsuot ka ng shirt," sabi niya. Napatitig na lang ako sa sarili ko at boxers lang pala ang suot ko. Kukuha na sana ako ng t-shirt pero pinigil ako ni mama. "Anak... Ito ang isuot mo! Dapat hot ka tignan!" Sinuot ko na lang ang muscled shirt na bigay ni mama. Parang ewan talaga eh hahahah. Ang daming alam ni mama. Pero masaya ako at napaka-supportive niya sa akin hahahah. "Peter... Ang tagal mo sa kwarto. Labas ka na... 'Wag ka nang magpa-gwapo kasi gwapo ka na para sa akin," sigaw ni James sa labas. Napangiti na lang ako. Lalabas na sana ako ng kwarto pero pinigil na naman ako ni mama. "Ano na naman po 'yun?" "Anak wait... 'Yung brief mo nalaglag hahahah," Parang ewan talaga eh hahahah. Lumabas na lang ako ng kwarto. Rogue POV Ilang araw na rin pala ang lumipas. Hindi na ako nagpaparamdam kay Peter. Hindi naman ako tanga... Kitang-kita ko sa mga mata niya na mahal niya pa rin si James. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya. I can read people like a book. Alam ko na kahit makipag-kumpitensya ako kay James, wala pa rin akong panalo. Maybe, I can confuse Peter to choose me but I know that he still love James. Sino ba naman ako para magustuhan niya diba? Yes, I'm handsome but I know that I'm not his type. Mas gusto niya 'yung kagaya niya na masiyahin; parang si James. I saw them kissing. Nanghina na 'yung loob ko. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para mahalin din ako. I believe that love always find a way to seek lovers. Hindi ko kailangang magmadali. I know that someday, ako rin ang mamahalin. Hindi pa nga kami ni Peter, nasaktan na ako nung nakita ko silang naghahalikan. Mas madali kung tatanggapin ko na lang kaysa ipaglaban ko siya at alam ko naman na si James pa rin ang mahal niya. Maybe, I should let fate to do its work for me. Naniniwala ako na kung talagang may nakatadhana sa akin, gagawa ng paraan ang destiny. Naglalakad ako ngayon papunta sa office ko dito sa hotel. I'm the one of the heirs of Mikazuchi hotels. Mag-pinsan kami ni Kagura at magkahati sa shares ang mga dad naming dalawa. Pagbukas ko ng office ko at nagulat ako at bigla na lang may sumalubong na tigre sa akin. Nagulat ako kaya umatras ako bigla. Nakarinig na lang ako ng tumatawa. "Until now, you are still afraid of my tiger. You're such a coward my son!" Tumingin ako sa loob. Nandoon pala ang dad ko. Marami siyang tattoo sa katawan. May mga tauhan din siya sa loob. Alam ko na well-trained ang alaga niyang tigre. Pumasok na lang ako sa loob at humarap ako sa dad ko. "What are you doing here?" I asked. "You should ask yourself. What am I doing here?" Galit niyang tanong. Sabi ko na nga ba... Lagi siyang nakabantay sa bawat kilos ko. "I don't want a gay son! Itigil mo na ang kalokohan mo!" Sigaw niya. "I already stopped courting him. You are only wasting your time here," seryoso 'kong sabi. Tinitigan niya na lang ako ng masama. Hindi na ako natatakot sa kanya. Lumapit siya sa akin at katabi niya ang alaga niyang tigre. "You already know what I can do. I can do everything. You should fix yourself. Magsisisi ka kapag hindi ka umayos," seryoso niyang sabi. Naglakad na siya palabas ng office ko kasama ang mga tauhan niya pati 'yung alaga niyang tigre. Sa totoo lang, alam ko talaga ang pwede niyang gawin. He is capable of anything. He really love manipulating people around him. Gusto niya, controlled niya lahat. Well, hindi mo na ako madidiktahan. I will do what I want. Hindi na ako natatakot sa'yo. Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Gagawin ko kung ano ang magpapasaya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD