Nasa trabaho ako ngayon. Dapat talaga mag-focus ako. Kapag trabaho, trabaho lang; bawal ang landi hahahah.
Nagtataka pa rin talaga ako. Bakit kaya parehas ng niregalo sa akin si James at Rogue kung pinagawa nila 'yun?
Nakakapagtaka talaga kasi parehong-pareho. Parehas ng design tapos parehas din na may nakasulat na quote na 'You set my heart on fire'.
Mamaya, tatanungin ko silang dalawa kung bakit parehas sila ng niregalo sa akin.
Eh paano kung ma-offend silang dalawa? Hindi ko naman pwedeng sabihin na hey mga gwaps, parehas kayo ng niregalo hahahah.
"Hey! Ang lalim na naman ng iniisip mo ngayon ah."
Napatingin na lang ako sa gilid. Si doc pala. Lagi na lang akong napapansin ng isang 'to.
"Ay wala naman... Medyo may kaunti lang akong iniisip. Nagtataka lang ako," sabi ko.
"Nagtataka? About what? You can tell that to me," sabi niya.
Wala naman sigurong masama kung itatanong ko kay Luther diba?
"Hmmm... 'Yung niregalo sa akin ni James na sing-sing. Pinagawa niya ba 'yun?" Tanong ko.
"Yeah... Actually, kasama niya ako na pinagawa 'yun. Siya pa nga ang pumili ng design," sabi ni doc.
Oooohhhh... So totoo nga na pinagawa 'yun ni James? Lalo akong nagtataka sa kanya.
"Sige nga... Ano naman 'yung quote na pinalagay ni James?" Tanong ko.
"You set my heart on fire. 'Yun ang pinalagay niya na quote," sabi ni doc.
Napalunok na lang ako. Kung totoo nga na pinagawa 'yun ni James, baka naman ginaya lang ni Rogue?
Kilala ko naman si Rogue. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi 'yun manggagaya kasi alam ko na hihigitan niya ang kay James.
Kaasar naman! Lalo akong naguguluhan kung bakit parehas silang dalawa ng gift.
"Hey... Ano ba kasi ang iniisip mo?" Tanong ni Luther.
"Ay basta! May something lang. Don't mind me," sabi ko na lang.
"Siya nga pala... Nandito sila Cyril. Punta ka sa office ko."
"Huh? Talaga? Gusto ko makita si Cy. Ang cutie niya..."
Pumunta na lang ako sa office ni doc. Nandoon nga si Cyril at kasama niya si Eros. Pansin ko na hindi masyadong nagsasalita si Eros.
Mukhang maldito si Eros. Bagay kaya sila ni Cyril? Hindi ba siya boring kasama?
"Hi Cyril..." Bati ko.
"Hi din po Kuya Peter. Nurse ka po pala," sabi niya.
"Ay oo... Hmmm... Hi Eros," alanganin 'kong bati.
"Hi..."
Ang suplado hahahah. Hindi ngumingiti si Eros. Lagi siyang seryoso pero gwapings tignan.
Lumapit na lang ako kay Luther at may itatanong ko.
"Doc... Ganyan ba talaga si Eros? Hindi talaga siya ngumingiti?" Mahina 'kong tanong.
"Ngumingiti rin 'yan kapag sila lang ni Cyril ang magkasama," sabi niya.
Ooohhhh... So parang si Rogue lang na laging seryoso ganun?
"Hmmm... Cyril! Bakit naman kayo napadaan dito?" Tanong ko.
"Nagpa-check up lang po ako tapos tumambay na dito sa office ni Luther," nakangiti niyang sabi.
Grabe... Ang cutie ni Cyril. He's so adorable. Sus! Lamang ka lang ng halfbath sa akin hahahha.
Cute ka lang Cyril pero mas hot ako hahahahhah. I'm seductively wild hahahah.
"Nagpa-check up? Bakit naman?" Tanong ko ulit.
"May leukemia kasi siya dati. Every month ko siyang sinasamahan na magpa-check up. Naniniguro lang ako na hindi na babalik ang sakit niya," seryosong sabi ni Eros.
"Ok..." Sabi ko na lang.
Nakakatakot naman kausapin si Eros. Parang mangangagat hahahah.
Para siyang wolf na handang manakmal. Ang gwapo niya... Kung wolf siguro siya ay marami na ang gustong magpalapa hahahahhah.
"Kamusta ka naman Kuya Peter? May napupusuan ka na ba sa mga nanliligaw sa'yo?" Tanong ni Cyril.
"Ay hahahah... Medyo mahirap pumili. Hindi ko pa alam," sabi ko.
"Basta tandaan niyo po ang sinabi ko," nakangiti niyang sabi.
"Oo naman! Salamat Cyril..." Nakangiti 'kong sabi.
"Puddin, sabi ni Eryl gusto raw niya ng red velvet na cake," sabi ni Cyril kay Eros.
"Sige babydoll, mamaya bago tayo umuwi bibili tayo," sabi ni Eros at ngumiti na siya.
So... Puddin at babydoll pala ang endearment nila? Hahahah palaban ah. Unique ang tawagan. Parang Joker and Harley lang hahahahha.
Ano kaya ang magandang tawagan kapag may sinagot na ako? Alam ko na... F*cky? Ay hahahah.
"Ay Kuya Peter... May nagpapabigay pala sa'yo," sabi ni Cyril.
May kinuha si Cyril sa loob ng dala niyang bag. May bouquet ng white roses.
"Para sa akin 'yan?" Tanong ko.
"Opo... Pinapabigay po ni Kuya Rogue. Nakita po namin siya sa labas ng hospital," sabi ni Cyril.
Kinuha ko na lang ang bouquet ng white roses. Napangiti na lang ako.
"Hey Cyril... Dapat hindi mo tinutulungan si Rogue. Dapat si insan James ang tinutulungan natin," sabi ni Luther.
"Sorry naman... Nakisuyo lang kasi si Kuya Rogue kanina," sabi ni Cyril.
Natawa na lang ako sa kanila. Ang cutie talaga ni Cyril. Mukha nga siyang manika. Bagay ang babydoll.
So ako? Ano ang bagay na tawag sa akin?
"Oh paano? We have to go," sabi ni Eros.
"Ok... Ingat kayo," sabi namin ni doc.
Kaming dalawa na lang ni doc ang naiwan sa office niya.
"Peter... Matanong lang kita, madalas ba na sumisikip 'yung dibdib mo?" Biglang tanong ni doc.
"Hindi naman po. Nung birthday ko lang po nangyari 'yun," sabi ko.
"Mamaya... I will check the organs in your chest," sabi niya.
"Ay sige... Salamat po..." Sabi ko.
"I will also check kung pangalan na ba ni James ang nakasulat sa puso mo," sabi ni Luther.
Enebe! Naguguluhan na nga ako doon sa dalawa eh. Nakikigulo pa si doc hahahah. Halatang tinutulungan nila ang mga manok nila.
"Doc... Balik na po ako sa trabaho," sabi ko na lang.
Bumalik na lang ako sa trabaho. Grabe si Rogue! Kinuntsaba pa si Cyril para lang makapagbigay ng bouquet.
Inaamin ko na masyado na akong kinikilig sa mga para-paraan ni Rogue.
Si doc Luther din napaka-supportive sa pinsan niya. Lalo tuloy akong nahihirapan na pumili.
Nang matapos ang trabaho ko ay nagpa-check up na ako kay Dr. Luther.
Mabuti na rin siguro na magpa-check up ako. Minsan lang naman sumikip and dibdib ko.
Baka tinutubuan lang ako ng boobs? Ay hahahha joke! Ayoko maging dyoga hahahah.
"May gagawin ka ba ngayong gabi?" Tanong ni doc.
"Wala naman... Bakit?" Tanong ko.
"Samahan mo ako sa mall. Kung ok lang sa'yo. May bibilhin lang ako," sabi niya.
"Ay sige... Ok lang naman," sabi ko.
• • •
Nang matapos ang trabaho ay sinamahan ko na nga lang si Luther sa mall at may bibilhin daw siya.
"Luther... Pansin ko na napaka-supportive mo kay James," sabi ko.
"Oo naman! Alam ko ang pakiramdam ng hindi pinili. Masakit 'yun kaya ayokong maramdaman 'yun ng pinsan ko kaya tinutulungan ko talaga siya," nakangiting sabi ni Luther.
Oh... Ang sweet naman pala. Mabait pala si doc at may malalim pala siyang dahilan.
"Ang lalim nun ah... 6 feet underground," sabi ko sabay tawa.
"Luther... Ano ba ang bibilhin mo?"
Ngumiti lang siya sa akin. Ano 'yang ngiti na 'yan? Iba ang dating niyan sa akin parang may plano siya.
"Don't talk... Just follow me," sabi niya.
Naglakad na lang kaming dalawa at pumunta kami sa arcade. Nagtataka ako kung bakit nandito kami.
Maglalaro ba kami? Ano ba ito? Napaka-ewan naman ni Luther. Ayaw sabihin ang dahilan.
"Nakikita mo ba 'yung lalake na 'yun?" Tanong niya.
"Huh? Alin? Saan?" Naguguluhan 'kong tanong.
"Doon sa may videoke machine. Tignan mo 'yung lalake; ang gwapo..."
Napatingin na lang ako sa direksyon na tinuturo niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Si James pala! Kumaway sa akin si James at may hawak siyang mic.
"Bakit nandito si James?" Tanong ko.
"Diba sabi ko sa'yo tinutulungan ko siya? Sige na... Alis na ako. Bye!"
Bigla na lang naglakad ng mabilis palayo si Luther.
Naiwan akong nakatayo at nakatitig ako kay James. Tumugtog na rin bigla ng malakas.
"I will dedicate this song for someone that I love..."
Nagulat ako at bigla na lang akong kinindatan ni James.
Nagtilian naman ang mga babae. Takte! Feelingera ang mga higad ahhahahah. Kalbuhin ko kayo diyan eh.
(Play the multimedia above)
Lumayo ka na sa akin
Wag mo kong kausapin
Parang awa mo na
Wag kang magpapaakit sa akin
Biglang tinaas ni James ang shirt niya. Lintek na abs 'yan! Nakakaakit nga! Hahahahah. Naghiyawan ang mga babaeng kasing harot ko.
Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Grabe... Feeling ko ay namumula na ako. Fit na fit 'yung kanta para kay James.
Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako
Yung tipong nagseseryoso
At kahit
Sulit sana sa'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita
Kaya't kung pwede wag nalang dahil
Ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Bakit nakikinig ka pa
Matatapos na ang kanta
Pinapatakas na kita
Mula nung unang stanza
Hinde ka ba natatakot
Baka ikaw ay masangkot
Sa mga kasalanan ko
Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko
Dahil para sa'yo
Handa kong magpakatino
Laging isipin
Lahat ay gagawin
Basta para sa'yo
Inaamin ko na kinilig talaga ako sa ginawa ni James. Grabe... Skyrocketed 'yung kilig hahahah.
Naghihiyawan ang mga tao at lumapit na sa akin si James.
"Ano Peter? Kinilig ka ba sa kanta ko?"
Napakagat na lang ako sa labi ko. Kaasar... Baka yumabang si James kapag umamin ako.
"Maganda... Maganda naman 'yung kanta," sabi ko na lang.
Hahahahah ang galing ko talaga! Ganyan magpalusot hahaha.
Inakbayan ako ni James at naglalakad kami palabas ng arcade.
"Peter... Dinner tayo. Sure ako na hindi ka pa nag-dinner," sabi niya.
Tumango na lang ako sa kanya. As usual, kumain kaming dalawa.
Hindi ako masyadong magakapagsalita ngayon. Masyado akong kinilig. Nakaka-trauma yata hahahah.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni James sa bahay. Masaya naman ako at kasama ko siya.
"Hmmm... Good night Peter. Magpahinga ka na kaagad," sabi niya.
"Good night too..." Sabi ko na lang.
"Hmmm... Can I ask a favor?" Tanong naman niya.
"Ano naman 'yun aber?"
Ngumiti lang siya sa akin. Maya-maya ay lumapit pa siya.
"Can you give me a good night kiss?"
Napalunok na lang ako. Ano ba ang good night kiss? Sa lips din ba? Hahahahah.
"Kahit sa cheek lang," sabi niya.
Ngumiti na lang ako. Nilapit ko ang mga labi ko sa pisngi niya.
Nagulat ako at bigla siyang humarap tapos hinawakan niya ang batok ko.
Ang diin ng pagkakahalik niya. Hindi ko na siya pinigilan. Hinayaan ko na lang siya na halikan ako.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nawala yata ako sa sarili ko.
I can feel that there is burning in my chest. Bakit ganito? Ganito rin ang naramdaman ko noong unang beses niya akong hinalikan dati.
Maya-maya ay kumalas na siya sa pagkakahalik niya sa akin.
Nakangiti lang siya. Alam ko na pulang-pula ang buo 'kong mukha dahil sa ginawa niya.
"Oh paano? Uuwi na ako. Ito na yata ang pinaka-masayang gabi ko," nakangiting sabi ni James.
Umalis na siya. Alam ko na mukha na akong timang na nakatayo dito sa labas ng bahay.
Napahawak na lang ako sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako.
Papasok na sana ako sa loob pero napatingin ako sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatayo doon si Rogue.
"R-Rogue..."
Hindi siya nagsalita. Nakayuko lang siya. Kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya.
Lumapit ako papunta kay Rogue. Bigla na lang siyang tumakbo palayo.
"Rogue! Wait lang!"
Pagtingin ko sa kanto ay nawala na siya bigla. Hindi ko na makita kung saan siya pumunta.
Nalungkot ako bigla... Alam ko na nasaktan siya. Ito na ang ayokong mangyari, ang makasakit ako.
Ano na ang dapat 'kong gawin?