Rogue POV
Nasa resort ako ngayon kung saan gaganapin ang birthday ni Peter. Maaga akong dumating para matulungan ko ang mama niya.
Pumasok na ako sa loob at nakita ko kaagad ang mama ni Peter na nag-aayos ng mga pagkain.
"Good morning po... Tulungan ko na po kayo diyan," nakangiti 'kong sabi.
"Ay salamat iho. Napakabait na bata," sabi ng mama ni Peter.
Ngumiti na lang ako habang tumutulong. Maya-maya ay bigla na lang may lumabas sa kitchen.
"Sinalin ko na po 'yung palabok."
Napatingin na lang ako at si James pala. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Good morning James," bati ko.
"Hmmm... Good morning," alanganin niyang sabi sa akin.
"Maaga din 'yang dumating. Halos magkasabay lang kayong dalawa," sabi ng mama ni Peter.
Medyo tahimik lang kaming dalawa habang tinutulungan ang mama ni Peter sa pag-aayos.
"Nasaan nga po pala si Peter?" Tanong ni James.
"Ay nasa kwarto. Gusto pa raw niyang matulog. Hayaan niyo na birthday eh."
"Hmmm... Pwede po ba namin siyang puntahan ni James pagkatapos po naming tumulong?" Tanong ko.
"Oo naman! Na-stress na nga 'yun eh. Nahihirapan pumili sa inyo," natatawang sabi ng mama ni Peter.
Napatawa na lang din ako ng mahina. Napansin ko na kanina pa ako tinititigan ni James.
"Hmmm... Why are you starring at me? Alam ko na gwapo ako," natatawa 'kong sabi kay James.
"Gwapo rin ako," he said and he just rolled his eyes.
Napatawa na lang ako ng mahina. Huminga ng malalim si James at nagsalita na siya.
"You know what? Nagtataka ako... Why are you so kind? I mean... Magka-kumpitensya tayo kay Peter," seryoso niyang sabi.
"Yeah... I know that. Magkaibigan din naman tayo dati. I know that you're my rival pero kung ikaw ang piliin ni Peter, wala naman akong magagawa. Hindi rin maganda na nagtatalo tayo. Baka ma-stress lang si Peter," sabi ko.
"Ok... So may the best man win," sabi na lang niya.
"Yeah..." Sabi ko habang hawak-hawak ang kutsilyo.
Napalunok na lang si James. Natatawa ako... Halatang natakot siya sa akin. Well, I'm completely harmless sometimes.
"Basta... Walang samaan ng loob kung sino man ang piliin niya sa atin?"
Nakipag-shake hands na lang ako sa kanya. Alam ko na walang nakakalamang sa aming dalawa at 'yun ang mahirap.
Natapos na kami sa pagtulong sa mama ni Peter. Marami din ang niluto ng mama niya.
"I think, we should wake him up," sabi ko kay James.
"Sige... Puntahan na natin."
Peter POV
Birthday ko ngayon. Gusto ni mama na mag-swimming daw kaya nasa resort kami. Maganda ang araw ngayon.
Hinahanda lang ni mama ang mga niluto niya at humiga muna ako sa isang room para magpahinga.
Iidlip na sana ako pero bigla na lang...
"Good morning Peter! Happy Birthday!"
"Ay mga gwapo!" Gulat 'kong sigaw.
Napadilat ako bigla at si James pala pati si Rogue. Bumangon na lang ako.
Natawa na lang silang dalawa. Tsaka ko lang na-realize kung ano ang sinabi ko. Ehem! Umayos ako ng upo.
"Good morning... Ang aga niyo naman dumating," sabi ko.
"Syempre... Tutulungan ko si mama mo na maghanda," nakangiting sabi ni Rogue.
"Syempre birthday mo. Maaga pa lang, dapat buo na ang araw mo," sabi naman ni James.
"Para sa'yo nga pala!" Sabay nilang sabi.
May hawak-hawak silang bouquet ng white roses. Napangiti na lang ako.
"Salamat... Palagay na lang diyan sa tabi. Ilalagay ko sa vase mamaya," nakangiti 'kong sabi.
Enebe? Ang aga-aga pa lang eh! Gusto ko matulog pero paano ako makakatulog sa kilig? Ahahahha.
"Ehem! Anak!" Sigaw ni mama.
"Po? Bakit po?" Sigaw ko rin.
Nasa labas kasi si mama ng kwarto.
"Anak 'yung buhok mo abot na dito sa kusina! Paki-ayos naman! Baka humalo sa mga pagkain!" Sigaw ni mama sabay tawa ng malakas.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Oo na kasi... Mama naman! Pa-humble effect nga ako dito eh hahahah.
"Peter, nag-breakfast ka na ba?" Tanong ni James.
"Hmmm... Hindi pa eh," sabi ko.
"Ay sige... Maghahanda kami ni James ng breakfast mo," sabi ni Rogue.
"Wag na... Ayokong kumain," sabi ko.
"Hmmm... Sige maghahanap kami ng pwede mong breakfast," sabi ni James.
Lalabas na sana ng kwarto si James at Rogue pero bigla na lang sumigaw si mama kaya nagulat ako.
"Wait mga iho! 'Wag niyong isara ang pinto!" Sigaw ni mama.
"Huh? Bakit naman po?" Nagtataka nilang tanong.
"Baka maipit 'yung buhok ng anak ko," sabi ni mama sabay tawa ng malakas.
Nakakaasar talaga! Grabe talaga si mama. Sa harap pa mismo nila James? Nahihiya rin ako sa sarili ko! Pero slight lang hahahah.
Bumalik naman kaagad sila. Nabigla ako at parehas silang may dala na isang baso ng gatas.
"Peter, inumin mo na ang gatas ko," sabi ni James.
"Hindi... Mas sariwa 'yung gatas ko. Mas masarap 'to Peter!" Sabi naman ni Rogue.
Ano ba? Bakit ba parehas kayong may gatas? Masarap ba talaga 'yan? Hahahah.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinablot ko ang dala nilang baso.
Ininom ko ang gatas na dala nila. Binilisan ko ang pag-lagok ng mga gatas nila. Pinunasan ko na lang ang labi ko.
Hmmmm... Eng sherep! Hahahahh!
"Oh ano? Ok na? Hindi niyo na kailangan magtalo?"
"Hahahahhah grabe... Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa gatas!" Natatawang sabi ni James.
"Masarap ba Peter?" Tanong naman ni Rogue.
"Of course! Este... Oo! Parehas lang naman ng lasa 'yun!" Sabi ko.
"Hey birthday boy!"
Tumingin ako sa pinto at si Dr. Luther pala tapos kasama niya si Raypaul at Kith pati si Dennis.
"Uy good morning! Pasok kayo dito," sabi ko sa kanila.
Nagulat ako at pahakbang-hakbang sila ng malalaki kung maglakad papasok sa kwarto na parang may iniiwasan kaya nagtataka ako.
"Hoy ano ba? Bakit ganyan kayo maglakad? Ano bang iniiwasan niyo? Mukha kayong timang," natatawa 'kong sabi.
"Yung buhok mo kasi baka matapakan namin eh," sabi ni Kith.
Nagtawanan na lang sila. Grabe... Pati mga kaibigan ko gumaya na rin kay mama. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Oh Peter... Nabalitaan mo na ba? Sira ang MRT ngayon!" Sabi ni Dr. Luther.
"Huh? Bakit naman daw?" Tanong ko.
"Sumabit kasi sa riles 'yung buhok mo!"
Nagtawanan na naman sila! Ito talagang si Luther ang lakas din mang-asar.
"Sige ka insan... Baka mamaya dumating ang panahon na ikaw naman ang pag-agawan," banta ni Raypaul kay Luther.
"Excited na ako!" Sabi naman niya sabay tawa.
"Anong kaguluhan ang meron dito?"
Tumingin kami at nandoon na pala si Kagura at Vincent. Kasama nilang dalawa si Baby Hideo.
Tumakbo na lang ako papunta sa kanilang dalawa.
"Hi baby cutie! Buti pumunta ka?" Sabi ko sa baby.
"Malamang dala namin," natatawang sabi ni Kagura.
"Ikaw naman kasi Peter. Sabi ko sa'yo, gumawa na tayo ng baby," sabi ni James.
"Oo nga Peter. Ilan ba ang gusto mo?" Tanong naman ni Rogue.
Napakamot na lang ako sa ulo. Bawal akong mag-react hahahah baka tawanan na naman ako ng mga kaibigan ko eh.
"Hmmm... Luther. Sabi mo isasama mo 'yung bestfriend mo na si Eros pati 'yung asawa niya. Nasaan na sila?" Tanong ko.
"Hmmm... Hi po..."
Napatingin kami sa gilid. Wow! Ang cute niya! Sobrang puti ng balat niya. May kasama siyang lalake na mukhang maldito pero hanep! Ang gwapings!
Sabi ko kasi kay Luther isama niya ang bestfriend niya. Grabe... Totoo nga ang sabi niya. Mas maputi daw sa akin ng limang beses.
"Guys ito si Eros, bestfriend ko. Ito naman si Cyril, asawa ni Eros. Si Cyril 'yung nililigawan ko dati," sabi ni Luther.
"Oooohhhh..." Sabi na lang namin.
Gay couple din kasi sila.
"Hi..." Supladong bati ni Eros.
"Hi po sa inyo..." Malambing na sabi ni Cyril.
Ok... Mukhang tumba ako sa kutis. Siguradong mangingitim si snow white kapag tumabi sa kanya hahahah.
"Gosh... He's so adorable!" Sabi ni Kagura.
Nagulat kami at bigla na lang niyakap ni Kith si Cyril.
"I miss you Cy..." Sabi ni Kith.
"I miss you too kuya," sabi ni Cyril.
"Wait nga! Magkakilala rin kayo?" Tanong ko.
"Yeah... Nagkita kami dati sa Amsterdam," sabi ni Kith.
"Salamat sa pagpunta niyo. Kumain na kaya tayo?" Natatawa 'kong sabi.
Maraming niluto si mama. Masarap kasing magluto si mama.
Masaya ako at may mga bago kaming mga kaibigan. Umupo lang ako sa bench at kumakain ako ng cake.
Nakatingin lang ako sa mga kaibigan ko. Kumakanta na naman si Kith. Ang sarap pakinggan ng boses niya angelic masyado.
Naglalandian lang sa videoke machine si Kith at Raypaul.
Naglalaro naman ng volleyball sa pool sila Luther, Vincent, Dennis at Eros.
Habang kumakain ay nagulat ako dahil tumabi sa akin si Cyril.
"Hi po... Happy bithday ulit," malambing niyang sabi.
"Thank you... Ang cute mo naman!" Sabi ko.
"Salamat din po. Kanina ka pa po nakatingin sa friends mo ah," sabi ni Cyril.
"Hmmm... Matanong nga kita, paano naging kayo ni Eros? Diba nililigawan ka dati ni Luther? Bakit si Eros ang sinagot mo?" Tanong ko.
"Hmmm... Kasi siya 'yung mas mahal ko. Mararamdaman mo naman kung sino ang mas matimbang," sabi niya.
Nag-pout na lang ako ng lips. Kaasar... Mas cute pa rin sa akin ni Cyril.
"Bakit po? May nanliligaw po ba sa inyo?" Tanong niya.
Tumango na lang ako. Ngumiti naman sa akin si Cyril.
"Mararamdaman niyo naman po sa heart niyo kung sino ang mas matimbang. Nahirapan din po akong pumili eh," sabi niya.
"Cyril! Dito ka... Swimming tayo," sabi ni Eros.
"Kuya Peter... Doon po muna ako kay Eros ah?"
"Ay sige..."
Ayun nga ang nangyari. Naglalandian si Eros at Cyril sa swimming pool.
Kaasar... Ang gulo naman kasi! Sino ba ang dapat 'kong landiin? Ang hirap naman pumili.
Nakayuko lang ako. Nakita ko ang anino ng dalawang tao na nakatayo sa harapan ko.
"Let's swim..."
Humarap ako sa kanila. Nanlaki bigla ang mga mata ko.
Si... Si... Si... Sila Rogue at James! Naka-swimming trunks lang sila.
Nyeta! Mapapamura ka talaga! Nagwawala ang muscles nila!
Grabe... Parehas sila na makinis ang balat tapos pink ang n*****s. Grabe... Naghahamon ng away ang abs nila.
Parang huminto tuloy ang oras habang nakatitig ako sa kanila. Grabe... Mas yum pa sila sa burger ng jollibee.
"Uy... 'Wag mo kaming titigan," sabi ni Rogue.
"Oo nga... Let's swim," sabi ni James.
"Ayaw ko... Hmmm... Nakakatamad," pabebe 'kong sabi.
Syempre! Ganito ang mga galawang Pedro! Dapat pinipilit para pumayag hahahahhah.
Nagulat na lang ako at bigla nila akong binuhat.
"Uy! Teka! Ibaba niyo ako!"
Hindi sila nakinig sa akin. Sabay-sabay tuloy kaming nahulog sa pool.
"Guys Laro tayo! Tulak-tulakan! Hanap kayo ng partner!" Sabi ni Dennis.
"Ay sige! Game ako diyan!" Sabi ni Kith.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumali na lang.
"Peter... Pwede bang partner tayo?" Tanong ni James.
"Peter... Ako ang piliin mo," sabi naman ni Rogue.
Kaasar... Sino ang pipiliin ko? Napalunok na lang ako.
"Hoy Peter! Sasali ba kayo?" Tanong ni Kagura.
"Hindi... Nagugutom ulit ako! Bye bye muna..."
Umahon na ako sa pool. Naguluhan ako! Ayokong pumili sa kanila. Alam ko na sa simpleng pagpili ay baka ma-hurt ang isa sa kanila.
Hindi pa ako handang pumili. Kailangan ko pang makasigurado.
Kumuha ako ng pakwan at kinakain ko na lang. Palusot ko lang 'yung nagugutom ako hahahah.
Nakatingin lang ako sa kanila...
"Nahirapan kang pumili ano? Kaya hindi ka sumali."
Napatingin ako sa gilid at si Luther pala. Kumakain din siya ng pakwan.
"Bakit hindi ka sumali?" Tanong ko.
"Kasi totoong gutom ako! Gusto ko munang kumain," natatawa niyang sabi.
Nakatingin lang ako sa mga kaibigan ko. Magka-partner si Cyril at Eros, Kith at Raypaul, Kagura at Vincent tapos si James at Rogue na lang ang nag-partner.
Nakaupo ang mga bottom este, 'yung magtutulak sa balikat ng partner niya hahahaha.
Nagsimula na ang game nila. Nanunuod lang kami ni Luther.
Naunang mahulog si Cyril. Tawa lang kami ng tawa ni Luther. Ang hina tumulak ni Cyril eh. Tinulak pa niya si Kagura ayan tuloy, siya ang nahulog.
Aba! Palaban si Kith ah! Tinulak niya naman si Kagura kaya nahulog sa pool si Kagura.
Nagtulakan na lang si James at Kith. Sabay silang nahulog ahhahahah.
Naramdaman ko bigla na sumikip ang dibdib ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
"Hmmm... Hey... Are you ok Peter?" Tanong ni Luther.
"Medyo sumikip ang dibdib ko," sabi ko naman.
Inalalayan niya ako para umupo. Pinainom naman niya ako kaagad ng tubig.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Ok naman... Medyo ok na," sabi ko.
"Cardiothoracic surgeon ako... Magpa-check up ka na sa akin kapag pumasok ka na sa trabaho," sabi niya.
"Huh? Akala ko Cardiologist ka," sabi ko sa kanya.
"Ahahhaha malaki ang pagkakaiba nun. Cardiothoracic surgeon ako. Cardiologists don't do surgery," nakangiti niyang sabi.
"Sige... Nag-oopera ka pala ng esophagus, heart, lungs and other organs in chest," sabi ko.
"Yeah hahahahh."
"Oh guys... Anong ginagawa niyo dito?"
Napatingin kami ni Luther sa gilid at si Dennis pala. Kumakain siya ng barbecue.
"Ay Luther... Si Dennis 'yan. Psychiatrist siya," sabi ko.
"Oh... Hi! Doctor ka rin pala," nakangiting sabi ni Luther kay Dennis.
"So, what kind of doctor are you?" Tanong ni Dennis.
"Cardiothoracic surgeon."
"Oh... I see," nakangiting sabi ni Dennis.
• • •
Natapos na ang birthday ko. Masayang-masaya naman ako ngayong araw na ito.
Umuwi na rin ang mga kaibigan ko. Nandito ako sa kwarto at binubuksan ko ang gifts nila sa akin.
Binuksan ko ang regalo ni James. Sing-sing ang regalo niya. May nakalagay sa loob na 'You set my heart on fire'.
May kasama ring note kaya binasa ko na kaagad...
.....
Happy birthday Peter! Sana ay nagustuhan mo ang regalo ko. Ako mismo ang nagpagawa niyan. Isuot mo ang regalo 'kong sing-sing kapag sinagot mo na ako...
.....
Napangiti na lang ako. Sunod ko namang binuksan ang regalo sa akin ni Rogue.
Nagulat ako at pareho sila ng sing-sing na regalo ni James. May nakalagay din sa loob na 'You set my heart on fire'.
May note rin si Rogue kaya binasa ko...
.....
Happy birthday Peter... Pinagawa ko talaga 'yang sing-sing para sa'yo. Mahal 'yan kasi mahal kita. Sana ay nagustuhan mo...
.....
Kinilabutan ako... Imposible naman na magkapareho talaga sila ng regalo sa akin diba? Bakit pareho pa ng nakalagay na quote?
Imposible na mangyari ito! Bakit parehas sila ng regalo kung pinagawa nila 'yun?
Hindi ko alam kung bakit pero kinikilabutan ako. Nilagay ko na lang ang sing-sing na regalo nila sa akin sa isang lalagyan.