Chapter 14: Clash

1576 Words
Masaya ako sa naging date namin ni Rogue kahapon. Ang sweet din naman pala niya. Sana ay magtuloy-tuloy lang siya pati si James. Pagkauwi ko sa bahay ay tumambad kaagad sa akin si mama. "Anak! Mabuti at nakauwi ka na. May nagpadala sa'yo." "Huh? Nagpadala? Sino po ang nagpadala? Ano naman po ang pinadala?" Tanong. Ayan... Lagi na lang may pinapadalang kung ano-ano sa bahay these days. Ang daming ek-ek ng mga manliligaw ko pero nakakakilig ahahhah. "Bago ka mag-assume, wala sa mga manliligaw mo ang nagpadala ok?" Ay... Burn! Kaasar! Masyado ko na silang iniisip. "Sino naman po ang nagpadala?" Tanong ko na lang. "Galing sa mga kaibigan mo. Oh ito... Basahin mo," sabi ni mama. Inabot niya sa akin ang isang sobre na color gold. Ang sosyal naman. Pagbukas ko ng sobre ay invitation pala na galing kay Kagura and Vincent. Binyag ng anak nila. "Aaawww... Bukas na pala kaagad ito," sabi ko. Napatingin ako sa picture ng baby. Ang cute talaga! Hideo ang name ng baby boy. Ang cute naman. Gusto ko rin tuloy gumawa ng baby hahahah. Lumabas kaagad ako ng bahay para maghanap ng gift para sa baby. • • • Pumunta na kaagad ako sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng anak ni Kagura and James. "Peter! Musta ka na?" Napalingon na lang ako. Si Dennis pala ang tumawag sa akin. "Ok lang naman, ikaw?" "Ayos lang din. Parang iba 'yung aura mo ngayon ah. Parang may something," sabi niya at tinitigan na naman niya ako. Ayan... Hindi ko na kailangang magsalita. Ganyan si Dennis. Malalaman na niya agad. "Sandali, may lovelife ka na?" Tanong kaagad niya. "Wala pa akong lovelife," sabi ko. "Wala pa? So ibig sabihin may pumuporma sa'yo?" Tanong niya. Kita niyo na? Mabilis siyang manghula hahahah. Ngumiti na lang ako sa kanya. Minsan nag-iisip ako, hindi yata tao itong si Dennis hahahah. "Sabi ko na nga eh. Tama 'yung mga napapansin ko dati. Tell me the truth. James and Rogue is courting you right?" Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ako. Nginitian na lang din ako ni Dennis. "Good morning guys." Napalingon na lang kami ni Dennis. Si Kith and Raypaul pala. "Uy... Kamusta na kayo? Ngayon ko na lang kayo nakita after ng kasal niyo," nakangiti 'kong bati. "Ito... Masarap... Este! Masaya pala," natatawang sabi ni Raypaul. "Ang naughty mo talaga, Raypaul ko," sabi ni Kith. Nagulat ako at bigla na lang dumikit sa akin si Dennis. "Nakikita mo ba 'yang dalawang 'yan? Si Raypaul at Kith? Balang araw ganyan ka rin kapag may sinagot ka na doon sa dalawa," bulong ni Dennis. Napaiwas na lang ako ng tingin. Alam ko naman 'yun! Oo na... Ako na ang pinag-aagawan hahahah. Yabang ko rin talaga eh noh? "Anong pinag-bubulungan niyong dalawa diyan?" Tanong ni Kith. "Wala naman... Sabi ko kay Peter ang cute niyong tignan. Anong malay natin baka next time may partner na rin si Peter," sabi ni Dennis. Tinitigan lang ako ni Kith at napangiti siya. Lumapit pa siya sa akin. "Kamusta si Rogue? Ano? Naga-gwapuhan ka ba sa kanya? Kinakantahan ka rin ba niya? Bagay na bagay kayo Peter!" Sabi ni Kith. "Eh Peter... Kamusta naman si insan James? Ano? Hinaharot ka na ba niya? Love mo pa rin ba? Bagay din kayo!" Sabi naman ni Raypaul. Pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng sahig dahil sa sinasabi nila. "Raypaul ko... Mas bagay si Rogue at si Peter. Team Rope for the win! Gentleman si Rogue, maalaga at loyal lover kagaya ko! Mas bagay sila!" Sabi ni Kith. "Lalabs, mas bagay si James at Peter. Team Japet ako! Kagaya ko naman si James na medyo naughty pero aminin mo lalabs! 'Yun ang nagustuhan mo sa akin hahahhah," sabi ni Raypaul. Pakiramdam ko talaga ay lumulubog na ako sa sahig. Nahihiya na ako sa pinagsasabi nilang dalawa. Team Rope? Team Japet? Nakakaasar naman po pala. Lalo tuloy akong na-stress sa mga kaibigan ko. "Peter... Good morning." Tumingin ako sa gilid at si Rogue pala. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Mas maganda ang umaga kapag sa akin ka tumingin." Tumingin naman ako sa kabila at nandoon pala si James. Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Team Japet!" Sigaw ni Raypaul. "Team Rope!" Sigaw naman ni Kith. Nakakaasar... Sa harap pa talaga ni James at Rogue nagsabi ng ganun sila Kith? Hindi ko alam kung kikiligin na ako o mahihiya. "Guys... Tama na muna ang landian. Mag-uumpisa na ang binyag." Tumingin kami sa direksyon ng nagsasalita at si Vincent pala at Kagura. Dala nila ang cute na baby boy. Lumapit naman kaming magkakaibigan sa cute nilang baby. "Oh... Hi baby! Ang cute mo naman," sabi ko. "Oo nga... Peter, gusto mo gumawa din tayo ng baby?" Tanong bigla ni James. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. James naman! Kung lalandiin mo ako ng ganyan, 'wag dito hahahah. "Why don't you try me? Ano ba ang gusto mong pangalan ng magiging baby natin?" Tanong naman ni Rogue. Rogue isa ka pa! Ano ba? 'Wag niyo akong landiin! Baka pumayag ako hahahah. "Lalabs, ikaw? Positive na ba? Nabuntis na ba kita?" Tanong ni Raypaul ka Kith. "Raypaul naman! Walang mabubuo," natatawang sabi ni Kith. "Ang harot niyo naman. Binyag 'to guys. Bawal magharutan," natatawang sabi ni Dennis. "Tama... Para kay baby Hideo ang event ngayon kaya enough muna ang landian," natatawang sabi ni Kagura. "Japanese name ang Hideo diba? Anong meaning?" Tanong ni Dennis. "Excellent man!" Sabay-sabay na sabi ni Kagura, Kith at Rogue. "Aaaahhhhh..." Sabi na lang namin. Sige na... Kayo na ang may lahing hapon. Atleast ako... Maganda ang pangalan ko. Banal! Hahahah. Nagsimula na ang binyag. Nakakatuwa din si baby Hideo. Hindi siya iyakin. Lahat ng ibang bisita ay natutuwa talaga sa baby. Pagkatapos ng binyag ay pumunta na lang kaming lahat sa reception. Medyo marami din pala ang mga bisita sa side ng Vincent. Natutuwa din ako kay baby Hideo. Gusto ko rin ng baby hahahhahah. Nagulat ako at bigla na lang tumabi sa akin si Rogue. Ano? Puporma ka na naman ba? "Peter... Ang cute ng baby noh?" Tanong niya. Ngumiti na lang ako at tumango ako sa kanya. "Excited na ako kapag nagka-baby din tayong dalawa," nakangiti niyang sabi. Kaasar! Alam ko naman na hindi kami makakabuo ng baby pero kinilig na ako sa sinabi niya. Bigla na lang tumabi sa kabilang side ko si James nagulat tuloy ako. "Peter... Ilan ba ang gusto mong baby? Hindi tayo titigil hangga't hindi tayo nakakabuo," sabi ni James. Isa ka pa! Napatakip na lang ako sa mukha ko. Hindi pala magandang idea na magkasama si James at Rogue. Lalo akong nalilito sa kanila. "Hey Rapunzel! Let down your hair! Este... Kakain na pala tayo. Doon na tayo sa table," natatawang sabi sa akin ni Dennis. Nakakaasar na nakakakilig. Kainis! Hindi ko alam kung ano ang dapat 'kong maramdaman. Pumunta na lang kaming magkakaibigan sa table para kumain. Grabe si James at Rogue. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi sa akin ni Dennis. Tama nga siya... Lagi akong tinititigan nila Rogue at James kahit noon pa; hindi ko lang nahuhuli. "Peter... Tikman mo ako este, itong chicken cordon. Masarap! Say ahhh!" Sabi ni James. Ngumanga na lang ako at pinasubo niya sa akin ang ano niya. Ang chicken cordon hahahaha hmmm... Sarap! Hahahah. Bigla na lang siniko ni Kith si Rogue at may binulong siya. "Hmmm... Peter! May dumi sa labi mo. 'Di marunong 'yung nagpasubo sa'yo," sabi ni Rogue. Pinunasan ni Rogue ang gilid ng labi ko at may gatas pala siya este, cream ahhaha. Nakalimutan ko; gatas nga rin pala ang cream hahahha. Nagulat ako at biglang sinipsip ni Rogue 'yung daliri niya na pinunas sa gilid ng labi ko. Ano ba Rogue! Ang seductive mo naman masyado! Hahahahhah. Nagulat ako at sumandok na naman si Rogue at James sa plato nila. Ano na naman 'to? "Oh Peter... Sumubo ka ulit!" Sabi ni James. "Itong sa akin na lang ang isubo mo Peter! Masarap 'to!" Sabi ni Rogue. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tinatawanan lang nila ako. "Tama na! Ayoko nang sumubo! Kung gusto niyo, kayong dalawa na lang ang magsubuan!" Malakas 'kong sabi. Kita ko na napatawa na lang ng malakas sila Kith. Pati sila Kagura ay hindi na nakapagpigil ng tawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba? Double meaning ba? "Kaya 'kong kumain mag-isa ok?" Sabi ko at kumain na lang ako. Natigil naman ang pagpapasubo ng dalawa. Nakaka-ewan naman pala. Akala ko masaya ang nililigawan. Jusko! Nai-stress na si Pedro! Bigla na lang akong may naalala. Kailangan ko pala na imbitahin naman sila. "Guys... Birthday ko nga pala sa makalawa. Punta kayo ah?" Sabi ko. "Sure!" Sabi naman nila. "Ano ba ang gusto mong gift, Peter?" Tanong ni James. "Oo nga... Kahit ano bibilhin ko para sa'yo," sabi naman ni Rogue. "Hindi ako mahilig sa gifts. Pumunta na lang kayo, masaya na ako," seryoso 'kong sabi. "Sige... Pupunta ako at pasasayahin kita," sabi ni James sabay ngiti ng nakakaloko. "Sisiguraduhin ko na magiging sobrang saya mo sa birthday mo," nakangiting sabi ni Rogue. Ano ba? 'Wag naman kayo masyadong magkumpetisyon! Lalo akong nalilito! Lalo akong naguguluhan! Lalo akong hindi makapili! "Ehem... Peter," sabi ni Dennis. "Bakit?" "Medyo mag-chin up ka kapag kumakain ka. 'Wag ka masyadong yumuko," sabi ni Dennis. "Bakit naman?" "Eh kasi, sumasayad na 'yung buhok mo sa kinakain mo hahahah." Napansin ko na hihirit pa sana si Rogue at James kaya inunahan ko na silang dalawa. "Hep! 'Wag na muna kayong magsalita. Kumain na lang tayo. Sabi ni mama, quiet daw dapat kapag kumakain," sabi ko na lang. Napatahimik naman silang lahat dahil sa sinabi ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Baka mamaya kung ano pa ang bilhin ng dalawang 'yan para iregalo sa akin. Grabe... Hindi ko inakala na ganito ang mangyayari kapag nagsama ang dalawang ito. Masyado silang competitive kaya masyado akong nalilito sa kanilang dalawa. Ano ba? Team Japet or team Rope? Isa lang talaga ang masasabi ko ngayon... Aurora na sleeping beauty, 'wag ka nang patulog-tulog ahhahah wala ka nang prince charming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD