Chapter 13: Secrets

1689 Words
Hindi ko pa rin makakalimutan 'yung ginawa sa akin ni James kahapon. Sobrang kinikilig pa rin ako. Masyado na siyang sweet. "Anak... Ano na ang update sa mga manliligaw mo?" Tanong ni mama. "Ay... Ang hirap na pong pumili," seryoso 'kong sabi. "Sabi ko naman kasi sa'yo, magpagupit ka na ng buhok. Sayad na sayad na hahahah." Parang ewan din si mama. Akala ko masaya na pinag-aagawan. Masaya naman talaga pero nakaka-stress din naman pala. Nakakaasar... Alam ko na may masasaktan sa kanila kapag pumili na ako ng sasagutin. Tama naman si mama... Mag-enjoy daw muna ako at 'wag masyadong ma-stress. Nagulat ako at bigla na lang tumunog ang doorbell namin. Tatayo sana ako pero naunahan na ako ni mama. "Mama sinong bisita?" Tanong ko. Bumalik naman kaagad si mama. Tinatawanan niya lang ako. "Ano po ang nakakatawa?" Tanong ko. "Nasanay ka na may bisita? Assuming ka rin eh noh? May bill lang ng kuryente hahahah," tumatawa niyang sabi. Nakakaasar! Parang ewan talaga si mama. Siya lang 'yung tao na tuwang-tuwa na pag-tripan ako. "Ano mama? Tapos ka na tumawa?" Inis 'kong tanong. "Joke lang naman, anak! May bisita ka. Si hapon..." Si hapon? Ay si Rogue pala kasi half-Japanese. Lumabas na lang ako at hindi pala binuksan ni mama ang gate. Paglabas ko ng gate ay nakita ko na lang si Rogue na nakatayo at nakangiti sa akin. "Good morning..." Bati ko. Nakatitig lang siya sa akin. Binuksan ko na ang gate para makapasok siya. "Uy Rogue! Bakit nakatitig ka lang sa akin ha?" Tanong ko. "You're hot..." Mahina niyang sabi. Napatitig na lang ako sa sarili ko. Takte! Naka-boxers nga lang pala ako! Nakakahiya! Tumakbo ka lang ako papasok sa kwarto ko at nagsuot ako ng shirt. Grabe... Nakakahiya talaga. Hindi kasi ako mahilig mag-damit sa bahay. Lumabas na kaagad ako sa kwarto pagkatapos 'kong magbihis. "Oh? Why did you change your clothes?" Tanong niya. "Obvious ba? Nakakahiya kaya!" Sabi ko naman. "Hindi ko naman sinabi na magpalit ka eh. Ako nga boxers lang din ang suot kapag bumibisita ka sa condo ko," nakangiti niyang sabi. Tinitigan ako ni mama at nagpipigil siya ng tawa. Napakagat na lang ako sa labi ko. Masyado kang straight forward kung magsalita, Rogue. "Ba-bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko na lang. "I just want to take you somewhere. Promise... Magugustuhan mo," nakangiti niyang sabi. "Take me somewhere? Is it somewhere private? Just the two of us?" Tanong ko ulit. "Yeah... I promise... Mag-eenjoy ka," nakangiti niyang sabi. Napalunok na lang ako. Syete! Somewhere more private? Kaming dalawa lang? Mag-eenjoy ako? Hala! Saan 'yun? "Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Alam ko na iba na naman ang iniisip mo, Peter," biglang sabi ni Rogue. Napanganga na lang ako. Si mama naman ay natawa na lang bigla. Kaasar ka Rogue! Bakit alam mo kung ano ang iniisip ko? Tao ka ba? May special powers ka ba? Ano? Ninja ka? "Tatayo ka na lang ba sa harapan ko o magbibihis ka na?" Tanong niya. "Ay sensya na po!" Bumalik na ulit ako sa kwarto. Naghanda na ako ng susuotin ko at naligo na ako ng mabilis. Nakakapagtaka si Rogue. Paano niya nalalaman kung ano ang iniisip ko? Nakakaasar naman... Wala akong kawala sa kanya. Bawal pala ang naughty thoughts kapag kasama ko si Rogue. Ang hirap naman! Pagkatapos 'kong magbihis ng damit ay lumabas na kaagad ako ng kwarto. "Oh sya... Dalhin mo na ako sa kung saan mo gusto," sabi ko. "Hmmm... Aalis na po kami ni Peter," sabi ni Rogue kay mama. "Oh sige... Mag-iingat kayong dalawa," sabi ni mama. "Don't worry... Safe na safe po sa akin si Peter," nakangiting sabi ni Rogue. Masyado na ba akong maharot o talagang nakakakilig? Kinilig kasi ako sa sinabi ni Rogue hahahah. Sumakay na kami ni Rogue sa purple Lamborgini niya. Masyado siyang mayaman. Nakakaasar... "Kamusta naman ang araw mo kahapon?" Tanong niya. "Hmmm... Ok naman. Masaya..." Sabi ko na lang. Syempre... Bakit ko naman sasabihin sa kanya na magkasama kaming dalawa ni James kahapon diba? Baka magselos din si Rogue. "Masaya? Sino naman ang kasama mo kahapon?" Tanong niya. Syete ka! Ikaw na mismo 'yung gumagawa ng paraan para mag-selos ka eh hahahah. "Si James..." Deretsahan 'kong sagot. "Hmmm... Pwede ko bang malaman kung anong ginawa niyo kahapon? Kung ok lang naman sa'yo." Rogue? Anong ginagawa mo? Hindi ko ma-gets kung ano ang gusto mong ipahiwatig. "Hmmm... Dinala niya ako sa garden of white roses. Siya raw ang gumawa tapos hanggang ngayon maganda pa rin 'yung garden," sabi ko. "Ahhh... Alam mo ba na white roses ang symbolism ng pagmamahalan ni Raypaul at Kith?" Tanong niya. "Huh? Paano mo naman nalaman?" Nagtataka 'kong tanong. "Laging nagku-kwento sa akin si Kith. Lagi daw siyang binibigyan ni Raypaul ng white roses," nakangiti niyang sabi. "Ay ganun ba? Hmmm... Ang sweet naman pala nila," sabi ko na lang. "Binigyan ka ba ni James ng white roses?" Tanong niya. "Hmmmm... Oo..." Alanganin 'kong sagot. "I guess, he is serious in courting you. Don't worry... Seryoso din ako sa'yo," nakangiti niyang sabi. Teka nga... Hindi siya nagseselos? Si James kasi kapag ganyan, selos na selos na 'yun. "Matanong ko lang, bakit yata parang alanganin kang sumagot sa mga tanong ko sa'yo kanina?" Nag-isip ako... Sasagutin ko ba ng totoo ang tanong niya? Wala naman sigurong masama diba? "Hmmm... Baka kasi mag-selos ka," mahina 'kong sabi. "Mag-selos? Kay James ba? Ok lang 'yun! Hindi mo pa naman ako sinasagot kaya wala akong karapatan na mag-selos. Kapag naging tayo, doon na ako mag-seselos," nakangiti niyang sabi. Aaawwww... Masyado ka namang sweet at sincere. Nakakainis... Lalo akong nahihirapan na pumili. Si James, seloso pero nakakakilig. Gusto ko rin ng seloso kasi ang cute tignan. Si Rogue naman, sobrang sincere at 'yun ang gusto ko sa kanya. Nakakaasar na! Nahihirapan na talaga akong pumili sa kanila. Bawal bang spin the bottle na lang? Hahahah. Maya-maya ay nakarating na kaming dalawa ni Rogue sa baba ng burol. Nagtataka ako kung bakit huminto na kaagad kami. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "Doon... Sa taas ng burol," sabi niya. Naglakad na kaming dalawa. Malamig ang hangin dito. Habang naglalakad ay medyo napapagod ako. Ganyan talaga... Tamad akong maglakad. "Pagod ka na ba?" Tanong ni Rogue. "Hindi naman..." Sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Nagulat ako at bigla niya akong binuhat. 'Yung buhat na pang-kasal. "Uy Rogue! Ibaba mo ako! Kaya ko naman maglakad," sabi ko. "No... Baka mapagod ka lang eh. Mas gusto ko rin na buhatin ka," sabi niya at binigyan niya ako ng pamatay na ngiti. Kaasar ka! Masyado kang nakakakilig! Tinago ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya at alam 'kong pulang-pula na ang mukha ko. Maya-maya ay binaba na rin niya ako. Naglatag siya ng tela at may mga pagkain din. Nasa tuktok kami ng burol at may malaking puno. "Wow... Ang ganda naman dito," sabi ko na lang. Malamig ang hangin tapos ang lawak ng bermuda grass. Peaceful na peaceful ang lugar. Walang ibang tao. Tama nga si Rogue... Dadalhin niya ako sa somewhere more private. Just the two of us at mali ang iniisip ko kanina hahhahah. "Ang ganda naman dito Rogue. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" "Hmmm... Dito rin kasi dinadala ni Raypaul si Kith dati. Nagandahan ako sa lugar na ito. Sabi ko sa sarili ko, dadalhin ko dito ang taong mamahalin ko ng totoo," nakangiti niyang sabi. Ano ba Rogue? 'Wag mo naman masyadong galingan! Hahahah. "Tignan mo 'yung puno..." Tumingin ako sa puno at may nakalagay na Raypaul love Kith. Totoo nga na dito sila pumupunta dati. "Balang araw, kapag sinagot mo ako ay pangalan naman natin ang ilalagay ko diyan," sabi niya. Feeling ko tuloy ay namumula na ang buo 'kong mukha dahil sa sinabi niya sa akin. Masyado mo nang ginagalingan! "If I'll compare you to something, I'll choose, bullet proof vest," sabi niya. "Huh? Bakit naman?" Tanong ko. "Because you're keeping me safe and secure, somehow," sabi niya. Napangiti na lang ako. Masyado na talaga niyang sweet sa akin. "Ang sweet naman, bakit meron pang somehow?" Tanong ko. "Because they might shoot me in my head, pero hindi nila alam, ikaw lang din ang laman niyan..." Napakagat na lang ako sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Kaasar naman talaga! Sobrang sweet niya. "Hmmm... Matanong ko lang, bakit yata parang alam mo ang iniisip ko? You know, kapag may iba akong iniisip?" Tanong ko. "I can read you like a book. Madali lang naman. Nakikita ko sa mga mata mo," sabi niya. "Huh? Grabe naman... 'Di ko naman yata kaya 'yun eh!" Sabi ko. "Namana ko yata kay dad. He can read and manipulate people," sabi niya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" "Malupit ang dad ko. Yakuza siya... Pamilya ang dahilan kaya hindi kami nagkaroon ng chance ni Kith dati," nakangiti niyang sabi. "Kung ganun... Paano ako? Paano kapag sinagot kita?" Tanong ko. "It's not a problem. Ipaglalaban kita kahit kanino. This time, I will do everything for someone that I love," nakangiti niyang sabi. Rogue! Behave! Masyado na akong kinikilig! Tama na kasi! "Alam mo Peter... Kung si James kagaya ni Raypaul na seloso, pervert pero seryoso din naman. Ako, kagaya ako ni Kith. Seryosong-seryoso ako. I will give everything. I can do everything... Everything," seryoso niyang sabi. Everything means all. Lahat talaga kaya niyang gawin para sa akin? Lahat kaya niya? Alam ko kung gaano kalaki ang sinakripisyo ni Kith para kay Raypaul. Sure talaga si Rogue na parehas sila ni Kith kung magmahal? Nabigla ako... Parang bigla na lang may umihip na hangin sa batok ko. "Tignan mo... Ang ganda ng langit," sabi ni Rogue. Tumingin ako... Namangha ako sa kulay ng paligid. Halos maging kulay ginto ang mga damo dahil sa paglubog ng araw. "Ang ganda..." Sabi ko na parang wala sa sarili. Sobrang ganda ng sunset. Sobrang ganda... Hindi ko alam na may ganito pala kagandang lugar. Ang lamig ng hangin at payapa. "Salamat sa pagdala mo dito sa akin. Siya nga pala, malapit na ang birthday ko. Sana pumunta ka," sabi ko sa kanya. "Oo naman! Syempre pupunta ako," nakangiti niyang sabi. Tumingin ulit ako sa paligid. Napakaganda... Gustong-gusto ko sa lugar na ito. Payapa at tahimik. "Sana ay ako ang piliin mo. Don't worry... Kahit naman si James ang piliin mo, hindi ako magagalit. It's your decision. Rerespetuhin ko 'yun. Pero sana... Ako ang piliin mo. I will give my best," seryoso niyang sabi. Nakita ko na naman siyang seryoso. Hindi ko alam kung bakit pero natulala ako sa sinabi niya. Sobrang seryoso ng pagkakasabi sa akin ni Rogue. Napangiti na lang ako. Nakita ko na naman ang pagiging seryoso niya. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya ka-seryoso sa akin. Ngayon sure na ako. Sure ako na natakot sa akin si Fiona kaya si Shrek na lang ang pinili niya hahahah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD