Chapter 12: Love?

1756 Words
Natapos na naman ang isang linggo na puno ng paglalandi este... Pagtatrabaho pala hahahah. Day off ko na naman ngayon at nasa bahay lang ako. Umiinom lang ako ng kape. Masaya naman ngayon. Masyadong peaceful... Naguguluhan na rin ang utak ko. Gustong manligaw ni James tapos gusto ring manligaw ni Rogue. Nakaka-stress din pala... Akala ko masaya. "Anak... Ang lalim ng iniisip mo ah," sabi ni mama. Nginitian ko na lang si mama at tinitigan niya ako. "Anak... Iniisip mo si Rogue at James ano? Kahit sino naman ang piliin mo sa kanila, hindi ka lugi," natatawang sabi ni mama. "Tingin mo mama, sinong mas bagay sa akin?" Tanong ko. "Hmmm... Hindi ko masasabi eh. Isipin mo na lang kung kanino ka mas masaya," sabi ni mama. Teka... Kanino nga ba ako mas masaya? Si James kasi medyo manyakis pero 'yun din ang nagdadagdag ng ka-gwapuhan sa kanya. Malakas ang charisma si James. Maginoo pero sobrang bastos, si James 'yun. Si Rogue naman 'yung mysterious type tapos sobrang gentleman. Nakakakilig siya kasi sobrang sincere ng mga actions niya sa akin. Si Rogue din 'yung tipong... I can buy you, your friends and this whole archipelago. Alam ko na kayang ibigay ni Rogue ang lahat ng gusto ko. Pero si James, ganun din naman siya. "Aaaarrrggghhh!" Sigaw ko. Tinitigan ako ni mama. Syete! Napasigaw ako eh nakatitig pala si mama. Nakakahiya tuloy! Tinawanan na lang ako ni mama. "Anak... 'Wag ka masyadong yumuko. Baka sumayad 'yung buhok mo sa kape. Ang haba eh..." Sabi ni mama sabay tawa. Sinibangutan ko na lang si mama hahahah. Nakakaasar din eh! Ang hirap naman... Alam ko na dadating ang araw na kailangan 'kong pumili. Anong gagawin ko? Spin the bottle na lang? Hahahahhah. "Ikaw mama? Kanino ba ang boto mo doon sa dalawa?" Tanong ko. "Hmmm... Ok lang naman kahit sino ang piliin mo. Parehas ko silang gusto para sa'yo. Mukha namang matino 'yung mga manliligaw mo," sabi niya. Nakakaasar... Hindi rin concrete ang sagot ni mama. Wala kasing nakakalamang sa kanila. Parehas silang nakakaangat sa sarili nilang paraan. "Anak... Ang sarap ng ramen na bigay ni Rogue," sabi ni mama habang kumakain. Halos mag-freak out din si mama kasi inuwi ko 'yung isang maleta na pasalubong ni Rogue galing Japan. Ang hirap naman pumuli. Pwede bang mag-jack n poy na lang silang dalawa? Hahahah. "Paano ko ba malalaman kung sino ang dapat para sa akin?" Tanong ko. "Kapag namimiss mo siya palagi. Kapag nasasaktan ka kapag wala siya sa'yo. Kapag hindi ka natatakot kapag kasama mo siya. Kapag kaya mong gawin ang lahat kapag nandiyan siya. Kapag handa kang ialay ang lahat para sa kanya at kapag handa kang ipaglaban siya," seryosong sabi ni mama. "Naks! Ang lalim nun ah! Hugot na hugot! Six feet underground hahahah," sabi ko sabay tawa. "Sige... Tawa ka ng tawa diyan. Balang araw maaalala mo rin ang mga sinabi ko sa'yo," sabi niya. "Oo na lang po..." Sagot ko. Ang bastos ng pagkakasagot ko diba? Hahahah. Parang tropa lang kasi kami ni mama. "Basta anak... Mag-enjoy ka muna ngayon. 'Wag mo masyadong isipin 'yung dalawa," sabi ni mama. Ngumiti na lang ako kay mama. Mabuti na lang at may mama ako na napag-sasabihan ko ng lahat. "Wala ba 'yung mga manliligaw mo ngayon? Dapat inaaya ka nila kasi off mo naman." "Ay hindi ko po alam. Baka mamaya bigla na lang may sumulpot diyan sa gate natin," natatawa 'kong sabi. Bigla na lang tumunog ang door bell namin. Ayan na nga! Tatayo na sana ako pero pinigil ako bigla ni mama. "Ako muna ang haharap hhahahah," sabi ni mama. Inubos ko na lang ang kape ko. Pagpasok ng bisita ay halos maibuga ko ang ininom 'kong kape. "Oh anak? May bago kang manliligaw?" Tanong ni mama. Nakita ko si Dr. Luther na may dalang bouquet ng white roses kaya napanga-nga na lang ako bigla. Nakangiti lang sa akin si doc. "Ba-bakit nandito ka doc?" Tanong ko. "Off ko ngayon..." Nakangiti niyang sabi. Napatitig na lang ako sa dala-dala niyang bouquet ng white roses. "Para sa'yo nga pala..." Sabi niya sabay abot ng bouquet. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kung ano ang ginagawa niya. Teka nga... Ganito na ba talaga kalakas ang alindog ko? "Ok... Bago ka mag-react, hindi kita nililigawan. Pinapabigay lang 'yan sa akin ni James," sabi niya. Burn! Hahahah. Jusko! Akala ko pa naman manliligaw din siya. Mabuti na lang at hindi. "Ehem! Umasa! Ehem!" Umuubong sabi ni mama. Napatitig na lang ako ng masama kay mama. Natatawa lang siya. "Pakisabi na lang kay James, salamat. Mama, siya nga po pala si Dr. Luther. Pinsan po siya ni James," nakangiti 'kong sabi. "Ikaw na ang magsabi. Pumunta rin ako dito para sunduin ka," sabi niya. "Sunduin ako? Bakit naman?" Nagtataka 'kong tanong. "Basta... Pinapasundo ka sa akin ni insan. Magbihis ka na kaya," sabi niya. Napatitig na lang ako sa sarili ko. Takte! Nakakahiya! Naka-boxers lang pala ako. Tumakbo na lang ako papunta sa kwarto ko. Naghalungkat ako ng maayos na damit. Mabuti na lang at may binili ako kahapon. Tattered pants tapos muscled shirt ang suot ko. Dapat maayos akong pumorma kasi model ako. Tumingin ako sa salamin... "Alam ko na kung bakit pinag-aagawan ka," sabi ko sa salamin. "Kasi ang gwapo mo!" Sabi ko sabay tawa ng malakas. Bigla na lang akong kinilabutan dahil sa sinabi ko hahahah. Nagpabango na lang ako tapos lumabas na ako ng kwarto. "Naks! Ang angas ng porma ah," sabi ni doc. "Dapat lang... Model ako eh," natatawa 'kong sabi. "Oh siya sige na... Umalis na kayo. Mag-ingat kayong dalawa," sabi ni mama. May kotse din pala si Luther. Bakit? Bakit ako na lang yata ang walang kotse? Hahahah. Habang nagmamaneho si Luther ay sinubukan ko na lang na kausapin siya. "Hmmm... Close talaga kayo ni James?" Tanong ko. "Yeah... Pati si Raypaul, close kami. Parang kuya ko na sila," sabi ni doc. "Doc... Ikaw ba? May nililigawan ka ba ngayon?" Tanong ko. "Wag mo ako tawaging doc. Wala tayo sa hospital hahahah. About doon sa tanong mo, na-basted ako eh," natatawa niyang sabi. "Ahhhh... Ang sad naman," pang-asar 'kong sabi. Tinawanan na lang niya ako ng mahina. May hawig pala kay Jake Ejercito si Luther na parang medyo Shawn Mendes. "Sana maging kayo ni James. Bagay naman kayong dalawa," sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi ni Luther. "Sino naman 'yung nililigawan mo dati? Kamusta na siya?" Tanong ko. "Ah... Si Cyril. Mas maputi 'yun ng limang beses sa'yo. Para siyang si Wayo ng 2 Moons. Kasal na siya sa bestfriend ko na lalake din," sabi niya. 2 Moons? Ano 'yun? Hahahha hindi ko alam 'yun eh. Grabe naman... Totoo talaga? Ang puti ko na nga tapos mas maputi daw ng limang beses sa akin? Multo lang? Hahahah. "Kapag bumisita 'yung dalawa sa hospital, ipapakilala kita," sabi niya. "Ay sige..." Sabi ko na lang. "Siguro maganda talaga si Cyril ano?" Tanong ko. "Anong maganda? Lalake 'yun..." Sabi niya. Huh? Lalake? Ibig sabihin bisexual din itong si Luther? Ay hahahahhah. Nasa dugo na yata nilang magpipinsan. "Diba pinsan mo naman si Raypaul? Bakit hindi ka pumunta sa kasal niya?" Tanong ko. "Invited ako sa kasal nila Raypaul at Kith kaso lang hindi ako nakapunta kasi nasa Amsterdam ako. Halos sabay kasi sila ng kasal ni Cyril at Eros. Sobrang nahirapan akong pumili kung saan ako pupunta," sabi ni Luther. "Ay ganun ba? Eh bakit mo naman pinili 'yung kasal ni Eros at Cyril?" Tanong ko. "Best man kasi ako. Mag-bestfriend kasi kami ni Eros," sabi niya. "Ouchy..." Sabi ko. "Huh? Anong ouchy?" "Kasi bestfriend mo si Eros tapos naging sila nung nililigawan mo tapos ikaw pa ang best man sa kasal nila," sabi ko. "Hahahahhah. Ayos lang! Masaya ako para sa kanila. Kitang-kita ko naman na meant to be sila. Sino ba naman ako para humadlang? Besides, naniniwala ako na may dadating din para sa akin," sabi niya. "Yeah... Malay mo next time, ikaw naman ang pag-agawan," sabi ko. Ngumiti na lang siya sa akin at huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. "Nandito na tayo," sabi ni Luther. "Ano naman ang ginagawa natin dito?" Tanong ko. "Bahay namin ito," sabi ni Luther. "Huh? Eh bakit dinala mo ako dito?" Tanong ko. Nagulat ako at hinatak na lang niya ako papasok sa loob. Maganda sa bahay nila. Malawak tapos presko sa paningin. "Oh paano? Hanapin mo na lang si James. Sundan mo ang mga petals diyan. Aalis na ako," sabi niya. Tumakbo na lang palayo si Luther tapos nawala na siya sa paningin ko. Tumingin ako sa harapan ko at may nakita akong nakakalat na mga petals ng white roses. Ang sweet naman... Parang gusto 'kong walisin hahahah joke! Sinundan ko na lang 'yung mga petals at papunta pala 'yun sa garden. Napako ang tingin ko sa garden. Ang ganda... Sobrang ganda. Puro white roses ang nakatanim doon sa garden. Nakita ko si James na nakatayo doon. "Kanina pa kita hinihintay," nakangiti niyang sabi. Ang ganda dito... Ang daming bulaklak. Napangiti na lang din ako. "Originally, si Alexa ang nagpagawa sa akin nito dati. Sabi ko sa sarili ko, dadalhin ko dito ang taong mahal ko. Ikaw 'yun Peter..." Sabi niya. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Mahal niya ako? 'Yan 'yung mga kataga na gusto 'kong marinig noon. "Hmmm... Ang ganda dito. Salamat at dinala mo ako," sabi ko. Hinawakan na lang ni James ang kamay ko. Ang init ng mga palad niya. "Ayos lang ba kung sumayaw tayo?" Tanong niya. Tumango na lang ako sa kanya. Bigla na lang may tumugtog sa kung saan. Little Things 'yung tugtog. Kaasar! Ang sweet ni James! Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko habang sumasayaw kami. "Bakit nga pala dito ka nagtanim ng white roses sa bahay nila Luther?" Tanong ko. "Ah... Wala na kasing space 'yung garden sa bahay. Nung kalilipat lang nila dito, wala pang nakatanim kaya ako na lang ang umayos," sabi niya. Infairness... Ang ganda talaga ng garden na 'to. Parang peaceful tapos puro white roses ang makikita mo. "Alam mo... Ako ang nag-maintain ng garden na ito. Hinintay ko talaga ang araw na madala kita dito," sabi niya. Ngumiti na lang ako. Why so sweet Jaime? Nakakakilig hahahah. "Alam ko na babaero ako noon pero nagbago ako dahil sa'yo. Na-realize ko na kahit pala ilang babae ang dumating sa buhay ko, hindi ka pa rin mawala sa isip ko. I learn how to embrace my feelings for you. Mahal kita Peter. Mahal na mahal kita noon pa. Pasensya na kung natakot ako na mahalin ka noon. Ngayon... Alam ko na ikaw lang ang magpapasaya sa akin. Sa'yo lang ako naging masaya at kuntento," seryoso niyang sabi. Napakagat na lang ako sa labi ko. Sobra na akong kinikilig sa ginagawa niya. James! Behave nga! 'Wag mo masyadong galingan! Feeling ko tuloy ay may kabayo na tumatakbo sa dibdib ko sa lakas ng kabog. Pagkatapos huminto ng tugtog ay hinalikan niya ang kamay ko at... "If nothing lasts forever, will you be my nothing?" Seryoso niyang tanong. Ang corny... Pero kinilig ako! Bakit ganun? Nakakainis hahahah. Ngumiti na lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Inaamin ko na masayang-masaya ako sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD