Masaya ang date ko kahapon sa simbahan kay James. Medyo nakakapagtaka lang si lola.
Hay naku! Dapat hindi ko na iniisip ang sinabi ni lola. Alam ko naman na hula niya lang 'yun.
Nagbihis na ako ng maayos na damit. Ngayon ang pictorial para sa magazine next month.
Pumunta na kaagad ako sa hotel. Doon kasi ang pictorial.
Pagdating ko sa hotel ay sinalubong kaagad ako ng mga stylists. Binihisan na nila ako ng susuotin ko para sa pictorial.
Nagsimula na kami at ok naman ang mga shots sa akin. Pagkatapos ng pictorial ay nabigla ako dahil sumalubong kaagad sa akin si Rogue.
May dala siyang bottled water at inaabot niya sa akin.
"Hi Peter... Ang gwapo mo sa pictorial. Kanina pa ako nanunuod. Inom ka muna..." Nakangiti niyang sabi.
"Oh... Akala ko ba nasa Japan ka?" Nagtataka 'kong tanong.
"Yeah... Nasa Japan nga ako kahapon. Kakauwi ko lang kagabi," nakangiti niyang sabi.
Kaasar... Ngiti na siya ng ngiti sa akin. Dati ay seryoso lang siya pero ngayon, lagi na siyang nakangiti. Ang gwapo niya kaasar!
"Paano mo naman nalaman na may pictorial ako ngayon dito?" Tanong ko.
"Hmmm... I asked help from Kith," nahihiya niyang sabi.
Ay oo nga pala... Close na close sila ni Kith. Sa company kasi ni Kith ang pictorial ko. Endorser niya ako ng casino niya.
"Ayos lang ba kung dumaan ka mamaya sa condo ko?" Tanong niya.
"Huh? Ok lang naman... Bakit?"
"May binili kasi akong pasalubong sa'yo galing Japan. Kunin mo sa condo ko o ipapadala ko sa bahay niyo?"
Ang sweet naman... Galante pala si Rogue.
"Sige... Sasama ako sa condo mo mamaya," sabi ko.
Nang matapos na ang pictorial ay pumunta na kaming dalawa sa condo niya. Umupo muna ako sa sofa.
"Wait lang Peter... Kukunin ko lang sa kwarto 'yung mga pinamili ko para sa'yo," nakangiti niyang sabi.
Sandaling umalis si Rogue. Nagulat ako dahil pagbalik niya ay may dala siyang malaking maleta.
"Mukhang marami ka yatang pinamili," sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin. Nilapag niya ang maleta sa harapan ko. Nagulat ako at tumambad sa akin ang laman ng maleta.
Puno ng chocolates, ramen, pabango, sabon tapos mga chips galing Japan.
"A-Ang dami naman niya... Marami ka bang pagbibigyan?" Alanganin 'kong tanong.
"Huh? Para sa inyo 'yan ng mama mo," sabi niya.
Napanga-nga na lang ako sa sagot niya. Grabe... Isang malaking maleta tapos punong-puno pa ang laman tapos ibibigay niya lahat sa akin.
"Wala ka bang ibang pagbibigyan? Ang dami naman masyado ng laman. Baka maging chocolate na rin ang dugo ko," natatawa 'kong sabi.
"Do you think may iba akong kaibigan dito sa Manila? Wala naman akong ibang pagbibigyan. Sa'yo lahat 'yan. Kung gusto mo, ibigay mo 'yung iba sa mga kaibigan mo or work mates," nakangiti niyang sabi.
"Grabe... Nakakahiya naman. Bakit naisipan mo akong bigyan ng ganyan?" Tanong ko.
"Wala... Gusto ko lang," sabi niya.
Gusto niya lang? Iba na 'to. Hindi ako naniniwala na gusto niya lang. Baka naman gusto niya ako. Hahahahhah.
Ayokong maging feeler! Kailangan ko na siyang komprontahin! Dapat ko na siyang paaminin kung gusto niya ako.
"Hmmm... Rogue... I think sobra naman yata ang phrase na 'gusto mo lang' para bigyan mo ako niyan. Ayoko naman maging feeler pero... Aminin mo nga, may iba ka bang motibo?" Seryoso 'kong tanong.
Huminga lang siya ng malalim. Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.
Syete! Nakakakilig si Rogue! Nakatitig siya sa mga mata ko.
"Hmmm... I like you. Sana ay hayaan mo ako na gawin 'to. You're special to me. Alam mo... Nung nasa Japan ako, hindi ka na mawala sa isip ko," nakangiti niyang sabi.
Nakakainis! Pigilan niyo ako! Tatalon na ako sa bintana! Kinikilig ako kaasar!
"Please... Kung ayos lang sa'yo, pwede ba kitang ligawan?" Seryoso niyang tanong.
Napalunok ako... Feeling ko ay namumula na ang mukha ko. Grabe ka Rogue! Nakakainis! Ang sweet mo!
Dapat medyo pa-virgin muna ako ng kaunti hahahah.
"Hmmm... Si-sige... Ikaw ang bahala," sabi ko na lang.
Nakakainis! Nakakainis ako! Masyado na yata akong pabebe.
"Salamat Peter... I'm not gonna waste this chance. Sisiguraduhin ko na hindi ka magsisisi na pinagbigyan mo ako," nakangiti niyang sabi.
Maya-maya ay hinalikan niya ng mariin ang kamay ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.
Nakakainis ka Rogue! Bakit ganito ka ka-sweet? Bakit ganito ka ka-gentleman? Masyado kang pa-fall!
"Hmmm... Matanong lang kita, bakit nga pala ako? Bakit ako? I mean... Oo gwapo ako pero, ano ba kasi ang nagustuhan mo sa akin?" Tanong ko.
"Hmmm... I don't know exactly. Basta masaya ako kapag nandiyan ka. Lagi akong napapangiti kapag kasama kita. You know... My life is too boring. Gusto ko lang na maging masaya at nararamdaman ko na masaya ako kapag kasama kita," sincere niyang sabi.
Grabe... Masyado siyang sincere. Masyado siyang seryoso. Masyado siyang nakakakilig.
"Hmmm... Diba nagkagusto ka dati kay Kith? Matanong ko lang, hindi mo ba siya niligawan?" Tanong ko.
"Hindi... Hindi rin kasi kami pwede. Malupit ang pamilya namin. Don't worry! Kung sakaling sasagutin mo ako, ipaglalaban kita," seryoso niyang sabi.
Seryoso nga talaga siya sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko inakala na magiging ganito kami ka-close ni Rogue. Dati, hindi siya namamansin.
"Ikaw naman... May iba bang nanliligaw sa'yo?" Seryoso niyang tanong.
Napalunok na lang ako. Ok lang ba kung sabihin ko sa kamya na nililigawan din ako ni James?
Kaasar! Ayoko namang magsinungaling sa kanya.
"Hmmm... Oo..." Alanganin 'kong sabi.
Umiwas na lang siya ng tingin. Kita ko sa mga mata niya na nalungkot siya dahil sa sinabi ko.
"Correct me if I'm wrong... Si James 'yung isa mong suitor?" Seryoso niyang tanong.
Tumango na lang ako sa kanya. Maya-maya ay ngumiti din siya sa akin.
"Ok... May rival pala ako sa'yo. Hindi ako marunong magpatalo," seryoso niyang sabi.
Grabe... Determinado talaga si Rogue. Nakakainis! Bakit? Bakit ang haba ng buhok ko?
"Peter... May itatanong sana ako. Ok lang naman kung hindi mo sagutin," sabi niya.
"Ano 'yun?"
Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.
"Do you still have feelings for James?" Seryoso niyang tanong.
Napalunok na lang ako... I don't exactly know kung may feelings pa ba ako kay James. Teka nga... Gusto ko pa ba si James?
"Hmmm... I don't know," alanganin 'kong sagot.
Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko. Grabe... Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano mag-isip si Rogue.
"Ok... Ang mahalaga, may pag-asa ako sa'yo," sabi niya at ngumiti na siya.
Napakagat na lang ako sa labi ko. Masyado siyang sweet. Masyado siyang gentleman. Masyado siyang honest sa nararamdaman niya.
Hindi talaga malabo na magkagusto rin ako kay Rogue.
"Hmmm... Peter. Kung sakaling magkatuluyan tayo, saan mo ba gustong ikasal?" Tanong niya.
Grabe... Kasal agad? Anong kasunod nito? Tatanungin mo na rin ako kung saan tayo mag-honeymoon? Hahahah.
"Teka nga... Nakikita ko sa mga mata mo, iniisip mo honeymoon agad," seryoso niyang sabi.
Syete! Paano mo nalaman? Ninja ka ba Rogue? Nakakainis!
"Hoy hindi ah!" Sabi ko.
Tinawanan niya lang ako ng mahina. Halatang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko.
"Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko sa'yo," sabi niya.
"Alin? 'Yung honeymoon? Este! 'Yung wedding?"
Natatawa lang siya sa akin tapos tumango na siya.
"Hmmm... Gusto ko pa rin sa church. Kahit gay wedding, gusto ko pa rin maranasan na humarap sa altar," seryoso 'kong sabi.
Ngumiti lang siya sa akin. Nakakainis... Masyado siyang sweet. Kinikilig talaga ako...
"Bakit Rogue? Ikaw naman... Ano ang gusto mo?" Tanong ko.
"Hmmm... Ang gusto ko lang ay maging masaya ang taong mahal ko. Kung ano ang gusto niya, 'yun na rin ang gusto ko," nakangiti niyang sabi.
Napakagat na lang ako sa mga labi ko. Masyado siyang sweet! Nilalanggam na yata kami.
"Mamaya nga pala, may pupuntahan tayong dalawa kung ok lang sa'yo," sabi niya.
"Huh? Saan naman?"
"Basta... 'Wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na matutuwa ka," nakangiti niyang sabi.
Pagkatapos naming maglandian, este! Maglambingan pala! Kumain na kaming dalawa ni Rogue.
Sumakay ulit ako sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Baka sa hotel na? Hahahaha joke!
Tahimik lang si Rogue tapos nakangiti lang siya sa akin habang nagda-drive siya ng kotse. Medyo malayo rin pala ang pinuntahan namin.
Maya-maya ay huminto kaming dalawa sa isang park.
Napatingin na lang ako sa paligid. Ang lamig ng hangin tapos malawak. Presko ang paligid. Medyo hapon na rin.
"Hmmm... Nagustuhan mo ba dito?" Tanong niya.
"Oo..." Sagot ko at ngumiti ako.
"Halika... Sumama ka sa akin," sabi niya sabay hatak ng kamay ko.
Huminto kaming dalawa ni Rogue sa tapat ng isang fountain. Marami ring tao na nanunuod. Umupo na lang kaming dalawa.
"Magugustuhan mo 'to Peter," nakangiti niyang sabi.
Maya-maya ay may tumugtog nang malakas. Biglang bumuga ng malakas na tubig 'yung fountain tapos may color 'yung lights.
"Wow! Ang ganda!" Natutuwa 'kong sabi.
Fountain show pala ang pinuntahan naming dalawa ni Rogue. Natutuwa ako... First time 'kong makanuod ng ganito.
Ang ganda ng lights... Sumasabay 'yung mga ilaw sa bawat pagbuga ng tubig.
Napapangiti ako... Sobrang precise ng pakakabuga ng tubig kasabay ng mga ilaw. Ang sarap... Sa mata.
"Peter..." Sabi ni Rogue.
Tumingin na lang ako sa kanya at nakangiti lang ako.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
"Oo naman! Sino ba namang hindi! Nakaka-enjoy panoorin!" Nakangiti 'kong sabi.
"Salamat naman at natutuwa ka. 'Yung pagmamahal ko sa'yo, parang patak din ng tubig," sabi niya.
"Huh? Bakit naman?"
"Sa isang patak ng tubig, nabuo ang ulan. Sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha. Sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo. Sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao. Parang ikaw... Sa isang ngiti mo, nabuo ang puso ko," nakangiti niyang sabi.
Napakagat na lang ako sa mga labi ko. Ang sweet niya... Nakakainis! Kinikilig ako sa banat niya.
Nyeta ka Rogue! Masyado ka nang sweet. Hahahahah hindi ko alam na ganito pala siya.
Pagkatapos naming manuod ni Rogue sa fountain show ay naglakad-lakad na lang kami sa park. Kumain kaming dalawa ng ice cream kahit medyo madilim na.
"Hmmm... Kanina nung tinitignan kita habang nanunuod ng fountain show, ang ganda ng mga ngiti mo. Sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para palagi 'kong nakikita na nakangiti ka," seryoso niyang sabi.
Napangiti na lang ako. Nakakaasar! Kanina pa ako kinikilig sa kanya.
Nilalanggam na talaga ako hahahah masyado siyang sweet.
"Salamat Rogue... Nag-enjoy talaga ako na kasama ka ngayong araw," sabi ko.
"Ako din nag-enjoy sa panunuod ng fountain show kasama ka. Alam mo kung saan ako mas nag-enjoy?" Tanong niya.
"Saan?"
"Mas nag-enjoy akong panuorin ka," sabi niya.
Ano ba Rogue! Masyado kang pa-fall! Natahimik na lang ako. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buo 'kong mukha dahil sa sinabi niya.
Ayoko naman bumigay kaagad pero bakit ganito siya? Marupok ako eh hahahah.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na naman niya ako sa bahay.
Inaamin ko na masayang-masaya ako ngayong araw dahil kay Rogue.
Ang hirap naman mamili... Si James medyo naughty at asset niya 'yun. Si Rogue naman, sobrang gentleman at sobrang nakakakilig.
Akala ko ay gusto ko pa rin si James pero ngayon, inaamin ko na! Nagugustuhan ko na rin si Rogue.
Kaasar! Ang hirap naman mamili sa kanilang dalawa!
Ano Ariel? 'Wag mo na pangarapin na magkaroon ng mga paa. Umuwi ka na, may nanalo na hahahhah