Wala akong pasok ngayon sa trabaho. Nasa bahay lang ako at umiinom ako ng kape. Mabuti na lang at walang masyadong stress.
Maya-maya ay bigla na lang tumunog ang phone ko dahil may nag-text. Kinuha ko naman kaagad at binasa ko.
.....
From: James
Hi Peter! Linggo ngayon... Ok lang ba kung magsisimba tayong dalawa?
.....
Naks! Hahahah dadalhin kaagad ako sa simbahan ni James? Ano? Pakakasalan na ba niya ako kaagad? Hahahah. Ang landi ko rin.
Nag-reply naman ako kaagad sa kanya at pumayag ako.
Uminom na lang ulit ako ng kape. Mamayang hapon pa siguro pupunta si James para sunduin ako.
Nagulat ako at bigla na lang may lumabas sa cr namin. Halos maibuga ko ang kape nang makita ko si James.
"Hoy James! Kanina ka pa nandito sa bahay?" Gulat 'kong tanong.
"Yeah..." Nakangiti niyang sabi.
Pinapasok na yata siya ni mama habang natutulog pa ako.
"Eh bakit naisipan mo pa akong i-text kung kanina ka pa pala nandito?" Tanong ko.
"Wala lang... Gusto lang kita i-text," nakangiti niyang sabi.
Nakangiti lang siya sa akin. Kaasar! Bakit pangiti-ngiti ka James? Nakakainis... Ang gwapo niya habang nakangiti sa akin.
"Ay wait lang Peter... May kukunin lang ako sa kotse," sabi niya.
Nagmadali na siyang lumabas. Parang ewan si James. Masyado siyang masaya. Ang weird... Ganito ba talaga kalakas ang tama ko sa kanya?
Well... Iba talaga ang alindog ni Pedro hahahahah. Oopppsss! Walang kokontra kung ayaw niyong matuka ng manok ni Pedro bwaahahahah.
Pagbalik ni James ay may dala siyang boquet ng white roses. Ang ganda ng mga rosas at inaabot niya 'yun sa akin.
"Para sa akin ba 'yan?" Nagtataka 'kong tanong.
Tanga-tangahan lang ako? Of course para sa akin. Sino pa ba ang ibang gwapo dito bukod sa akin? Hahahaha ang yabang ko.
Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Kinuha ko na lang ang white roses at inamoy ko. Ang bango... Napangiti na lang ako.
"Nagustuhan mo ba Peter?"
"Oo naman... Ang bango... Natutuwa ako. Salamat James," nakangiti 'kong sabi.
Inaamin ko na kinikilig na ako sa ginagawa sa akin ni James.
"Bakit mo nga pala naisipan na bigyan ako ng boquet na white roses? Hindi naman ako babae," sabi ko.
"Ano ka ba? Diba sabi ko liligawan kita? I'm doing this because I love you so much. Gusto ko na hindi ako malamangan ni Rogue," seryoso niyang sabi.
What the heck! Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya? Alam niya ba na nililigawan ako ni Rogue? Teka nga... Hindi naman ako nililigawan ni Rogue.
"Uy teka... Hindi ako nililigawan ni Rogue," sabi ko.
"Oh really? Akala mo ba hindi ko alam? Minsan hinahatid at sinusundo ka niya sa trabaho mo. What should I think? Diba panliligaw ang tawag doon?" Inis niyang sabi.
Bakit ganyan siya? Para siyang naiinis pero ang cute niyang tignan. Tinitigan ko na lang siya at napangiti ako.
"Wait... James, are you jealous?" Deretsahan 'kong tanong.
Kumunot lang ang noo niya at umiwas siya ng tingin.
Nakakatuwa naman... Ang cute niya pala kapag nagseselos. Siguro nasa lahi na talaga ng mga Velasco ang seloso. 'Yung pinsan niya kasi na si Raypaul, seloso rin.
"Paano mo nga pala nalaman na hinahatid sundo ako ni Rogue minsan?"
"Luther told me..." Mahina niyang sabi.
Ay nakalimutan ko... Oo nga pala! Magpinsan din sila ni Dr. Luther.
"Wala namang sinabi si Rogue na liligawan niya ako. We're just friends. Nasa Japan nga siya ngayon eh," nakangiti 'kong sabi.
Hindi na siya umiimik tapos ang sama ng titig niya. Kahit masama ang tingin niya ay parang harmless siya. Lalo akong natutuwa sa kanya.
"Please... Stop being jealous," nakangiti 'kong sabi.
Kinagat na lang niya ang labi niya. Grabe hahahah. Hindi ko alam na sobrang seloso nitong si James. Nililigawan pa nga lang niya ako, seloso na siya.
"Peter... May pag-asa ba ako sa'yo?" Seryoso niyang tanong.
"Anong klaseng tanong 'yan? Papayagan ba kita na manligaw kung wala kang pag-asa?" Sabi ko.
Ngumiti na lang siya sa akin. Ang gwapo talaga nitong si James.
"Maligo ka na kaya... Magsisimba tayo diba?"
"Ay oo nga pala! Sige... Maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako," sabi ko.
"Oo nga anak. Maligo ka na muna. Puro ka landi diyan eh," biglang sabi ni mama sabay tawa.
"Mama naman!"
Ok... I admit it. Malandi na kung malandi hahahah proud ako!
"Ayaw mo ba na paliguan na kita?" Sabi ni James at ngumiti siya ng nakakaloko.
Wait lang... Ito na, maghuhubad na ako hahahahha joke!
"Wag ka ngang pervert!" Inis 'kong sabi.
Kaasar ano? Iba 'yung sinasabi ko sa iniisip ko hahhaha. Syempre dapat pakipot ng very light hahahha.
"Huh? Para namang hindi ko nakita 'yung katawan mo nung may nangyari sa atin dati," sabi niya.
Nanlaki na lang ang mga mata ko. Mabuti na lang at pumunta na sa kusina si mama at hindi niya narinig.
"Ssshhhh! Ang ingay mo naman James! Baka mamaya marinig ka ng mama ko!" Inis 'kong sabi.
"And so?" Tanong din niya at kumunot pa and noo niya.
"Ay ewan ko sa'yo. Maliligo na lang ako," natatawa 'kong sabi.
Parang ewan 'tong si James. Nakakaasar... Alam ko na may kamanyakang taglay si James. Berde rin ang utak ko minsan. Ano na lang ang patutunguhan namin? Hahahah.
Naligo na ako... Inayos ko ang sarili ko. Pagkatapos 'kong maligo ay naisip 'kong nakalimutan ko pala ang tuwalya.
Syete! Nakakahiya... May bisita. Baka mamaya kung ano pa ang isipin ni James.
Binuksan ko na lang ng maliit ang pinto sa cr at sumilip ako.
"Ehem! Mama... Paki-kuha po nung tuwalya. Nakalimutan ko pong kunin kanina," sabi ko.
Parang wala yatang naririnig si mama. Nasaan kaya si mama?
"Mama 'yung tuwal..."
Hindi pa ako tapos magsalita pero bigla na lang sumulpot sa harapan ko si James.
"Ay kepyas!" Gulat 'kong sigaw.
Ang bastos ng bibig ko hahahha. Ganyan talaga kapag nagugulat ako.
"Ito ba ang hinahanap mo Peter?"
Napatitig ako kay James at hawak niya ang tuwalya. Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko.
"Nasaan si mama? Bakit nasayo 'yan?" Inis 'kong tanong.
"Namalengke si mama mo. Hindi ko alam na gusto mo pa rin pala ng kepyas hahahah. Mamili ka... Aabutin mo ba ang tuwalya dito sa labas o papasok ako diyan sa loob at pupunasan kita?"
Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Kaasar ka James! Uminit tuloy bigla. 'Wag mo naman akong i-seduce! Marupok ako hahahah.
"James tumigil ka nga sa kalokohan mo. Nakakaasar ka..." Natatawa 'kong sabi.
Bigla niyang itinaas ang shirt niya. Kaasar! Napalunok na lang ako. Anim ang mala-pandesal na abs niya. Syete! Ang init dito wwwhhhooo hahahah.
"James naman! Nakakaasar ka!" Nagmamaktol 'kong sabi.
Kaasar... Naiinis din ako sa sarili ko. Masyado akong pabebe. Dapat accept the blessings diba? Hahahhah.
"Anak... Tapos ka na bang maligo? Gagamit ako ng banyo," sabi ni mama.
Nagulat si James at bigla niyang binato sa akin ang tuwalya. Mabuti at nasalo ko kaagad.
Kaasar si mama hahahah. Kaunting pilit na lang ni James eh! Ay ahahah ang naughty ko. Hindi pa nga kami.
Nagbihis na ako ng maayos na damit. Dapat gwapo din akong tingnan kasi gwapo ang kasama ko.
Bumaba na ako. Nakita ko si James na natatawa na parang nahihiya. Natatawa yata siya sa sitwasyon namin kanina.
"Uy James... Magsisimba na ba tayo o ise-seduce mo na naman ako?" Natatawa 'kong tanong.
"Bakit ano bang gusto mo?" Tanong din niya.
"Parehas..." Mahina 'kong sabi.
"Huh? Anong sabi mo?"
"Wala... Ang sabi ko magsimba na tayo at nang mabawasan naman ang mga kapilyuhan mo at mga kasalanan natin," natatawa 'kong sabi.
Umalis na kaming dalawa ni James. Pumunta na kaagad kami sa simbahan.
Dahil medyo late na kami ay sa bandang dulo na kami naka-upo.
Tahimik lang kaming dalawa ni James habang nakikinig sa misa.
Naramdaman ko na lang bigla ang kamay niya na humahawak sa palad ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang nagsisimba.
Napangiti na lang ako... Ang sweet pala ni James. Ramdam ko ang init ng palad niya. Mabuti na lang at sa may bandang dulo kami kaya hindi kami nakikita.
Kaasar... Forgive me Lord. Simbang landi yata ang nagaganap ngayon. Maya-maya ay lumuhod na lang ako para magdasal ng mataimtim.
Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami ni James.
"Ikaw ah... Nasa simbahan tayo tapos hinahawakan mo kamay ko," sabi ko.
"Ok lang naman 'yun diba? Wala namang masama sa ginawa ko," nakangiti niyang sabi.
Ngumiti na lang din ako. Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kami na matandang babae.
Bigla na lang natumba ang matandang babae kaya nilapitan namin kaagad ni James para tulungan.
"Lola... Ok lang po ba kayo?" Nag-aalala 'kong tanong.
Tumingin lang sa amin ang lola at ngumiti siya. Inalalayan namin si lola para makatayo siya.
"Ang bait niyo naman mga iho... Maraming salamat," sabi ni lola.
Ngumiti na lang kaming dalawa ni James sa kanya.
Maya-maya ay tinitigan ni lola si James at nagtataka na ako. Bakit nakatitig lang siya kay James?
"Bakit po lola? Bakit niyo po ako tinititigan?" Nagtatakang tanong ni James.
"Iho... Kadugo mo ba 'yung lalake na may pulang buhok?" Tanong ni lola.
"Ay opo! Si Raypaul po ba? Pinsan ko po siya," sabi ni James.
Kilala ba ni lola si Raypaul na pinsan ni James?
"Iho... Gusto niyo ba na basahin ko ang kapalaran niyong dalawa? Binasa ko na rin kasi ang kapalaran ng pinsan mo pati 'yung lalake na kasama niya," sabi ni lola.
So ibig sabihin hinulaan ni lola si Raypaul at Kith dati? Ang galing naman.
"Sige po lola... Kayo po ang bahala," sabi ko.
Kukunin sana ni lola ang palad ko para tignan pero inunahan ako ni James.
"Ako po muna ang unahin mo lola," nakangiting sabi ni James.
Pinakita ni James ang palad niya kay lola at seryoso lang ang mukha ni lola.
"Mukhang parhas kayo ng pinsan mo. Pareho kayong lalake ang mamahalin," sabi ni lola.
Napangiti na lang si James at tinitigan niya ako. Tinitigan din kaming dalawa ni lola.
"Pasensya na... Mukhang hindi kayong dalawa ang nakatadhana. Ibang lalake ang para sa'yo iho," sabi ni lola.
Napakunot na lang ang noo ni James.
"Wala naman po akong ibang lalake na gusto. Si Peter lang..." Sabi ni James.
"Kapag natagpuan mo ang lalakeng para sa'yo, dapat mo siyang ipaglaban. Sa pinsan mo, bumuhos ang luha dahil sa pag-ibig. Iba ang kwento mo. Mas masakit... Mas mahapdi. Hindi lang basta luha ang bubuhos, dadanak din ang dugo. May malalagas na buhay. Lalabas ang katotohanan na matagal nang itinago sa'yo. Magiging madugo ang kwento ng pag-ibig niyo. Kailangan mong lumaban para sa kanya. Siya ang nararapat para sa'yo," sabi ni lola kay James.
Napakamot na lang sa ulo si James. Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ni lola.
Kinabahan ako... Paano kung totoo ang sinabi ni lola? Paano kung hindi pala kami ni James? So ibig sabihin ba si Rogue ang para sa akin?
"Oh paano? Ikaw naman ang babasahan ko ng kapalaran iho..." Sabi ni lola sa akin.
Pinakita ko ang palad ko kay lola. Napangiti siya bigla.
"Bakit po lola? Ano pong nakikita niyo?" Tanong ko.
"Mabait ka pala iho pero berde ang utak mo," nakangiting sabi ni lola.
Kaasar! Totoo nga ang sinasabi ni lola. Nababasa niya nga ako.
"Lola naman... 'Wag po 'yan ang basahin niyo. 'Yung future ko po ang basahin niyo," sabi ko.
Tinitigan ni lola ang palad ko at nanlaki ang mga mata niya. Kita ko sa mga mata ni lola ang takot. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Pasensya na iho... Wa-wala akong makita," kabadong sabi ni lola.
Bakit? Feeling ko at nagsisinungaling si lola. Feeling ko ay ayaw niya lang sabihin sa akin ang nakita niya.
"Sige po... Salamat... Aalis na po kami," sabi ni James.
Tumalikod na kaming dalawa at naglakad na kami ni James.
"Ang weird... Bakit parang ayaw lang sabihin ni lola ang nakita niya sa kapalaran ko?"
"Hayaan mo na lang..." Sabi ni James.
"Nakakalungkot... Sabi ni lola hindi raw tayo meant to be," sabi ko.
"Peter naman! 'Wag kang maniwala. Hula lang 'yun!" Sabi ni James.
"Hindi hula ang sinabi ko. Binasa ko ang kapalaran niyo!"
Napalingon kami at nandoon pa pala si lola. Mukhang seryoso siya at sinundan niya kami ni James.
Napatahimik na lang kami ni James. Tumitig lang sa akin si lola.
"Mag-iingat ka iho... Lagi mong aalagaan ang puso mo," seryosong sabi sa akin ni lola.
"Sige po... Kailangan na naming umalis," sabi ni James.
Nagmamadali na si James at hinatak niya ang kamay ko.
Natahimik na lang ako dahil sa sinabi ni lola. Bakit ganun? Lolokohin ba ako ulit ni James kaya dapat alagaan ko ang puso ko?
Naniniwala ako kay lola. Alam ko na totoo ang sinasabi niya. Ramdam ko na hindi lang 'yun basta hula.