Ang sarap ng tulog ko. Ayoko pang pumasok sa trabaho. Naaamoy ko ang sinangag at itlog sa kwarto ko.
Naalimpungatan na lang ako at unti-unti 'kong dinilat ang mga mata ko.
"Good morning!" Sigaw ni James.
Nagulat na lang ako dahil tumambad sa akin ang pagmumukha ni James. Napaayos na lang ako ng pagkakahiga ko sa kama.
"Ba-bakit nandito ka sa kwarto ko?" Tanong ko.
"Tinanong ko kasi kay insan Luther kung anong oras ang pasok mo. Nagluto talaga ako ng almusal para sa'yo," nakangiti niyang sabi.
Why James? You're too sweet. Nilapag niya ang breakfast table sa kama.
"Oh Peter? Tititigan mo na lang ba ang itlog ko? Kainin mo na..." Tanong niya.
"Huh?" Naguguluhan 'kong tanong.
"Ang sabi ko kainin mo na 'yung niluto 'kong itlog," sabi niya.
Aaahhhh... Hindi mo kasi nililinaw! Kung ano-ano na tuloy ang pumasok sa isip ko hahahah.
Tinusok ko na lang ang hotdog at itlog ng tinidor. Masarap din ang breakfast na luto ni James.
"Bakit mo nga pala ginagawa 'to?" Tanong ko habang kumakain.
"Wala naman... Gusto ko lang," tipid niyang sagot.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Parang iba na ang mga actions ni James. Masyado na siyang sweet sa akin. Hindi ko na maintindihan.
Inubos ko na lang ang almusal na niluto niya para sa akin.
"Salamat sa breakfast James," sabi ko.
"You're always welcome..." Sabi niya at ngumiti na siya.
"Doon ka muna sa sala," sabi ko.
"Huh? Bakit? Bawal ba ako sa kwarto mo ha?"
"Maliligo ako! Hahahah."
Parang nahiya siya bigla at pumunta na siya sa sala.
Habang naliligo ako ay hindi ko talaga maintindihan ang ginagawa niya. May gusto na ba talaga siya sa akin?
Hindi naman kasi normal na lutuan mo ng breakfast ang isang tao dahil lang gusto mo diba? I'm not naive. Iba na ang pakiramdam ko sa actions niya but still, ayokong umasa.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako kaagad. Habang nagsusuklay ako sa sala ay bigla na lang akong nilapitan ni mama.
"Anak... Manliligaw mo ba si James? Diba crush mo siya dati?" Mahinang tanong ni mama.
"Mama... Matagal na po 'yun. Naguguluhan din ako kung bakit ganyan si James," bulong ko.
"Anak... Si Rogue ba nililigawan ka? Diba hinatid ka niya kagabi?"
"Mama... Ewan ko rin po kay Rogue kung bakit ganun siya," sabi ko na lang.
Tinapos ko na ang pagsusuklay ko. Tinitigan na lang ako ni mama.
"Anak, hindi maayos ang pagsusuklay mo. Ang gulo pa ng buhok mo," sabi ni mama.
"Huh? Ok na po ah!"
"Hindi anak... Itirintas natin! Ang haba na kasi ng hair mo," sabi ni mama sabay tawa.
Napatitig na lang sa amin si James at halatang nagtataka siya sa pagtawa ng mama ko.
"Mama... Papasok na po ako sa trabaho," sabi ko.
"Oh sige anak... Pagkatapos ng trabaho mo, 'wag mo kalimuang lumandi. Ang gwapo ng mga lalake mo."
"Mama naman!"
Tinawanan lang ako ni mama. Umalis na kami ng bahay at sabi ni James ay ihahatid na niya ako sa trabaho.
"Mamaya... Susunduin kita," sabi ni James.
"Ok..." Sabi ko na lang.
Naguguluhan na ako sa kanya. Isa pang sweet na galaw, kokomprontahin ko na itong si James. Ayokong ma-fall na naman sa kanya.
"Mamayang lunch gusto mo ba na dalhan kita ng pagkain?" Tanong niya.
"No... 'Wag na siguro. Next time na lang James. Baka tumaba ako," sabi ko at pinilit 'kong tumawa.
"Edi sabay tayong mag-gym kapag weekends," sabi niya.
Sabay kaming mag-gym? Ang yummy pa namang ng muscles ni James hahahah. 4 lang ang abs ko. Dati nakita ko, 6 ang abs niya.
Siguro mas matigas na ang abs niya. Siguro mas malaki na ang muscles niya. Siguro mas malaki na rin ang ano niya... Erase! Lumilipad na naman ang utak ko hahahah.
Pagkatapos niya akong ihatid sa trabaho ay medyo naguguluhan pa rin ako sa kanya.
Iniisip ko talaga si James kung bakit siya ganun. Buti na lang at nasa Japan si Rogue dahil panigurado, iisipin ko rin ang mga actions niya.
"Uy! Seryosong-seryoso sa trabaho ah."
Napatingin na lang ako at si Dr. Luther pala ang nasa harapan ko.
"Ay good morning doc. Iniisip ko lang po ang mga finance sa bahay," palusot ko sa kanya.
"Oh really? Finance ba sa bahay o ang pinsan ko," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Napalunok na lang ako. Siguradong may alam itong si Dr. Luther at pinsan niya si James. Ang alam ko ay close na close sila.
"I know that he is too sweet pagdating sa'yo. Kinuha pa nga niya ang schedule mo eh," sabi niya.
"Hmmm... Tingin mo doc, bakit niya ginagawa 'yun?"
"Jusme! Hindi ka na bata Peter. Marunong ka nang gumawa ng bata. Dapat alam mo na ang ibig sabihin ng mga actions ni insan," natatawa niyang sabi.
"Ayoko kasing umasa. Baka mamaya may gusto siyang iba. Kilala ko si James, babaero siya dati," sabi ko.
"Yeah right... Babaero nga siya dati. Wala naman akong nababalitaan na babae niya ngayon. Ang alam ko tumalon na siya ng bakod at lalake na ang pinopormahan niya," sabi ni doc sabay tawa.
Kaasar ka naman doc! Lalo akong humuhopia sa pinsan mo! Nakakaasar hahahah. Parang nababaliw na ako.
"I'm still not convinced if he really like me," seryoso 'kong sabi.
"Then confront him. Wala namang masama kung tatanungin mo siya diba? I'm pretty sure about his answer," sabi niya.
Napangiti na lang ako. Sana nga gusto ako ni James.
"Pangiti-ngiti ka diyan? Kinilig 'yung bayag mo?" Sabi ni doc sabay tawa.
Sumibangot na lang ako dahil sa sinabi niya. Bumalik na si doc sa office niya at may aasikasuhin pa siyang mga pasyente.
Ang gulo naman kasi ni James. Para siyang bulbol! Kaasar! Sana nga may gusto siya sa akin.
Eh paano si Rogue? Ay takte! Kapag bumalik talaga 'yun galing ng Japan tapos umamin siya, guguho na ang universe ko hahahah.
Baka ako na ang ipalit sa pwesto ni Aphrodite ahhahah. Baka magpagupit na ng buhok si Rapunzel sa sobrang hiya hahahah. Ay... Nakalimutan ko, maikli na nga pala ang buhok niya sa Tangled hahahahah.
Pagkatapos ng trabaho ko ay naglakad na ako sa lobby. Wala namang text sa akin si James.
Paglabas ko ng hospital ay nandoon na pala ang kotse ni James na naka-abang.
Napangiti na lang ako at napansin niya ako. Lumabas siya at ngumiti na rin siya sa akin.
"Kanina pa ako naghihintay sa'yo," nakangiti niyang sabi.
Ito na ang tamang oras para kumprontahin ko siya. Tama si doc! Dapat ay tanungin ko si James para hindi na ako maguluhan.
"James... Why are you so sweet to me? Naguguluhan na ako sa actions mo," seryoso 'kong sabi.
Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay ngumiti na ulit siya sa akin. Ang ganda ng mga ngiti niya.
"Is it not obvious? I like you," nakangiti niyang sabi.
Parang bigla na lang nalaglag ang brief ko hahahah. Syete! Kinilig ako hahaha.
"Why? Diba sabi mo dati hindi mo kayang makipag-relasyon sa lalake?" Tanong ko.
"I was amazed by Kith and Raypaul's love story. Possible pala na magkatuluyan ang dalawang lalake. May gusto rin ako sa'yo but I'm so afraid na ma-judge tayo ng ibang tao. I'm such a coward! But now, I finally realized that I love you. Please... Let me love you," sincere niyang sabi.
Bang! It's official, na-dethrone na talaga si Aphrodite dahil sa akin hahahah.
Parang nararamdaman ko na may tumutubong pakpak sa likod ko. Gusto ko nang lumipad sa sobrang kilig kaasar! Hahahah.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Eh kasi... Medyo nahihiya ako. Alam ko kasi na malaki ang kasalanan ko sa'yo noon," sabi niya at bigla siyang naging seryoso.
Maya-maya ay tinitigan na niya ako. Kitang-kita ko na namumuo ang luha sa mga mata niya.
"Do you still love me Peter?" Naluluha niyang tanong.
Syete ka James! 'Wag ka namang ganyan! Nahihirapan akong magpakipot.
"I don't really know," sabi ko at napalunok ako.
Maya-maya ay pinilit niyang ngumiti.
"It's ok... Liligawan na lang kita," nakangiti niyang sabi.
"James... Seryoso ka ba talaga? Hindi kasi ako convinced. Baka nilalagnat ka lang. Sigurado ka ba talaga na gusto mo ng hotdog? Baka magbago pa ang isip mo at maghanap ka ng mani," seryoso 'kong sabi.
Napatawa na lang siya ng mahina dahil sa sinabi ko. Seryoso naman ang pagkakasabi ko eh. May nakakatawa ba doon?
"I'm sure that I love you! Paano ko ba mapapatunayang mahal kita? Tatawid ba ako sa alambre? Susungkitin ko ba ang mga bituin? Aakyat ba ako sa pinakamataas na bundok? Mahirap 'yun..."
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya sa dibdib niya. Ramdam ko ang t***k ng puso niya.
"Ganito na lang... Hawakan mo na lang ang puso ko para mapatunayan 'kong sa'yo lang ang buhay ko," seryoso niyang sabi.
Syete ka Jaime! Lalo akong kinikilig sa mga ginagawa mo.
"What if... Iwan mo na naman ulit ako?" Sabi ko at medyo nalungkot ako.
Minsan na niya akong iniwan at masakit 'yun para sa akin. Ayokong maulit ang nangyari noon.
"I will never leave you again. This time, I'm not gonna be a coward. This time, I will keep my promises. Please... Just give me one chance to show my love for you. Matagal na kitang mahal pero natakot lang ako noon sa mga letseng what if at possibilities. Please... Hayaan mo na ligawan kita," seryoso niyang sabi.
James... I really like you even before. Sana ay seryoso ka na. Ayokong dumating ang araw na ayawan mo na naman ako.
"Kung 'yan ang gusto mo, ok... Payag ako," nakangiti 'kong sabi.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa yakap niya.
"Thank you..." Mahina niyang sabi.
Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko.
Ano 'to? Tinamaan talaga siya sa akin? Snow White, parang nangingitim ka na yata. Mag-gluta ka na hahahhahah.
Sana nga totoo na ang sinasabi mo James. Sana nga ay sigurado ka na sa desisyon mo. Ayokong masaktan ulit.
Sana ay hindi mo na sayangin ang chance na binigay ko kasi alam ko naman na alam mong baka mahuhulog na naman ako sa'yo.