Chapter 8: Confused

1474 Words
Naalimpungatan na lang ako. May naaamoy akong bacon. Pagdilat ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Rogue. "Ay gwapo!" Gulat 'kong sabi. Ngumiti na lang siya. Natutuwa ako at hindi na siya seryosong tignan. "Oo, alam 'kong gwapo ako. Kumain ka na ng breakfast mo," nakangiti niyang sabi. Kinain ko na lang ang hinandang breakfast ni Rogue. Ang sweet naman niya para sa isang bisita na kagaya ko. "Kumain ka na ba Rogue?" Tanong ko. "Oo Peter... Alam ko kasi na may trabaho ka pa kaya gumising na ako ng maaga," sabi niya. "Ay... Hala 'yung uniform ko!" "Hala oo! Nilabhan ko na kanina hahahah. Ok na lahat... 'Wag kang mag-alala," natatawa niyang sabi. Nilabhan niya? Nahiya tuloy ako bigla. Bakit ganyan ka Rogue? Pa-fall ka bang pogi ka? Hahahah. "Grabe... Maalaga ka pala. Ang sarap mo siguro maging asawa," sabi ko. Tinusok ko ng tinidor ang hotdog. Sinubo ko ang hotdog at nagulat ako dahil kinagat niya ang kabilang dulo. "Bakit? Gusto mo ba akong asawahin?" Bigla niyang tanong. Nalunok ko bigla ang hotdog kaya nabilaukan ako. Pinainom ako ni Rogue ng juice at hinihimas niya ang likod ko. "Ikaw kasi... Hayok na hayok ka sa hotdog ko," natatawa niyang sabi. "Ano?" Gulat 'kong tanong. "Sabi ko... Hayok na hayok na sa niluto 'kong hotdog," tumatawa niyang sabi. Ikaw naman kasi... Linawin mo Rogue hahahah. Alam mo naman siguro na berde ang utak ko. Nang matapos akong kumain ay naligo na ako kaagad. Nagbihis na ako at talagang hinatid pa ako ni Rogue sa hospital. "Oh paano? Susunduin ba kita mamayang gabi?" Tanong niya. "Naku 'wag na... Salamat na lang. Sa bahay muna ako," sabi ko. "Edi ihahati kita mamaya sa bahay mo. Ingat ka sa trabaho... Bye bye na..." Nakangiti niyang sabi. Umalis na si Rogue. Napangiti na lang ako dahil sa kanya. Ang sweet niya talaga. Ideal boyfie si Rogue hahahah. "Sino 'yun? Boyfriend mo ba?" Napalingon na lang ako at nakita ko si Dr. Luther. "Grabe hahahahah. Kaibigan ko lang 'yun doc!" Sabi ko. "Ang gwapo niya ah... Bagay kayo," sabi ni doc. Enebe doc... Oo na hahahah. Parang pinupush niya ako kay Rogue hahahah. "Grabe ka naman doc. Magtrabaho na lang tayo," natatawa 'kong sabi. Inasikaso ko na lang ang mga pasyente na nagpapa-check up pati 'yung mga sinusugod sa emergency room. Nakakapagod din talaga ang trabaho ko. Masaya naman ako na maging nurse dahil pangarap ko rin ito. Mahirap nga lang makahanap ng trabaho sa simula. Lumipas na ang mga oras at lunch na rin pala. Hindi ko namalayan kasi ang dami ng pinalamon sa akin ni Rogue kaninang umaga. "Nurse Peter..." Sabi ni doc. "Bakit po?" Tanong ko. "Nag-lunch ka na ba?" "Ay hindi pa po. Bakit?" Tanong ko. "May gusto kasi na sumabay sa'yo na mag-lunch eh," sabi niya. "Huh? Sino naman po? Nasaan po siya?" Nagtataka 'kong tanong. "Nasa office ko... Sumunod ka sa akin." Sumunod na lang ako kay doc. Pagpasok namin sa loob ay sobrang lamig ng aircon. Grabe... Cold blooded yata itong si doc. "Hoy insan! Nandito na 'yung pinapa-hunting mo," sabi ni doc. Insan daw? Napansin ko na may nakaupo sa upuan ni doc. Inikot niya ang upuan at nagulat na lang ako. "Good afternoon Peter," nakangiting sabi ni James. "What the Heck! Bakit nandito ka?" Gulat 'kong tanong. Nakita ko na nag-high five pa silang dalawa. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyayari. "Ano Peter? Lunch tayo..." Sabi ni James. "Wait nga! Bakit ba kasi nandito ka?" Tanong ko. "Velasco ang surname ko. Velasco din ang surname ni Luther. Hindi ba pumasok sa isip mo na baka mag-pinsan kaming dalawa?" Tumatawang sabi ni James. Oo nga pala... Akala ko naman kasi magkaparehas lang sila ng apelyido. Hinatak na ni James ang kamay ko. Pumunta kami sa canteen dito sa hospital. Akala ko ay bibili siya, may dala pala siyang pagkain sa paper bag na dala niya. "Saan mo naman nakuha ang mga pagkain na 'yan? Alam 'kong hindi ka marunong magluto," sabi ko. "Yeah... Pero sa maniwala ka o hindi, ako talaga ang nagluto niyang mga ulam. Nagpaturo ako sa maid namin. Para sa'yo..." Nakangiti niyang sabi. "Ta-talaga? Para sa akin?" 'Di makapaniwala 'kong tanong. Tumango lang siya sa akin at ngumiti na naman siya. Bakit James? Bakit mo ginagawa 'to? "Uy ano? Tititigan mo na lang? Kumain ka na," sabi niya. Tinikman ko siya... Este ang adobo ni James hahahah. "Ay ang sarap ah!" Sabi ko. Nakangiti lang siya sa akin. Kumain na lang ako. 'Di ko alam na marunong na pala siyang magluto. "Bakit nga pala nandito ka?" Tanong ko sa kanya. "Bumisita lang talaga ako kasi pinsan ko si Luther. Close kaya kami. Nalaman ko na dito ka pala nagtatrabaho," sabi niya. Namumula na ako sa ginagawa ni James. Bakit ba ang sweet niya rin kagaya ni Rogue? "Sabi sa akin ni Luther, may naghatid daw sa'yo kanina. Gwapo daw at mukhang hapon. Si Rogue ba?" Tanong bigla ni James. Nasamid na lang ako kaya uminom ako kaagad ng softdrinks. "Oo... Masasabi ko na medyo close na kami ni Rogue," sabi ko. Umiwas ng tingin si James. Kita ko na parang bigla na lang naging seryoso ang mukha niya. Habang kumakain ay bigla na lang naging tahimik si James. Nagtataka tuloy ako. Bakit tumahimik siya bigla? "Uy James! Ang tahimik mo," sabi ko. "Ah wala... Sige na... Kumain ka na lang muna," sabi niya. Ano 'yan? Parang bad trip yata bigla itong si Jaime. Alam ko na seloso ang lahi ng mga Velasco kasi seloso din ang pinsan niya na si Raypaul. 'Di naman sa feeler ako, nagseselos ba siya kay Rogue? Hahahahhah. Parang hindi naman. Feeler nga lang siguro ako hahahhah. Pagkatapos 'kong kumain ay nagpaalam na si James. Umalis na kaagad siya at bigla siyang naging tahimik. Ano 'yun? Anong nangyari sa kanya? Hahahah. Bigla na lang bad trip eh wala naman akong sinabi na masama. Pagkatapos ng lunch ay bumalik na kaagad ako sa trabaho. Nakakapagod din... Maraming pasyente ngayong araw. Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako kung bakit bigla na lang naging bad trip si James. Ang gulo naman niya. Wala naman akong ginawa na masama. Nang matapos ang trabaho ay tinignan ko na lang ang phone ko. May 3 missed calls at maraming texts. Kay Rogue galing lahat. ..... Lunch na Peter... Nasa hotel ako ngayon para mag-manage. Dadalhan sana kita ng pagkain pero hindi kakayanin ng time ko. ..... 'Wag kang magpapagutom ha? ..... Busy ka yata sa trabaho... Ingat ka diyan. ..... Mamaya hintayin mo ako. Ihahatid na kita pauwi. ..... Grabe... Hindi ko alam na marami na pala siyang texts sa akin. Ang sweet na nga niya. Naglakad na lang ako at nang dumaan ako sa lobby ay nakita ko si Rogue na nakaupo at naghihintay. "Uy... Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. "Nandiyan ka na pala Peter. Hmmm... Oo kanina pa ako naghihintay sa'yo. Kamusta ang trabaho mo?" Nakangiti niyang tanong. "Ok naman... Medyo busy lang ako ngayong araw," sabi ko. "Ganun ba? Kumain ka ba ng maayos kaninang lunch?" Tanong niya. "Oo naman... Ang dami mo palang texts sa akin. Kanina ko lang nabasa," sabi ko. Ngumiti na lang siya. Hindi pa rin ako sanay na ngumingiti si Rogue. Ang gwapo niya kapag ngumingiti siya. "Oh paano? Ihahatid na kita pauwi," sabi niya. Ngumiti na lang din ako sa kanya. He's too sweet. Parang iba na ang kabaitan na pinapakita niya. Sumakay na kami sa kotse niya. Naninibago pa rin ako kasi lagi nang nakangiti si Rogue. "Hmmm... Peter pasensya na nga pala," sabi ni Rogue. "Huh? Bakit naman?" Nagtataka 'kong tanong. "Mukhang mawawala ako ng ilang araw. I will go to Japan. I will manage our family business. Don't worry saglit lang naman 'yun. Bibilisan ko lang. May pinapaayos lang si dad. Pasensya na kasi hindi kita maihahatid or masusundo," seryoso niyang sabi. "Ano ka ba? Hahahah. Your not obliged na ihatid or sunduin ako. Nahihiya na nga ako sa'yo eh," natatawa 'kong sabi. "Kahit na... Basta mag-iingat ka habang wala pa ako," nakangiti niyang sabi. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na lang din ako. Mabait pala talaga si Rogue. Siya 'yung tipo ng tao na laging sincere sa mga sinasabi niya. Maya-maya ay huminto na kami sa harapan ng bahay ko. "Oh pumasok ka muna sa bahay Rogue. Kain ka muna ng dinner," sabi ko. "Naku salamat na lang. May aasikasuhin pa kasi ako. Medyo busy ako sa work. Talagang hinatid lang kita pauwi," sabi niya. Hinatid niya lang talaga ako pauwi? Nakakahiya naman... Ang sweet pala niya talaga. Siningit niya pa ako sa oras niya. "Sa-salamat..." Nahihiya 'kong sabi. "Oh paano? Good night na Peter. Mauna na ako," nakangiti niyang sabi. "Hmmm... Sige ingat ka sa pagda-drive," sabi ko. Ngumiti na lang siya. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis ka siya. Napangiti na lang ako. Bakit ang bait mo Rogue? Bakit ang bait din ni James kanina? Bakit ganun sila sa akin? Ayokong mag-assume pero may gusto kaya silang dalawa sa akin? Alam ko na gwapo ako... Pero bakit? Bakit ako pa? Naguguluhan na ako sa actions nilang dalawa. Baka mamaya ma-misinterpret ko ang mga ginagawa nila para sa akin. Baka mamaya masaktan ako sa huli. Pero ang hirap kasing i-deny... Diba kahit sino naman mag-iisip na parang may gusto na silang dalawa sa akin? Bakit ba kasi ganito sila? May isang katanungan talaga na gumugulo sa isipan ko ngayon... Bakit ang haba na ng buhok ko? Hahahah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD