Abala ako ngayon sa trabaho ko. Tuwing off lang kasi ako nakaka-gala. Buti na lang at masaya ang off ko hahahah.
"Good morning Nurse Peter..."
Napatingin na lang ako sa harapan ko. Busy kasi ako sa pag-aayos ng mga bagong deliver na dextrose.
Si Doc pala... Gwapo rin itong si Doc kaya lang mukha yatang staight hahahhah.
"Good morning po Dr. Velasco," nakangiti 'kong bati.
"Hahahah bago ka dito diba? Don't call me on my surname," sabi niya.
"Ay sige po Dr. Luther," sabi ko na lang.
Bago pa lang kasi ako sa hospital na ito. Nakita ko lang ang full name niya sa desk niya kaya tinawag ko sa surname.
Cardiologist si Dr. Luther at inaamin ko sa inyo. Hottie doctor si Dr. Luther hahahah.
Umalis na si doc para asikasuhin 'yung mga pasyente niya. Busy naman ako kapag may mga sinusugod sa emergency room.
Naalala ko last year medyo marami din ang naputukan sa dating hospital na pinagta-trabahuan ko. Busy ako kahit bagong taon hahahah.
Maya-maya ay natapos na rin ang shift ko at medyo gabi na.
Kailangan ko nang umuwi ng bahay. Hindi naman kasi talaga ako mahilig gumala lalo na kapag wala pa namang sweldo.
Naglakad na ako sa labas ng hospital. Wala kasi akong kotse hahahah. Kahit nurse/model ako, nagtitipid pa rin naman ako.
Kinakabahan ako... Parang may umihip na masamang hangin.
"Syete... May multo ba?" Mahina 'kong tanong.
Lumingon ako sa paligid at parang may sumusunod sa akin. Wala namang tao. Medyo madilim na.
Lalo akong kinakabahan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Kaasar! Parang may sumusunod talaga.
Nagulat ako at bigla na lang may humablot sa akin.
Tinakpan ang mga mata ko at nakayakap siya sa likod ko.
Nanginig ako sa takot... Wala pa nga akong sweldo tapos may hold-up kaagad? Kaasar naman!
"Ku-kuya... Wala po akong pera ngayon. Sa'yo na lang po ang phone at wallet ko. 'Wag niyo po akong sasaktan," kabado 'kong sabi.
Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa batok ko. Lalong tumaas ang mga balahibo ko.
"Hindi ko kailangan ng pera mo," sabi niya na malalim ang boses.
"Huh? A-ano pong kailangan niyo?" Takot 'kong tanong.
"Katawan mo..."
Tumayo yata lahat ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Hindi pala pera ang kailangan niya. Manyakis pala ang isang ito.
"Kuya 'wag po... May aids po ako."
Natatakot na talaga ako pero nakuha ko pang magpalusot. Ang galing talaga ni Pedro hahahah.
Maya-maya ay kumalas na ang lalake sa akin. Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko.
Si Rogue pala... Tinatawanan lang niya ako at nakahawak pa siya sa tiyan niya.
"Nakakaasar ka talaga Rogue! Dalawang beses mo na akong napag-tripan!" Inis 'kong sabi.
Sinikmuraan ko si Rogue pero ang tigas ng tiyan niyan. Abs pala... Hindi man lang nasaktan si loko.
"Sorry na Peter... Ikaw naman kasi, bakit ka naglalakad ng ganitong oras? Pasalamat ka gwapo 'yung nang-hold up sa'yo ngayon," natatawa niyang sabi.
Oo na gwapo ka! Naasar ako dito kay Rogue! Grabe ang takot ko kanina tapos tinatawanan niya lang ako!
"Nag-aabang lang naman ako ng taxi! Ikaw? Bakit nandito ka?" Tanong ko.
"Nakita kasi kita na naglalakad. Bakit 'di mo na lang ako tinawagan para ihatid kita pauwi? Safe ka kapag kasama mo ako," seryoso niyang sabi.
Parang nag-init tuloy bigla ang mukha ko. Ano ba? Pinapakilig mo ba ako Rogue? Kasi kung oo, kinikilig na ako hahahah.
"Bakit naman kita tatawagan? Baka maabala lang kita..." Sabi ko na lang.
"Huh? Hindi abala ang tawag dun. Kaibigan kita... Baka mamaya may mangyari pa sa'yo tapos wala ako," seryoso niyang sabi.
Enebe... Stop na nga Rogue! Masyado kang pa-fall hahahah. Oo na... Alam ko naman na gwapo ako hahahah ang kapal ng mukha ko.
"Hmm... May gagawin ka ba this night?" Tanong niya.
"Wala naman... Uuwi na ako bakit?" Tanong ko.
"Do you mind if we are going to watch movie together? Doon sa condo ko?"
Napalunok na lang ako. Sa condo mo? Tayong dalawa lang? Tapos anong papanoorin natin? Fifty Shades Darker? Tapos ano? Mag-iinit ka sa pinapanuod mo? Tapos sasabihin mo na gayahin natin 'yun? Tapos papayag ako? Tapos paggising natin awkward? Tapos mahuhulog ang loob ko sa'yo ganun tapos...
"Hoy! Anong iniisip mo? Bakit natahimik ka?" Biglang tanong ni Rogue.
"Ay hahahah wala naman..." Nahihiya 'kong sabi.
Grabe... May pakpak yata ang utak ko. Kung saan-saan nakakarating.
"I know what you are thinking," sabi ni Rogue.
"Huh? Sige nga... Ano?"
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata ko.
"Don't deny it... I can see lust in your eyes," seryoso niyang sabi.
Nanlaki na lang ang mga mata ko. How could you know? I can't deny! Natahimik na lang ako.
Parang bigla na lang may awkward na hangin na umihip sa aming dalawa.
"Kumain ka na ba ng dinner?" Tanong niya.
"Hmmm... Pag-uwi ko sana sa bahay," sabi ko.
"Doon ka na rin kumain sa condo ko. Text mo na lang 'yung mama mo na hindi ka makakauwi," seryoso niyang sabi.
Huh? Ano? Hindi ako makakauwi? Bakit? Anong gagawin mo? Hahahah.
"Ok..." Sabi ko na lang.
Naglakad kami papunta sa tapat ng isang convenience store.
"Uy bakit tayo pupunta diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Iniwan ko ang kotse ko kasi sinundan kita kaya naglakad ako," sabi niya.
Pinindot na lang niya 'yung alarm sa may susi niya. Nagulat ako dahil tumunog 'yung purple Lamborgini.
"Sa-sa'yo 'yan?" 'Di makapaniwala 'kong tanong.
"Yeah... Why?" Walang gana niyang sabi.
"Hehehe..."
Kaasar! Dapat talaga mag-ipon na ako pang-bili ng kotse! Nakaka-insecure hahahah.
Sumakay na kaming dalawa sa loob. Nakalimutan ko... Emperor of hotels ang dad ni Rogue. Sikat ang mga hotels nila.
"Anong gusto mong kainin mamayang dinner?" Tanong ko.
"Ikaw..." Sagot niya.
"Huh? Ako?" 'Di makapaniwala 'kong tanong.
"Oo..." Tipid niyang sabi.
"Huh? Ibaba mo na ako! Sabi ko na nga ba may binabalak ka! Ako pala ang gusto mong kainin! Manyak!" Inis 'kong sabi.
"Madumi pala talaga ang utak mo. Ang sabi ko... Ikaw... Anong gusto mong kainin? 'Yun ang ibig sabihin ko," seryoso niyang sabi.
Parang nilalamon na ako ng upuan. Bakit ba kasi ang berde ng isip ko ngayon? Naluluha na ako... Sobra akong napahiya.
"Bakit? Ano bang iniisip mo kanina pa? Hahayaan naman kita kung sakaling iba ang gusto mong gawin," sabi niya at parang nakakaloko ang tingin niya.
Napalunok na lang ako... Bakit ang seductive ng titig niya?
"Uy grabe ka... Banal kaya ang katawan ko!" Sabi ko na lang.
"Talaga ba?" Seryoso niyang tanong.
Syete... Naikwento ko nga pala sa kanya na may nangyari sa amin ni James noon. Kaasar... Wala akong lusot kay Rogue.
"Ikaw ba Rogue... Naka-ilan ka na?" Tanong ko.
Tinitigan niya ako at tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi niya yata gets ang sinabi ko.
"Ang sabi ko... Ilan na ang natikman mo hahahhah," sabi ko.
"I'm still virgin..." Seryoso niyang sabi.
Nagulat tuloy ako... Hindi halata sa hitsura niya.
"Weh? Di nga?" Duda 'kong tanong.
"I want to offer myself to someone that I will love so much. s*x is not just s*x, it's love making," seryoso niyang sabi.
Lalo akong nahiya... Seryoso pa naman ang pagkakasabi niya.
Hindi ko inakala na ganun pala ang paniniwala ni Rogue. Marami pa nga akong hindi alam sa kanya.
Maya-maya ay huminto na ang kotse niya sa parking lot ng condo. Sumakay na kami sa elevator at pumasok na kami sa unit niya.
Medyo natahimik tuloy ako. Nahiya na akong magsabi sa kanya.
"Kumakain ka ba ng Japanese food?" Tanong niya.
"Oo naman..."
"Ok... I will cook," sabi niya.
"Talaga? Marunong ka?" Tanong ko.
Mayaman kasi siya. Si James nga hindi marunong magluto eh.
"Not because I came from a rich family, I can't cook. I'm very independent person," seryoso niyang sabi.
Nginitian ko na lang siya. Tinignan niya lang ako tapos umiwas na siya ng tingin.
Bakit ganyan ka Rogue? Bakit ang seryoso mo na lang palagi?
Nilabas ni Rogue ang mga lulutuin niya sa ref. Maraming laman ang ref. niya at halos puro gulay.
Nakaupo lang ako sa tabi habang pinapanuod ko siya na nagluluto. Maya-maya ay natapos na siya.
"Ang dami mo namang niluto," sabi ko.
"Syempre... I have a visitor," sabi niya.
Napangiti na lang ako. He's kinda sweet sometimes kahit seryoso siya.
Nagluto siya ng tempura tapos ramen at pork tonkatsu. Meron ding chicken tereyaki. Humigop ako ng sabaw sa ramen.
"Syete... Ang sarap mo pala Rogue!" Bulalas ko.
"Huh? Masarap ako?" Seryoso niyang tanong.
"I mean... Masarap ka palang magluto!" Sabi ko na lang.
"Well... Thanks..." Sabi niya.
Kumain na lang kaming dalawa. Natutuwa ako... Ang sarap talaga niya magluto. Nabusog tuloy ako.
Pagkatapos namin kumain ay nag-decide si Rogue na manuod na kami ng movie.
"Anong gusto mong panoorin? I have so many movies in my flash drive," sabi niya.
Sinaksak niya ang flash drive at namili na lang ako ng movie.
"Gusto ko manood ng Big Hero! Ok lang ba?" Tanong ko.
Tumango lang siya sa akin. Na-play ko na ang movie at naglabas siya ng pop corn. Nagluto na pala siya.
Tahimik lang kaming dalawa habang nanunuod.
"Can I hold your hand?"
Nabigla ako... Napatitig na lang ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Tumango na lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang init sa palad ni Rogue. Parang nakuryente ako bigla sa pagkakahawak niya sa akin.
Maya-maya ay naramdaman ko na nilalapit niya ang katawan niya sa akin. I can feel his warmth.
Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanuod ko. Parang iba ang pakiramdam ko kay Rogue.
"Salamat..." Bigla niyang sabi.
Nagulat ako... Napatitig na lang ako sa kanya.
"Huh? Para saan?" Nagtataka 'kong tanong.
Huminga na lang siya ng malalim...
"Thanks for everything... I'm so glad that you're here. I'm so happy kapag nandiyan ka. I can't feel that I'm alone kapag nasa tabi kita," seryoso niyang sabi.
Inaamin ko... Na-touch ako sa sinabi niya. Sweet siya kahit seryoso siya.
"You don't look happy at all..." Sabi ko.
"Hmmm... Why?"
"Why so serious?" Tanong ko.
"I'm a serious person but it doesn't mean that I'm not happy. Masaya ako kapag nandito ka kung alam mo lang," sabi niya.
"Can I ask you a favor?" Tanong ko.
"Ok... Ano 'yun?"
Huminga muna ako ng malalim. Kailangan ko itong sabihin.
"Would you... Smile for me?" Seryoso 'kong tanong.
Tinitigan niya ako... Maya-maya ay bigla na lang siyang ngumiti.
Umaliwalas ang mukha niya. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang mukha ko. Ang ganda ng ngiti niya. Lalo siyang naging gwapo.
"Starting now... I will always smile... For you..." Nakangiti niyang sabi.
Ngumiti na lang din ako... Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay na-attach na ako sa kanya.
He may look serious but the truth is, he is such a loving and sweet person.