Lumipas na rin ang mga araw. Medyo nagiging close na kami ni Rogue. Mabait naman pala siya kaya lang medyo seryoso siya palagi.
Maganda ang araw ngayon. Off ko sa trabaho at naisipan ko na bumili muna dito sa grocery.
Nakita ko 'yung lalagyanan ng mga ice cream sa grocery. Napangiti na lang ako.
Favorite ko ang ice cream sandwich kaya sinilip ko ang lalagyan. Isa na lang ang ice cream sandwich. Nagmamadali akong buksan ang freezer.
Kukunin ko na sana ang ice cream sandwich pero may kamay din na humawak kaya nabigla ako.
Napatingin na lang ako sa gilid ko. Nabigla ako sa nakita ko.
Oh... Ang gwapo nung lalake. Matangkad, maputi, ang yummy ng katawan tapos singkit.
"Hi Peter! Mukhang isa na lang ang ice cream sandwich. Akin na lang," sabi niya.
Nabigla na lang ako. Kilala ko pala siya hahahhah. Hanggang ngayon ang gwapo niya pa rin.
"Oh James! Long time no see. Kamusta ka na pala?"
"I'm fine... Masaya naman ang buhay ko ngayon. How about you?" Tanong niya.
"Nurse ako... Off ko lang ngayon kaya nag-grocery na ako," sabi ko.
"Parang nilagnat tuloy ako bigla," sabi niya.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.
"Ang hot kasi ng nurse na nasa harapan ko," sabi niya sabay ngiti.
Umiwas na lang ako ng tingin. Kinilig ako sa sinabi ni James.
Naisip ko na ibahin na lang ang usapan. Delikado kasi madali akong kiligin. Ang gwapo naman kasi niya!
"Hmmm... Ano naman ang trabaho mo ngayon James?" Tanong ko.
"Actually wala pa... Naghahanap pa lang ako. Gusto ni mom na sa family business ako magtrabaho but I'm not yet ready," sabi niya.
Medyo may kaya kasi talaga sa buhay ang pamilya niyang ni James. Hindi na niya iniintindi ang pera hahahah.
"Peter, I saw your pictures sa magazines a couple of weeks ago. Ang hot mo!" Sabi niya.
"Thanks..." Nahihiya 'kong sabi.
Model kasi ako hahahah. Hindi naman sa pagyayabang pero sige... Gwapo rin naman ako! Mukha akong European.
"Oh paano Peter? Since matagal na tayong hindi nagkita... Akin na lang itong ice cream sandwich!"
Bigla niyang kinuha sa kamay ko ang hawak 'kong ice cream sandwich. Hindi ako makakapayag!
"No James! Nauna ako sa ice cream sandwich kaya akin na siya!" Inis 'kong sabi.
Hinatak ko rin ang ice cream sandwich kaya nabawi ko sa kanya.
"Akin na lang kasi! Sige na! Favorite ko 'yan eh!" Sabi niya.
"Ayoko nga! Kinuha mo na nga ang puso ko dati, pati ice cream sandwich ko kukunin mo pa," mahina 'kong sabi.
"Huh? Anong sinasabi mo?" Tanong niya.
"Wala! Ang sabi ko, walang ice cream sandwich para sa'yo!" Natatawa 'kong sabi.
"Pwede naman siguro tayong maghati diba?" Tanong niya.
"No! Kulang pa nga sa akin ang isang piraso eh!"
Huminga siya ng malalim.
Tinitigan niya ako at nag-pout pa siya ng lips niya habang nakatitig. Ang cute niya...
"Hoy 'wag ka magpacute! Ang cute mo naman kasi! Ay este... Hindi 'yan uubra sa akin!" Sabi ko.
Ngumiti na lang siya. Ang ganda ng ngiti ni James. 'Yan 'yung mga ngiti na bumihag sa akin noon.
"Sige sa'yo na lang 'yang ice cream sandwich," nakangiti niyang sabi.
"Ah talaga? Sige... Salamat," masaya 'kong sabi.
"May kapalit..." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Ano naman ang kapalit aber?" Nagtataka 'kong tanong.
Lumapit siya sa akin at tinitigan niya ako sa mga mata ko. Nag-init tuloy ang buo 'kong mukha.
Napalunok na lang ako. Bakit ba kailangan mo pang ilapit ang mukha mo? Oo na gwapo ka!
"Kiss me..." Bulong niya.
Napalunok na lang ako. Ano ka pa naman Pedro! Bakit tinatablan ka pa rin ng kamandag ni Jaime hahahah.
Alam ko na! Gusto mong makipag-laro James? Pagbibigyan kita!
Hinatak ko ang kwelyo ng damit niya at biglaan 'kong hinalikan ng mariin ang mga labi niya. Maya-maya ay kumalas na rin ako.
"Ano? Akala mo hindi ko kaya? So akin na itong ice cream sandwich hahahah," sabi ko.
Naglakad na ako papunta sa counter. Natahimik na lang bigla si James. Tumingin ako sa paligid at nakatingin na ang mga tao.
Nakakahiya! Nakakahiya pala 'yung ginawa ko. Feeling ko ay nilalamon na ako ng tiles sa sahig. Kaasar... Nasa public place pala kami.
Nagbayad na ako sa counter. Binilisan ko na ang lahat dahil kanina pa nagbu-bulungan ang mga tao. Hiyang-hiya na ako.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni James.
"Uuwi na!"
"Ay hahahah lunch time na. Kain muna tayo," sabi niya.
"Huh? Wala akong pera. Wala pa akong sweldo," seryoso 'kong sabi.
"No poblem... Treat ko..." Sabi niya at ngumiti na naman siya.
Si James 'yung tipo ng tao na palagi na lang ngumingiti. Mas lalo siyang nagiging gwapo kapag nakangiti siya.
"Ikaw ang bahala..." Sabi ko na lang.
Nag-drive na ng kotse si James. Maganda rin ang kotse niya. May kaya rin kasi sila sa buhay pati 'yung pinsan niya na si Raypaul.
"James saan mo naman balak magtrabaho?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. Ngumiti na naman siya. Kaasar! Lalo siyang gumagwapo.
"Uy tinatanong kita..."
"Hmmm... Naghahanap pa lang naman ako," seryoso niyang sabi.
Sabagay... Hindi na issue sa kanya ang pera. Kaasar... Parang awkward tuloy. Naiisip ko pa rin 'yung kahihiyan na ginawa ko kanina.
"May free time ka ba?" Tanong niya bigla.
"Hmmm... Off ko ngayon. Bakit?"
"Samahan mo naman ako sa psychiatrist..." Seryoso niyang sabi.
"Huh? Bakit? Depress ka ba? May mental disorder ka ba? Suicidal ka rin ba kagaya ni Raypaul dati? Oh shocks! 'Wag mo sabihing psychotic ka!"
Umiling-iling lang siya at natatawa lang ng mahina si James.
"Sabi kasi ng psychiatrist... Magdala raw ako ng kinababaliwan ko..." Sabi niya sabay ngiti.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Medyo nahiya ako sa kanya. Akala ko naman kung ano ang gagawin niya pero bumabanat lang naman pala siya.
Tumahimik na lang ako. Kaasar! Kinilig din ako sa sinabi ni James hahahahah.
"Uy bakit ang tahimik mo?" Tanong niya.
"Wala naman bakit?"
"Tahimik ka kasi... Kinilig ka ba sa sinabi ko sa'yo?"
"Hindi ah! Asa ka pa!" Inis 'kong sabi.
Hahahah sige lang Pedro, deny to death. Baka lumaki ang ulo niyang si Jaime kapag inamin ko na kinilig ako sa sinabi niya.
Maya-maya ay hininto na ni James ang kotse niya sa isang resto.
"Uy bakit dito? Ang alam ko mahal dito," sabi ko.
"Ano ka ba? Diba sabi ko treat ko? 'Di ka na nga gagastos magrereklamo ka pa," natatawa niyang sabi.
Tumahimik na lang ako. Palibhasa kasi may kaya talaga sa buhay itong si James.
Umupo na kami... May lumapit na waiter at nag-order na lang ako ng pinaka-mura sa menu hahaahah. Nakakahiya...
Kumain na kaming dalawa ni James. Tahimik lang kami habang kumakain. Bigla na lang siyang nagsalita.
"Peter may itatanong ako sa'yo."
"Ano naman 'yun?"
"Masarap ba?" Seryoso niyang tanong.
Hala! Anong masarap? Takte! Naalala ko tuloy 'yung nangyari sa amin dati. Oo James masarap! Masarap ka! Hahahahah.
"Ang alin ba?" Tanong ko.
"Yung order mo... Bakit? Ano bang iniisip mo?"
"Huh? Wala akong iniisip ah!" Inis 'kong sabi.
Tinitigan niya lang ako tapos tumaas ang kilay niya. Maya-maya ay ngumiti na siya tapos...
"Hahahah oo na... Alam 'kong masarap ako at 'yun ang iniisip mo," natatawa niyang sabi.
Halos maibuga ko tuloy ang kinakain ko. Uminom na lang ako ng tubig. Para kang ewan James! Pinapaalala mo pa sa akin 'yung nangyari. Oo! Nag-enjoy ako hahahah.
Kaasar! Lalo akong iniinis ni James. Parang ewan talaga.
"Wag ka ngang feeler! Kumain ka na lang diyan. Ang dami mong alam eh," inis 'kong sabi.
Tumawa na lang siya ng mahina. Kilala ko pa naman kung paano mag-isip 'yang si James.
Alam ko na may pakpak ang utak niya at kung saan-saan nakakarating. Alam ko rin na kakulay ng dahon ang utak niya. Berdeng-berde...
"Hmmm... Peter may itatanong ako," sabi niya.
"Ano na naman? Siguraduhin mong hindi 'yan kalokohan," sabi ko.
Huminga siya ng malalim. Nabigla ako kasi hinawakan pa niya ang kamay ko.
"May nagugustuhan ka na bang iba? Single ka pa ba Peter?" Seryoso niyang tanong.
Bakit? Bakit ganyan ang titig niya? Seryosong-seryoso ang mga mata niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Hmmm... Wala pa naman. Focus pa ako sa trabaho ko ngayon eh," sabi ko na lang.
Umiwas siya ng tingin. Kitang-kita ko na napangiti siya. Hindi ko tuloy siya maintindihan.
"Ikaw ba? Sino na naman ang girlfriend mo ngayon?" Tanong ko.
Kilala ko 'yan si James. Hindi tumatagal ng isang buwan ang babae sa kanya. Babaero ang lalakeng 'yan.
"Wala akong girlfriend," sabi niya.
"Weh? Maniwala ako sa'yo," natatawa 'kong sabi.
"Wala nga... Good boy na kaya ako. Sawa na akong makipag-laro," seryoso niyang sabi.
Sawa ka na? Sawa ka na rin ba nung ako ang pinaglaruan mo? Hahahahah ano ba 'yan? Ang bitter ko naman.
Pagkatapos naming kumain ni James ay hinatid pa niya ako sa bahay.
Lalo akong nagdududa sa mga kilos niya. Bakit parang bumait yata siya? Hindi naman siya ganyan dati nung high school pa kami.
Nasapian kaya siya? Hindi ko alam kung bakit mabait na siya sa akin.
Baka praning lang ako? Tama...
Praning lang yata ako. Wala namang ibig sabihin 'yung mga actions ni James. Kilala ko siya... Hindi naman 'yun magkakagusto sa akin kaya bawal akong humopia.
Pagkatapos ng nangyari dati... Dapat ay lesson na 'yun sa akin. Kahit kailan ay hindi naman ako magugustuhan ni James.
Sabi niya... Sawa na raw siyang makipag-laro? Bakit? Nakikipag-laro lang ba talaga siya dati? Laro lang ba ang lahat dati?